54

23 1 0
                                    













Alexa








Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit at magpalit ng pang-swimming ay bumaba na ako at nakita kong nandoon na pala sila at nagtatampisaw sa beach. Nakikita ko si Haechan at Renjun na nagwre-wrestling sa tubig. Yung may tao sa ilalim at buhat sila. Ang nagbubuhat kay Haechan at si Jeno at si Lucas naman kay Renjun. Tapos si Lele naman at Jisung ay nakasakay sa banana boat. Si Floreane, Tuesday at Mamc ay naghahanda ng kakainin kung sakaling magutom 'uli' ang mga tao rito. Alam niyo na, minsan patay-gutom.

Hinahanap ng mga mata ko si Yang pero hindi ko siya makita. Kaya naman tinanong ko sila Mamc kung nasaan si Yang. Teka, bakit ko ba siya hinahanap?

"Ahh, may kausap sa second floor kanina sa phone, Mamc." Sagot ni Mamc sa akin kaya tumango na lang ako at nagsimula ring magtampisaw. Kung inaakala niyong naka-swim-suit ako, pwes hindi! Ayokong mangitim 'no! Kaya dress ako at may suot na sumbrero, pero nakabikini ako sa panloob hehe. Nakakahiya lang kasi mag-bikini. Hihi.

Nagsimula akong magswimming ng magswimming hanggang sa napagod ako at napaupo muna sa mga benches na may payong. Nag-scroll muna ako sa phone ng biglang tumabi sa akin si Lucas. Nagpupunas siya ng katawan at tumutulo parin ang buhok niya.

"Huy, alam mo, gumwapo ka." Asar ko.

"Pfft, Alam ko naman iyon, but thanks." Sagot niya.

Saglit kaming natahimik na dalawa ng nagtanong siya.

"Alexa, do you regret leaving?"

Napaawang ang bibig ko sa tanong niya. Actually, hindi ko rin alam. May part rin kasi sa akin na gustong umali dahil gusto kong tumakas noon ngunit may part sa akin na ayaw umalis dahil sa mga kaibigan ko. Pero mas pinili kong umalis dahil ayoko ng mas lumalim pa ang nararamdaman ko noon. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi ako umalis, patuloy lang akong masasaktan.

"Sometimes, I regret that I left you guys behind." Sagot ko.

Napabuntong-hininga muna si Lucas bago dugtungan ang sinabi ko.

"Alam mo Alexa, I just didn't want you to leave before." Sabi niya na nakatitig sa akin at biglang tumingin sa mga kaibigan namin na lumalangoy.

"You know why?"

"Why?"

"Because I didn't want us to be apart. Alexa, ayokong magbago at maghiwa-hiwalay tayong lahat. You know, the thought of growing up isn't fun at all." Dire-diretsong sabi niya. I don't know why but I felt pain in his eyes.

"Lucas, in your life, at some point, kailangan maging independent. KAsi, that is life. Hindi lagi na may masasandalan at may makakasama ka. Kaya, mas maganda kung maging independent ka."

Napakunot ang noo niya at ikinuyom ang kamay niya.

"But, what is life if you are independent? Paano naging masaya iyon kung ikaw lang mag-isa? Alexa, I thought... I thought... we're friends? Then bakit hindi mo sinabi sa akin or kahit sa iba 'yung nangyari?"

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now