3. Tu's Project

40 0 0
                                    

Inspired by Yuuki's taynew fam AU

AT UNIVERSITY

Nastress si Tu sa group chat nila ng pamilya niya.

"Hindi ko nga kasi boyfriend yun! Asa pa 'ko!" sabi ni Tu sa isip.

"Hoy!!!" bungad sa kaniya ni Bright na kasama si Win.

Nasa lagoon sila ngayon para kumain ng tanghalian.

"Ba't nakabusangot ka? Oh!" Tanong ni Win kay Tu sabay abot ng lunch na pinabili nito.

"Wala! pinagtripan lang ako nila Kuya!" kunot noong sagot ni Tu.

"Tuloy tayo sa inyo, bukas, Tu?" tanong ni Bright sabay subo ng pagkain kay Win.

"Oo." iyon na lang nasagot ni Tu.

"Aasarin na naman ako nito bukas! Sorry na agad, Metawin! Huhuhu!" nasabi na lang ni Tu sa isip.

AT VIHOKRATANA'S HOME

Hapon at nasa living room sila ngayon at busy sa pag repack ng astro stuffs sina Bright at Tu. Si Win naman ang naglilista ng mga orders. Project kasi nila 'to sa ENTREP at 'di naman nila ineexpect na maraming bibili sa kanila.

May grades na, kumita pa!

Sinabay na rin ni Win ang paglista ng mga order sa Velence. Sariling product niya. Tinutulungan naman siya ni Bright at Tu. In short, dala-dala ni Win ang ibang Velence product at nirerepack nung dalawa.

May komisyon naman si Bright at Tu so, goods lang!

"Woaawh!!!" biglang sigaw ni Pluem dahil sa nakita niyang mga gamit sa living room. Kauuwi lang nito galing sa internship niya.

"Magandang hapon po / Good Afternoon po." sabay na bati ni Bright at Win.

"Good Aft---" natigilan si Pluem ng makita niya si Bright.

"Parang pamilyar ka." kunot noong sabi ni Pluem na nakatingin kay Bright.

"Kuya!" sita ni Tu kay Pluem at pinandilatan niya pa ng mata.

"Oohhh... Wala. Joke lang pala. hehe" sabi ni Pluem sabay tingin kay Tu na nakangisi at umakyat na sa hagdan.

"Medyo weird yang kuya mo." bulong ni Win.

"Tss... Tatlo silang weird." iritang sabi ni Tu.

"Oh? Eh nasaan yung dalawa?" Tanong ni Bright

"Nasa kwarto nila. Huwag niyo na hanapin. Kapag 'yon nambulabog dito, hindi tayo matatapos!" sabi ni Tu at nagkibit balikat na lang si Bright at bumalik sa ginagawa.

---

"Nandito na kami!" sigaw ni New.

Automatic na napatayo si Tu nang marinig niya ang boses ng Papa niya at sinalubong ang mga ito.

"Pa! Dad!" nakangiting bungad ni Tu at niyakap ang mga ama niya.

"Dad, dito po kami nagrepack ng mga friends ko nung products namin for entrep." sabi ni Tu kay Tay .

"Oh. Saan kayo gumagawa? Nag meryenda na ba kayo?" tanong ni New.

"Sa living room po. pero hindi pa kami nag mimeryenda. hehehe" Tu show her gummy smiles.

"Oo na! Gagawan ko kayo ng sna--" hindi natapos ni New ang sasabihin ng bigla siyang binati ng dalawang nagagwapuhang binata.

"Good Afternoon po" sabay na bati uli ni Bright at Win.

"Good Afternoon din." nakangiting bati ni New.

"Ito si Papa New at Daddy Tay." nakangiting pagpapakilala ni Tu kay Tay at New sa mga kaibigan niya. "Siya naman po si Bright, yung katulong ko po sa pagrepack. Si Win naman po yung taga lista namin ng mga orders. Friends ko po."

"Anong gusto niyong snacks?" nakangiting tanong ni New sa dalawa.

"Ay. nakakahiya naman po." sabi ni Win.

"Kami na po ang bahala. Baka nakaiistorbo po kami." nakangiti at nahihiyang sabi ni Bright.

"Nakuuu!! Huwag na kayo mah---" hindi natuloy ang sasabihin ni New nang biglang magsalita si Tay.

