Fangirl

116K 2.7K 204
                                    

17

Nagkakagulo na sa backstage. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang concert nilang anim. Ako naman ay hindi na mapakali sa kaba. Ganito naman lagi magmula noong ako na ang naghandle sa Wave. Kapag may okasyon ay parang ako ang sinisilaban.

"Ready na ako!" sigaw ni August at nagpapadulas pa sa kanyang skateboard. Mabilis ko siyang nilapitan at tinitigan.

"Tigilan mo yan! Baka masaktan ka pa, hindi ka makakapagperform." Bawal ko. Ngumuso lang siya at inayos ang kanyang suot na white shirt at dogtag. Sumayaw pa siya sa harap ko at ngumisi.

"Got one less, one less problem~" kanta niya bago ako kinindatan. Pinandilatan ko na lamang siya at nagmamadali na siyang umalis sa harapan ko.

"Sungit mo bossing!" sigaw niya at tumakbo na para kunin ang kanyang lapel. Napailing na lamang ako at pinanood ang kanyang panggulo sa floor director.

"Ria."

Napaharap ako kay Athan na nakanguso lang at inaayos ang kanyang necktie. Tumaas ang kilay ko at nilapitan siya. Kinuha ko ang kanyang tie at ako na ang nagtali. Nakasuot siya ng puting polo shirt  at gray fitted pants. Ang kanyang lapel ay nasa pisngi na niya. Nakasabit na rin ang gitara sa kanyang katawan at ang buhok niya ay magulo na't kaakit akit.

Binasa ko ang labi ko ng maalala ko na naman ang sinabi niya sa akin noong isang gabi. Sinabi niyang kanya ako at hindi ko napigilan ang sarili kong hindi kabahan sa narinig. Pakiramdam ko ay bumabalik na naman ang dating Leria na lagging lumuluhod sa mga kataga niya.

Ramdam ko ang mga titig niya sa akin habang tinatali ko ang kanyang tie. Maya maya lang ay hinawakan niya ang baba ko at pinilit akong tumingin sa kanya.

"AEGGIS, two minutes." Sabi ng kanilang director. Agad kong tinulak si Athan at lumayo sa kanya. Humawak siya sa beywang ko at hindi ako nakalayo sa kanya. Yumuko siya ng kaunti at dinampian ang labi ko ng mabining halik.

"Mamaya ha?" bulong niya bago lumayo sa akin. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ako papunta sa labas para manuod ng kanilang concert.

Namatay ang mga ilaw at dumilim ang buong entablado. Tanging narinig ko na lamang ang ay sigawan ng mga audience at ang pagkakagulo ng mga fangirls nila. Napangiti na lamang ako at pinanood ang mga banners at tarps na iwinawagayway.

'Do do do d-do do do do do do'

Boses ni August ang pumailanlang sa buong Araneta. Ang akala kong malakas na sigawan ay lalong dumagundong sa loob. Napangiti na lamang ako at hinayaan ang sarili kong marinig ang kanilang mga kanta.

'She's a good girl

She's Daddy's favourite

He's saved for Harvard

He know she'll make it

She's good at school

She's never truant

She can speak French

I think she's fluent'

Hinayaan ko ang sarili kong malubog sa kanilang boses. Parang noon lang. Noong bata pa ako at hindi pa ako naharap sa totoong sakit ng mundo. Back to when I was still a fangirl of AEGGIS.

'She said to me,

"Forget what you thought

'Cause good girls are bad girls that haven't been caught.

So just turn around and forget what you saw

'Cause good girls are bad girls that haven't been caught."'

Taming The Cold Boy (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon