72

19 1 0
                                    








Alexa




"Mamc!"

Nagulat ako ng biglang tumakbo payakap sa akin si Mamc. Nag-alala siguro siya dahil sa nangyari.

"Alexa, kumusta ka na?" Tanong ni Lucas.

"Ayos lang naman. Medyo na-stress lang raw sabi ni Doc."

Tumango lamang si Lucas. Lahat sila ay may dalang prutas o kaya naman ay bulaklak. May nagdala rin ng mga milktea at meryenda. Kahit na umaga pa lang, pinagmi-milktea na ako ng mga taong 'to!

"Alexa, ano ba kasing ginawa mo?" Tanong naman ni Tuesday sa akin.

Ngumit ako. Akala ko talaga kahit magkakalayo at busy na kaming lahat ay hindi na rin kami magkakaoras sa isa't-isa. Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan na gaya nila. Nagpapasalamat ako na nakilala ko sila. Nagpapasalamat ako na kahit anong mangyari ay magkakaibigan parin kami.

"Oh, bakit ka umiiyak Alexa?" Tanong naman ni Jeno.

"H-huh?" Wala sa sarili kong kinapa ang mga pisngi ko at hindi ko namalayan ang pag-iyak ko.

"W-wala. Thankful lang ako dahil naging magkakaibigan tayo." Sagot ko.

Nagtinginan naman silang lahat.

"Group hug na nga lang tayo! Ang drama kasi ni Alexa eh!" Sabi ni Renjun.

Ilang minuto kaming nagyayakapan lahat at iyak kami ng iyak ni Mamc. Sabi niya kasi nag-aalala raw siya sa akin. Hindi ko rin naman inakala na iiyak siya para sa akin.

Isa-isang inabot ni Jaemin ang mga milktea sa bawat isa. Dumating naman si Yang na may bitbit na pizza.

"Oh, ang tagal naman nitong jowa mo!" Asar naman ni Floreane sa akin.

Napakamot lang ng ulo si Yang at inilapag ang pizza sa lamesa. Medyo inayos na niya ng kaunti ang kan'yang buhok at necktie. Sinabi naman ni Yang na pupunta si Kuya Doyoung mamayang hapon. As usual, busy raw ang parents ko. Hindi ko naman na inaasahan na pupunta sila dahil marami naman silang inaasikaso.

"Alexa...." Mahinang tawag ni Chenle.

"O?"

"Kailan ang kasal?"

Napapintig naman ang tainga ko sa sinabi niya. Ano raw? Kasal? Nino?

"Ha? Kasal? Kasal nino?" Naguguluhang tanong ko.

"Kasal niyong dalawa ni Yang." Sabay turo niya sa aming dalawa ni Yang na ngumunguya ng pizza.

Napatingin naman ako kay Yang. Ibinaba niya ang pizza. Napaangat ang gilid ng kan'yang labi at hinawakan ang kamay kong naka-dextrose.

"Very soon." Sagot niya.

Inasar naman kami ng tropa. Namula ang pisngi ko at pakiramdam ko nahihiya ako. Binatukan ko siya at napailing lamang siya habang tumatawa.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now