"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" walang prenong tanong ni Tay at nakatingin lang ng seryoso kay Bright.

"Dad!!!" hindi napigilan ni Tu ang mapasigaw.

"p-po??? h-hindi po..." kinakabahang sagot ni Bright.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Hindi namalayan ni Tu na nakababa na pala ang tatlo niyang magagaling na kuya.

Great!

---

Nasa dining hall silang lahat at kumakain ng meriendang gawa ni New at Nanon.

Magkakatabi si Tu, Win, at Bright at katapat nila si Pluem, Nanon, at Frank. Habang si Tay naman ay nasa kabisera ng lamesa katabi si New.

"So..." panimula ni Tay at pinunasan muna ang labi gamit ang table napkin.

Nakakahiya!!!

Naku, Win! Mag e-explain ako! huhuhu!!!

"Kumusta ang project niyo?" biglang tanong ni New na sinagot agad ni Tu.

"Maayos naman po, Papa. Marami po ang umorder." nakangiti pero kinakabahang sagot ni Tu.

"So.. Bright. Ano ang relasyon mo sa anak ko?" biglang tanong ni Tay.

Relasyon????? Dios mio, Dad!!! sabi ni Tu sa isip niya.

Napa awang ang bibig ni Tu sa tanong ng Dad niya. Si Bright at Win naman, ay ayun, nagulat sa tanong ni Tay.

Grabe! Simple lang ang tanong, pero nakakakaba 'tong tatay ni Tu. huhuhu!!! sabi ni Bright sa isip.

Shet! Ako po ang boyfriend ni Bright, Sir Vihokratana. sabi naman ni Win sa isip niya.

"Dad!!! Friends lang po kami!" sagot ni Tu.

Naghagikhikan naman ang mga kapatid niya.

Yari kayong tatlo sa 'kin mamaya!

"O-opo, Sir... B-bukod po sa classmates k-kami... ay... m-magkaibigan p-po kami..." nauutal na sagot ni Bright dahil sa kaba.

GRABE 'TONG TATAY MO, TU!!!!! GANITO PALA ANG PAKIRAMDAM NA INUUSISA NG ISANG CEO!!! sabi ni Bright sa isip niya.

"Dad, wag mo namang sinisindak ang mga bata. oh! friends naman pala eh." sabi ni New at hinawakan ang kamay ni Tay.

"Eh grabe makatingin kay Tu itong si Bright doon sa picture eh! Huwag niyo na itago. Tanggap ko naman." Sabi ni Tay at biglang ngumiti.

"Pffttt--" - Pluem, Frank, and Nanon

"Dios mio, Dad! Kaibigan ko lang po talaga si Bright! Pati si Win, kaibigan ko po. Kung ano-ano iniisip mo, Dad!" medyo stress na sabi ni Tu.

"Eh kasi--" hindi natapos sa pagsasalita si Tay ng biglang magsalita si Bright.

"Magkaibigan lang po talaga kami ni Tu, Sir Tay. At si Win po ang boyfriend ko." sabi ni Bright at hinawakan ang kamay ni Win.

"Ohhh..." Pluem, Frank, and Nanon said in unison.

Edi tahimik kayong tatlo! sabi ni Tu sa isip habang nakatingin sa tatlong kuya niya.

"Really? Naku! Pasensya na kayo rito sa asawa ko ha! Kung ano-ano kasi ang iniisip." sabi ni New at lumingon kay Tay. "Oh, Dad, si Win naman pala ang boyfriend nitong si Bright. Kumalma ka na diyan."

"Kulit mo talaga, Dad! Saka hindi naman talaga si Bright ang boyfriend ko." nakangiting sabi ni Tu.

"Aba eh sino pala, anak?" tanong bigla ni New.

"Si Sehun." confident na sabi ni Tu.

Nagtawanan silang lahat maliban kay Tay.

"SINO YANG SEHUN NA YAN? DALHIN MO RITO SA BAHAY AT KIKILALANIN KO!" Sigaw ni Tay at lumakas ang tawanan nilang lahat. Hinalikan siya ni New sa pisngi dahil sa pagiging gullible nga asawa nito. 

----

This au is dedicated to mx Yuuki. Pinangako ko sa kanya 'to. Rest in Paradise, Yuuki. Mahal ka namin. 💙

TAYNEW short stories compilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon