"Hayaan mo na 'yang si Celine wala naman ibang ginawa 'yan kung hindi ang mag pabebe dito at gumawa ng eskandalo." sambit ni Emily sa akin.

Inalis ko na ang tingin ko kay Celine at tumingin nalang ako sa ginagawang photoshoot ngayon. Pagkatapos ng photo shoot na ito ay inaya kong mag kape si Bella para personal na humingi sa kanya ng pasasalamat dahil sa pagbibigay niya sa amin ng panibagong pagkakataon para maipakita kung hanggang saan ang kaya naming gawin para sa produkto nila.

"Ms. Bella? Pwede ka ba mamaya after work? Kahit coffee lang?" tanong ko kay Bella.

"Ok!" malamyang tugon niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya kahit na natapakan niya ang pride ko. 

"Wala munang pride-pride ngayon Lucio kasi nililigawan mo pa ang company nila para mag stay pa sila dito hanggang matapos ang contract nyo." sambit ko sa sarili ko.

Lumipas ang ilang oras ng photo shoot ay natapos na din ito. Binigay nilang lahat ang litrato kay Ms. Bella upang makapili siya ng litrato para sa printing namin at pagkatapos ay umalis na.

Bago pa man makaalis ng tuluyan si Ms. Bella ay pinigilan ko na ito.

"Saan mo gustong mag kape?" tanong ko sa kanya.

"Kahit saan mo nalang gusto." tugon niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at sinabayan siya sa pag alis. Tumungo kami agad sa parking area upang gamitin ang kotse ko ngunit tumutol siya sa akin sapagkat dala niya din ang kotse niya.

"Sabay na kita sa kotse ko," nakangiting alok ko sa kanya.

"May kotse akong dala sundan nalang kita sa coffee shop na pupuntahan natin," seryosong sambit niya sa akin.

"Ok sige." tugon ko sa kanya.

Tiningnan ko muna siyang makapasok sa kotse niya bago ako pumasok sa loob ng kotse ko. Pagkatapos ko siyang sipatin ay pinaandar ko na ang kotse ko at dinala ko siya sa isang kilalang coffee shop malapit lang din sa opisina namin.

Walang nag bago sa pagmumukha ni Ms. Bella kahit pa napakaganda ng lugar na pinag dalhan ko sa kanya. Walang reaksyon ang mukha niya at seryoso pa rin siyang kausapin.

Umupo na kaming dalawa sa pina-reserve kong pwesto at pagkatapos ay lumapit na sa amin ang waiter para iabot ang menu nila. Kinuha ko agad ang menu book sa waiter at sinenyasan itong mamaya na oorder ng food. 

"Thank you! Tawagin nalang kita kapag nakapili na kami." sambit ko sa kanya.

Umalis na agad yung waiter at iniwan sa amin ang menu book at pagkatapos ay iniabot ko na agad kay Ms. Bella ito para mauna na siyang makapili ng kakainin niya.   

"Pili ka na ng kakainin mo Ms. Bella." sambit ko sa kanya habang abot-abot ang menu book sa kanya.

Inabot agad sa akin ni Ms. Bella ang menu book at tiningnan ang mga menu nila doon. 

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya tumingin nalang ako sa paligid at nag isip-isip ng kung ano-ano.

"Sana ikaw ang una kong naidala dito Gianna." sambit ko sa sarili ko.

Habang lumalalim ang pag de-daydreaming ko ay bigla nalang itong pinutol ni Ms. Bella.

"May asawa ka na pala?" seryosong tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko.

"Aah oo may asawa na ako," nakangiting tugon ko sa kanya.

"Sa susunod dalhin mo yung asawa mo sa opisina mo para makilala ko," sambit niya sa akin.

"Pasensya na pero hindi ko na siya madadala pa sa opisina dahil iniwan na niya ako," malungkot na sambit ko sa kanya.

"Hiwalay na kayo?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi. Namayapa na siya." malungkot na tugon ko sa kanya.

Napatingin siya ng matalim sa akin na tila ba'y may nag lalaro sa isipan niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatanong nalang sa kanya.

"Bakit mo natanong?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Napansin ko kasi ang singsing sa kamay mo," tugon niya sa akin.

"Kahit wala na siya sa piling ko lagi ko pa ring suot yung singsing namin sa kasal kasi pag suot ko 'to piling ko nasa tabi ko lang siya." sambit ko sa kanya.

Hindi na tumugon sa akin si Ms. Bella at tinawag na niya ang waiter para sa order niya. Hindi ko pa nakikita ang menu at hindi pa ako nakakapili ng pagkain ko ngunit tinawag na niya ang waiter para umorder kaya ang ginawa ko ay 'yun at 'yun na din ang inorder ko na makakain.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon