Para mahanap naman nila ang lima para makamusta ang mga iyon at kung ayos lang din ba ang mga iyon sa tinutuluyang bahay

**********

"Tara na, habang may araw pa," yaya ni Tatay Damaso sa kanila, katatapos lang nila magtanghalian

Dahil hindi na sila natuloy mag ikot matapos mag agahan dahil bigla dumating sina Nanay Berta at tinulungan nila iyon sa pag aayos ng mga dala na mga inaning gulay at ilang prutas kagaya ng saging na hinog, mangga, saging na saba

Kaya tanghali na sila nakatapos, sinabi nalang nila Tatay Damaso na pagkatapos nalang mananghalian sila lalakad

Nang mga sandaling iyon naman ay nasa labas naman ng bahay ang tatko habang nagpapahangin at nagpapahinga dahil katatapos lang din nila mananghalian

"Tulog si Lola Luciana," ani niya matapos maupo at ilapag ang malamig na tubig

"Puyat na naman siya mamayang gabi," sabi naman ni Aira,"Sasamahan na namin kayo magpuyat kayo mamaya,"

Tumango lang siya habang nakaupo at nakapikit dahil sa samyo ng malamig na hangin

Ilang sandali pa ay natanaw nila sa di kalayuan ang paparating na binata sa tinutuluyan nila

"Bago kayo?," tanong ng isang binata na kadarating lang, tinignan sila isa isa

"Oo, mga dayo kami," tugon naman ni Aira,"Ikaw sino ka?,"

"Ako si Manuel," pagpapakilala nito,"Nandiyan ba si Tiya Luciana?,"

"Natutulog si Lola Luciana," sagot naman ni Sister Janelle

"Kung dayo kayo," sabi pa nito,"Baka kasama at kakilala ninyo ang tinulungan nila Tatay kagabi,"

Nagkatinginan silang tatlo habang lumiliwanag ang mga mata nila

Bago pa sila makasagot ay may tumawag sa binata na nasa di kalayuan kaya lumingon iyon

"Tay, tara po dito!," sigaw nito sabay kaway sa tumawag sa lalake

Sumilip din sila sa tinatawag ng binata na nagpakilalang si Manuel sa kanila

"Kevin!!," sigaw ni Aira ng makilala ang nauunang binata na naglalakad papunta sa kanila

"Aira?!," gulat na sabi nito sabay takbo papalapit sa kanila,"Tara dito, nandito sina Aira,"

Agad silang niyakap ni Kevin isa isa na masayang masaya dahil nakita sila na ligtas

Agad naman tumakbo ang ilan sa kanilang kinalalagyan, nagyakapan at kamustahan naman sila matapos magyakapan

"Sila po ang kasama namin, Tatay Damaso," pagpapakilala nila Khael sa matanda,"Sila ang tumulong sa amin kagabi, kayo?,"

"Si Tiyang Luciana ang tumulong sa kanila,"sagot ni Manuel

"Nasaan si Ate Luciana?," tanong ni Tatay Damaso sa kanila

"Nagpapahinga po sa kanyang silid,"sagot ni Yuri,"Matapos po kumain ng pananghalian,"

Napatango lang ang mag ama sa kanyang sagot, naupo naman ang mag ama sa kabilang upuan habang umiinom ng tubig

"Kamusta kayo?," tanong naman ni Khael sa kanila

"Kayo na mag usap," ani ni Sister Janelle bago napangiti sa kanilang dalawa kaya nagtawanan sila

Nag usap naman silang dalawa ni Khael, tungkol sa nangyari sa kanila at kung ano ang nangyari sa kanila ng gabing iyon

"Puro tiktik ang nakatira sa bungad ng Baryong ito," ani ni Khael sa kanya,"Delikado ang mga tao dito,"

"Tutulungan ba natin sila?," tanong niya sa kaharap,"Kawawa naman kasi sila kung iiwanan natin sila,"

Napatahimik muna si Khael sa sinabi niya, tila nag iisip ito ng mabuti bago sumagot sa kanila

"May pitong araw pa bago ang kabilugan ng buwan,"sagot ni Khael,"Kahit mag tumigil muna tayo dito kahit dalawang araw pa,"

"Salamat," sabi niya,"Kawawa naman ang mga tao dito,"

"Sasa ba kayo sa amin?,"tanong naman ni Nena sa kanila

"Hindi na," tugon ni Aira,"Dito muna kami, saka walang kasama si Lola Luciana, saka mukhang marami na kayo sa tinutuluyan niyo,"

"Magkita nalang tayo bukas," sabi ni Sister Janelle,"Dito nalang kayo mananghalian,"

"Tamang tama iyan," ani ni Tatay Damaso,"Dito nalang tayong lahat mananghalian,"

"Salamat po," ani ni Yuri sa matanda,"Para naman po masaya,"

"Oh siya sige," ani ni Tatay Damaso,"Tara na at umuwi, alas kuwatro na ng hapon,"

Napatango sila at hindi na nila namalayan ang oras dahil sa naging abala sila sa kwentuhan kasama ang mag ama

"Grabe ang tingin sayo ni Manuel," bulong ni Aira kay Nena,"Uy may mangingibig na si Sister Nena," tukso nito kaya nagkatawanan silang walo

Wala ang mag ama, may kinausap ang mga iyon sa kabilang bahay kaya natutukso nila si Nena

"Magagaya na din sa wakas si Nena kay Yuri," tukso naman ni Trina sabay tawa

Kaya namula ang magkabilaang pisngi ni Nena dahil sa hiya

"May itsura naman si Manuel, Nena," tukso pa ni Yuri,"Matipuno ang katawan at mukhang masipag naman sa buhay,"

"Umayos ka, Yuri Leigh," banta na sabi ni Nena,"Umayis kayo at nakakahiya kung madinig niya,"

Nagtawanan na naman silang lahat bago nagpaalam sa isat isa

"Tara na," yaya ni Tatay Damaso sa lima,"Makulimlim na,"

"Sige, alis na kami," paalam ni Trina sabay kaway

Nagtanguan nalang sila habang papalayo ang mga iyon sa kanila

Agad naman nila iniligpit ang mga kalat na nasa labas ng bahay

Nagpasok ng mga pang gatong at nagsarado na ng mga bintana at pintuan kagaya ng mga kapitbahay nila na naging abala sa mga bahay ng mga iyon lalo at makulimlim

Nagsindi na din sila ng gasera at inilagay sa bawat sulok ng kabahayan para maging maliwanag

Dalawa ang nilagay nila sa sala, sa bawat silid at lalo na sa kusina, tatlo ang nilagay nila para mas maliwanag doob

Nakita naman nila na nagdarasal si Lola Luciana sa silid nito laya hinayaan na lamang nila

Sina Aira naman at Sister Janelle ang nagpasya na maghanda ng kanilang ihahapunan

Siya naman ay naupo sa may sala at nag usal ng ilang dasal at orasyon na alam niyang panlaban sa mga tiktik o aswang

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!





Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora