Bumuntong hininga ako. Dahan-dahan kong iniharap ang aking papel mula sa aking likuran at ibinigay sa kaniya. Kagat ko ang labi ko nang matingnan na ni Isidore ang papel ko.

Nakatingin lang siya, kunot ang noo. Binabasa niya ang kada sagot ko na para bang pwede pang maremedyuhan iyon.

"Your score's not that bad, Ada. You did good this time." Ngumiti siya at ibinalik ang papel sa akin. Inabot niya ang aking ulo at mahinang tinapik iyon.

Ramdam kong tumaas ang lahat ng dugo mula sa aking paa patungo sa aking mukha sa simpleng pagtapik na iyon. Parang lumundag ang puso ko sa saya.

Nahihiya man ay ngumiti ako kay Isidore. "Salamat, Sid."

"If you want, we can review together para naman malaman mo kung paano itama 'yong mga namali mo. I don't mind."

"T-talaga?" Nagliwanag ang mga mata ko

"Yep! You and Mabel need that so we have to review together."

Ang taas na ng lipad ko sa langit pero bumagsak agad ang kasiyahan ko nang mabanggit niya si Mabel.

Akala ko pa naman!

Hindi ko pinahalata ang kaunting dismaya sa kaniyang sinabi. Hindi naman nagpaasa si Isidore! Sadyang mabait lang siya pero umaasa talaga ako na ako lang ang tutulungan niya.

Ang hirap palang magkagusto sa mabait! Kainis.

Napag-usapan tuloy namin nina Mabel na magkakaroon ng group study kina Isidore. Kaming tatlo lang naman ang madalas na magkakasama kaya kami lang din ang nagtutulungan. Hindi ko pwedeng baliwalain si Mabel kasi siya ang una kong naging kaibigan sa school. Wala naman akong sama ng loob kung sumama siya sa review pero mas maganda sana na solo ko si Isidore sa araw na iyon.

"Okay lang ba kayo riyan?" tanong ni Tita Letitia sa amin nang maglapag siya ng inumin sa mesa.

"Okay lang po, Tita. Thank you po." Ngumiti ako.

"I'm so glad to see you here, Ada. Kumusta ang Mama mo? Is your piggery doing well?"

"Okay naman po. Manganganak po sa susunod na linggo 'yong isang inahin, Tita."

Ngumiti siya. "Oh, that's good. I hope you're also doing well with your studies?"

"Trying hard po mag-aral pero kaya naman po. Tinutulungan naman po kami ni Isidore."

"Mabuti naman. I'm glad you can come here. Sana ay magtagal ka rito mamaya para naman maipasukat ko sa iyo ang iilang damit."

"P-po?" gulantang ako.

Tumawa lang si Tita. "Hindi ka pa nasanay sa akin. You'll see those dresses later. I'm sure magagamit mo."

Nagpaalam na sa amin si Tita. Saktong bumalik na rin si Isidore matapos niyang kunin ang laptop at iilang papel na gagamitin namin.

"Di ka pa nasanay kay Mom," ang sabi ni Isidore nang masabi kong magsusukat na naman ako ng damit para sa mommy niya.

"Parang ang tagal na nga nung huli kong pagsusukat ng damit dito. 'Yong iba di ko pa nga nagagamit."

"Bigay mo na lang sa akin Ada," halakhak ni Mabel. "Di naman nagkakalayo ang size natin kaya baka kasya sa akin kung ayaw mo."

"Aba, kung pwede ko lang ibigay sa'yo eh 'di naibigay ko na."

Kung hindi naman kasya sa akin ay sa kapatid ko ibinibigay. Wala namang problema iyon kay Tita Letitia basta't nasusuot at hindi nasasayang.

Nagsimula kami sa pag-re-review. Dahil malapit na ang unified test ay inaral namin ang iilang subject. Napapagitnaan namin ni Mabel si Isidore kaya kaliwa't kanan din ang pagtuturo niya.

High Wind and Waves (Provincia de Marina Series #2)Where stories live. Discover now