Kabanata 3 : Ang Buwan Na Nais Maging Hindi Nakikita

37 3 0
                                    

Kabanata 3

Ang Buwan Na Nais Na Maging Hindi Nakikita

"Ang bato ay nais na maging isang buwan, ngunit ang buwan ay nais na maging isang bato."

#WINisWIND


🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙



May mga nagsasabi na maraming bagay sa mundong ito ang mananatili kung ano sila magpakailanman.

Tulad ng isang bato sa lupa na kailanman ay hindi maaaring maging isang buwan sa kalangitan.

Ang hangin ay mananatiling isang hangin, at ang isang taong kumukupas na tulad ko - paanong kikinang kalaunan? Kahit na noong unang araw ng freshman ceremony, wala man lang nakakapansin sa akin.

Sa unang bahagi ng aktibidad ay isang pagpapakilala sa aming mga sarili sa pamamagitan ng isang masayang laro. Ang lahat ng mag-aaral sa unang taon sa kanilang faculty ay maayaos na nakaupo at nakahilera sa isang hanay. Ang bawat estudyante ay isa-isang tatayo, ipapakilala ang buong pangalan at palayaw, at haharap upang ipakita ang itsura( ipakita sa ibang estudyante ang mukha), pagkatapos ay ang kasunod naman na estudyante ay sasabihing ang pangalang ng sinundan niya saka niya ipapakilala ang sarili katulad ng nauna sa kanya, ang bawat estudyante ay uulitin iyon hanggang sa matapos ang lahat. Kailangang makilala nila kahit man lang iyong mga nasa katabi nila.

*T/N : Sa Thailand, mas madalas na ginagamit nila ay nickname + full name.
Ex: Win Archawin Deshsakul
Win - Nickname
Archawin - First name
Deshsakul - Surname
Mas madalas na ang nickname ang ginagamit nila*

Ngunit, nang ako na ang magpapakilala, kabisado ko na ang pangalang ng taong susundan ko, ang hindi ko inaasahan, ang estudyante sa aking tabi ang tumayo at nagpakilala. Nilaktawan niya ako na para bang hindi niya napansing nandirito ako.

Nilaktawan na ang aking pagpapakilala, kahit ang mga senior ay hindi iyon napansin.

Ang tulad niyang ipinanganak na hindi napapansin ay nakakalungkot, miserable sa pakiramdam, pero wala siyang magagawa.

"Sa lahat ng freshmen! Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para magpahinga, maaari kayong uminom ng tubig o pumunta sa banyo. Pagkatapos ng break time, kailang ninyong bumalik dito at ipapaliwanag namin ang tungkol sa signature collection book,"sabi ni P'Noey.

Bahagya akong napabuntong hininga. Tapos na ang unang bahagi ng aktibidad at kahit isang salita ay wala akong nasabi o kahit magpakilala man lang.

Gayundin, nang balak niyang kumuha ng libreng softdrinks mula sa isang senior, biglang may ibang estudyante ang kumuha ng dapat ay kanyang inumin.

Damn invisible!

Kahit na ayaw niya ng ganoong sitwasyon, nakasanayan na lang niya. Kaya naman kinuha na lang niya ang libreng bote ng tubig na iilang estudyante lamang ang kumukuha. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa may balkonahe at pinagmasdan ang mga puno. Nakatulong iyon upang gumaan ang kanyang pakiramdam.

Marahil, dahil sa pakiramdam ng pagiging isang bahagi ng kapaligiran - pagiging isang kaibigan ng kalangitan, mga puno at ng mga munting ibon hindi ko na kailangan pang ikumpara ang sarili kaninuman - hindi ko na nararamdaman ang pagiging iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNISTAR : INVISIBLE MOON ( Ang Buwan na Hindi Nakikita ) ~ Filipino Translation Where stories live. Discover now