"Sana ginising mo na lang ako. 'Di ba dapat aalis tayo? Sorry about that." Mahinang sabi ko habang pinapanood siyang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Wala namang kaso 'yon, Haya. We still have time. Saturday naman ngayon at meron pa tayong linggo para mag-libang." Aniya at nagsalin ng tubig sa baso ko. I mouthed 'thank you' to him.

"Pero... Busy ka." Mahina siyang tumawa sa sinabi ko at umiling.

"Hindi ako magiging busy pagdating sa 'yo, Haya. Alam mo 'yan kahit nung una pa lang." Matipid akong tumango sa kanya.

"What if ngayon na lang tayo umalis? I mean we still have time, right?" Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Hmm, I like the idea of yours, Baby. Kaya nga na ready ko na ang mga gamit na 'tin paalis, e." Bumilog ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"So, may balak ka pala talaga na aalis tayo ngayon, gano'n ba?" Nagpakawala siya ng isang malakas na halakhak. "Para kang tanga! Bakit ka ba tumatawa diyan?" Inis na sabi ko dito.

"I'm sorry about that. Its just that... You're so adorable." Inismiran ko siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Kumain ka na nga. Ang daldal-daldal mo talaga kahit kailan." Inabot niya ang tuktok ng ulo ko at marahan iyong hinimas.

"'Di na po ako magkukulet, Baby ko." Malambing na sabi niya.

Alam kong namumula na ang mukha ko ngayon dahil sa sinabi niya. Itong lalaki na 'to talaga ay mahilig mambola.

"Alam mo, ang landi-landi mo ngayon. May kasalanan ka ba?" Nakita ko kung paano siya natigilan at nawala ang nakakaloko niyang ngiti. Sana pala hindi ko nalang sinabi 'yon.

Bumuntong-hininga ako. "Kain na lang tayo." Pag-iiba ko ng usapan at simpleng tango lang naman ang sinagot niya sa 'kin.

Akala ko hanggang sa umalis kami ay magiging gano'n ang mood niya, pero nung nakalabas na kami sa condo building niya ay muli siyang sumigla.

"Sa'n ang punta na 'tin? Sa beach ba? Saang beach?" Kanina ko pa siya kinukulit kung saan kami pupunta pero wala naman itong sinasabi kaya ilang irap na din ang ginawa ko sa kanya. Tatawanan niya lang ako at hahalikan ang likod ng kamay ko kaya mawawala naman agad ang inis ko.

"Just wait, Haya." Ngumuso ako at pinanood na lang ang daan na dinadaanan namin.

"Sure ka bang hindi 'to magiging sagabal sa schedules mo sa kumpanya niyo? Kahit hindi mo sa 'kin sabihin ay alam kong busy ka." Sabi ko dito ng hindi tumitingin dito.

"Its fine, don't worry about it." Bumuntong-hininga ako.

Imbis na ang oras niya ay nandoon sa kumpanya nila ay ngayon nandito sa akin. Kami na nga ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema doon tapos kinuha ko pa ang oras niya.

"Ano bang iniisip mo? Mas mahalaga ka sa 'kin kesa sa kumpanya namin. Don't think too much." Mapait akong ngumiti sa kanya at tumango.

Nang makarating kami sa destinasyon namin ay hindi ko alam pero parang biglang na relax ang sarili kom sobrang ganda ng tanawin plus meron pang dagat doon.

"Madalas ako dito... If I want to be alone." Napangiti ako ng malaki habang dinadama ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

"Sa 'yo itong lugar? O sa pamilya mo?" Tanong ko dito.

Pinaghugpong niya ang mga kamay namin kaya mabilis akong napatingin doon.

"Both. I'm the one who really owns this place. Kapag gusto nila Mom at Dad na pumunta dito ay ayos lang naman. You know... Quality time." Bigla akong pinamulahan dahil sa sinabi niya.

Moon TearsWhere stories live. Discover now