1. Siya

233 6 3
                                    

Off's P.O.V

"Ang tagal naman ni Tay!" reklamo ni New.

Nasa simbahan kami dahil ngayon ang araw ng kasal ni New.

"Darating din yun. Kalma ka lang!" sagot ko.

"Tsk! Baka maunahan pa siya ni Pam. Ano? Nauna pa ang bride kesa sa bestman?" reklamo pa nito.

Natawa naman ako sa sinabi niya at binatukan siya.

Tsk! Newwiee... Newwiee... Newwiee...

"Baliw! Eh bakit ba kasi natataranta ka? Ako na lang gawin mong bestman." sabi ko tapos tumawa ako ng malakas.

"Matutuloy naman ang kasal mo kung hindi dumating yun. Si Tay ba pakakasalan mo?" natatawang asar ko sa kanya.

Ano? Sagot! Bwahahaha!

"Tsk! Nanggagago ka lang eh!"

"Ay! Nasa simbahan, New. Bawal magmura." insoneteng sabi ko.

Bago pa siya makasagot ay dumating ang hingal na hingal na si Tay kasama ang Ate niya. Seryoso naman yata ni Ate Muk?

"Tay! Anong nangyari? Ba't ngayon lang kayo?" tanong ni New.

Si Ate Muk na ang sumagot.

"Tsk! Alam mo naman yang best friend mo! Mahal na mahal ng kamalasan!" sarcastic na sagot ni Ate Muk.

Natawa naman kami ni New.

"Sorry, Hin. Tinamaan lang ng malas kanina." hinihingal na sagot ni Tay at nakuha pang tumawa.

Tumakbo ba 'to papunta rito? pawis na pawis!

Nagpunas muna siya ng pawis niya at tinulungan siya ni New ayusin ang nagulong kurbata nito.

"Akala ko 'di mo sisiputin kasal ko eh!" sabi ni New kay Tay.

Tumawa naman ng malakas si Tawan.

Makatawa naman 'to?

"Sus! Ako ang best man tapos hindi sisipot? Patawa ka, hin--- aray! ano ba!" reklamo ni Tay.

Natawa naman kaming mga nakakita.

Hinigpitan kasi ni New iyong pagkaka ayos ng kurbata kaya nasakal si Tay.

Siraulo talaga 'tong dalawang 'to!

"Tagal mo kasi! Buwisit ka!" - New

"Matutuloy ang kasal mo kahit wala ako. Ako ba pakakasalan mo?" natatawa at nang-aasar na sabi ni Tay.

Naghiyawan naman kami sa sinagot ni Tawan! Hahaha! Akala ko magiging awkward sila sa isa't isa pagkatapos ng mga nangyari noon.

"Sinabi ko rin yan, Peng!" natatawang sabat ko.

Paglingon ko sa tabi ko ay seryoso ang mukha ni Ate Muk.

"Ate, okay ka lang? Parang wala ka sa mood." mahinang tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako, Off. Hindi ko lang maiwasan isipin yung gagawin ko sa trabaho. Daming pending." sagot ni Ate Muk at pasimpleng ngumiti.

"Naku, Ate! Huwag mo munang isipin yun!" natatawang sabi ko at tumawa lang din siya.

Maya-maya ay sumigaw na ang organizer na nandoon na si Pam kaya nag ayos na ang lahat. Nilapitan ko na rin si Jane dahil siya ang partner ko.

Naging swabe ang daloy ng seremonyas ng kasal. Paiyak iyak pa 'tong si New! Akala mo naman talaga! Hahaha! Pasimple namin siyang tinatawanan ni Tay at trina-trashtalk.

TAYNEW short stories compilationWhere stories live. Discover now