Chapter 20: The Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang naglalakad naalala ko nanaman ung mga moments namin ni den noong field trip. Ang saya saya lang kasi, lalo na noong nagpapaturo Ako sa kanyang manligaw kaso nga lang parang Di naman sya nag seseryoso e -,-

Kaming dalwa ang halos magkasama nung field trip. Medyo napansin ko rin na Hindi sila nag uusap ni jill. Nakakapagtaka nga e, pag tinatanong ko sya, kung hindi sya sisimangot iililihis nya naman ung topic kaya ayun pinapabayaan ko na lang, baka may misunderstanding lang tlga sila

Hindi ko pa rin kasi nakakausap si jill, baka kasi matulungan ko sila if ever na may problem nga sila. But Hindi ko na lang sya kakausapin kasi baka mas lalo pang gumulo e

pumunta lang kami sa bench para bumili ng bagong body spray naubusan na kasi Ako and nag ikot ikot lang din kami

nung pasado ala sais na ng hapon umalis na ung mga kasama ko pero nagpa iwan muna Ako, marami pa kasi akong kailangan bilhin like ung mga ibibigay ko Kay den

Tsaka kailangan ko pang mag grocery, wala na kasi akong mga foods sa condo

Inabot rin Ako ng alas otso bago Ako makauwi. Binaba ko ung mga pinamili ko sa table at umupo muna Ako saglit sa living room

Haayysss. Kaya ko ba tlga to? kinuha ko ung bag ko at Doon ay kinuha ko ang isang maliit na kulay red na box, tinitigan ko lang Ito

Kaya ko ba to?

Pumunta na lang Ako ng room dala ang backpack and dala dala pa rin ung maliit na box. Pinatong ko iyon sa study table at nilagyan ko pa Yun ng pabango, Victoria's secret.

saan ko nakuha? wala, naiwan lang nung pinsan ko Yun nung minsan syang pumunta dito. Nasa abroad sya Kaya alangan naman na ibalik ko pa diba?

Naghilamos lang Ako at humiga na para matulog pero bago ko ipinikit ang mga mata ko may naisipan muna akong tawagan

"Hello bro? Napatawag ka?"

"tatanong ko lang sana kung ready na ung para bukas?"

"don't worry dude, plantsado na lahat"

pagkatapos nun ay pinilit kong matulog para may energy pa Ako kinabukasan

***

Heto naaa! Huuuuhhh! Nagdala na Ako ng extra clothes ko para mamaya at pati na rin ung gitara na bigay sa akin ng lolo ko. Woaa, sana lang tlga Hindi Ito maging palpak

umalis na Ako ng condo at pumunta Agad sa parking lot, dumaan muna Ako ng Goldilocks para bumili ng cake at pagkatapos sa Goldilocks dumaan naman Ako sa flower shop

8:30. At salamat naman nakarating na Ako sa school, Agad Agad akong nag parking at tinawagan ko muna sila mark at erick. Wala pang 10 minutes andyan na sila Agad, kinuha nila ung mga cakes at flowers sa likod ng kotse

Pumunta muna kami Doon sa tambayan namin na abandon classroom at Doon inilagay lahat ng mga dala namin

Pagkatapos noon ay umalis muna sila mark at erick para tawagin ung mga iba pa naming kasamang mag p'prepare. Samantalang Ako pumunta muna ng cafeteria para kumain, Di na kasi Ako nakakain sa pagmamadali e

Shawarma lang at coke in can ung kinain ko. Nakita ko pa nga si dennise kasama si Joshua e. Close sila? Aaahh, dibale sa susunod ko na lang iisipin yan, ang mahalaga is ung ngaun

Heart Over Mind (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon