Kabanata 1 ~ Ang Hangin At Ang Buwan Na Hindi Nakikita ~

60 4 0
                                    

Kabanata 1

Ang Hangin At Ang Buwan Na Hindi Nakikita

#WINisWIND

🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙

     Sa loob ng isang araw, naisip mo na ba kung ilang beses ka kung huminga? At kung ilang beses mong naisip na may hangin pala? Bihira lang, 'di ba? Isipin mo kung ilang beses mong napagtanto ang pagkakaroon ng hangin, ito ay katulad ng pagkilala sa akin ng mga tao sa aking paligid.

     Walang iyong pagkakaiba sa buhay ko.

Ang pangalan ko ay Archawin. Ang palayaw ko naman ay 'Win' na hango sa salitang Ingles, ngunit sa tingin ko ay mas angkop na 'Wind' ang mas nababagay sa akin.

••• T/N :( Win = Manalo ) ( Wind = Hangin) •••

     Para akong isang hangin - an ethereal air.

     Habang iniisip ko kung anong buhay meron ako ngayon, 'di ko mapigilang mapabuntong-hininga na lang habang palabas ng dormitory. Isa akong first year freshman ng Faculty of Business Administration ng XU University. Ito ang unang araw, unang araw upang magsimula ng panibagong buhay. Nais kong maipanganak muli para maging ibang tao.

     "Hello po!" bati ko sa security guard ng dormitoryo, nagbabasa ito ng dyaryo. Nais ko siyang makilala para kung sakali mang kailanganin ko ang tulong niya sa hinaharap, pero mukhang hindi niya ako narinig at ni hindi man lang niya ako tiningnan.

     Kung ganon man, hindi ko sya masisisi. Hindi dahil sa nagmamayabang ito.

     Kundi, dahil iyon sa kanya.

     Ganito na ako simula pa ng ako'y ipinanganak. Ang mga magulang ko at mga kamag-anak ay madalas akong makalimutan dahil meron akong isang napakaganda at matalinong ate. At saka, sa side ng pamilya ng aking ama ay never pang nagkaroon ng anak o apo na babae. Kaya naman, ang lahat ay giliw na giliw sa aking ate habang ako ay laging nakakalimutan ng lahat.

     Siguro ay dahil iyon sa mukha niyang hindi ka-gwapuhan pero hindi rin naman panget. Siguro kasi hindi siya matangkad pero hindi rin naman kapandakan. Siguro din kasi na ang mga grado niya ay hindi masyadong mataas pero hindi rin naman mababa. Siguro kasi ang mga abilidad niya ay hindi takaw-atensyon. Ang resulta, naging isa akong tao na hindi kapansin-pansin. Hindi lang basta loser but totally a nobody.

     Sa elementarya, karaniwan na na nakakalimutan ako ng mga guro na nasa klase pala ako, madalas na nakakalimutan na tawagin ang pangalan ko tuwing attendance. Pagkatapos ng klase, madalas na nakakalimutan nila akong imbitahan, kung maalala man nila, wala rin namang nakakaalalang kausapin siya.

     Isa akong invisible na nakakaapekto na sa aking pang-araw-araw na gawain.

     Kapag nag-o-order ako ng pagkain, hindi man lang ako tinitingnan ng nagtitinda. Kailangan ko pa silang tawagin ng matagal o kaya naman ay ako mismo ang *magsulat ng order ko.

••• T/N : sa Thailand, 'yung mga bilihan ng pagkain -parang karinderya o maliit na kainan something ganan- isusulat nila yung order sa isang maliit na papel o kaya naman ay ikaw mismo ang magsusulat tapos iaabot mo na lang dun sa server... parang ganun,,basta 😅,, base yan sa mga napapanood kong Thai drama. •••

     Kapag naglalakad naman, lalo na kapag masyadong maraming tao, madalas na natatamaan nila ako dahil madalas na hindi nila ako napapansin. Kapag naman ako ay nakapila, madalas na nasisingitan ako kasi akala ng mga tao na hindi ako nakapila.

UNISTAR : INVISIBLE MOON ( Ang Buwan na Hindi Nakikita ) ~ Filipino Translation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon