Chapter 5

9 1 0
                                    

Lunes, panibagong araw upang harapin at patuloy na tahakin ang daan na hindi ko alam kung talaga bang pinili ko o nagpaubaya lang ako kaya ako narito.

AB Filipino, hindi naman ganon kahirap sa umpisa ng klase ngunit sa bawat paglipas ng araw at mas tumatagal ako sa kursong ito ay pahirap nang pahirap. Sometimes we could hear gossip about our course, may iilan na minamaliit ang kurso na ito, ganoon din naman sa iba pang course kaya hindi ko na lang din pinapansin. But, I don't really know what's the difference and why it matters so much to them. For me, all college courses are equally challenging and it is a matter of survival. That it is more on trusting the process and relying on yourself, that it is a journey of each college students' hardship. I don't understand that instead of degrading a degree program, why don't they just study and focus on their course and goals.

"Okay lang, at least mas nakatataas ang course natin sa kanila."

Napabuga ako ng hangin nang mapadaan sa isang table sa cafeteria at narinig 'yon galing sa isang babae. Hindi ko alam kung anong kurso ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Bukod sa patuloy na pag-iwas ko kay Alexa at Timea, isa rin ang ganitong kaganapan na napansin ko rito sa DHU ngunit imbis na pansinin ay umaakto na lamang ako na walang alam sa nangyayari rito sa loob.

Umorder ako ng isang cup ng coffee at saglit na umupo muna sa isa sa mga bakanteng table. It's Monday at sinadya ko ang pumasok nang maaga dahil plano ko ang mag-aral bago ang klase ni Ms. Deacon. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noong nakaraang meeting at kung kaya ng utak ko, aaralin ko ang lahat ng related topics.

Agad kong inubos ang kape 'tsaka agad na ring tumayo at umalis doon. Naglakad ako patungong library at nang makarating ay agad kong napansin na wala pang katao-tao bukod sa dalawang student assistant na napalingon sa akin nang makapasok ako.

"Good morning," mahina kong bati at bahagyang yumuko.

"Good morning, may sadya ka bang libro?" sagot ng isa sa akin sabay ngiti.

Nginitian din ako ng isang kasama nito bago nagsalita. "Hindi pa namin mapapahiram dahil wala pa ang librarian e,"

Agad naman akong umiling sa kanila. "Ah, no... magbabasa lang ako,"

Sabay silang tumango nang marinig ang sinabi ko 'tsaka sila muling bumalik sa mga ginagawa.

Muli akong naglakad at dumiretso sa bookshelves. I searched for any related books and when I found one, I immediately took it off the shelf bago dumiretso sa dulong bahagi kung saan ay nasanay akong walang tao kahit anong oras. Ngunit agad akong napahinto nang madatanan si Timea na tahimik na nag-aaral doon.

Inayos ko ang pagkakayakap sa isang makapal na libro na kakukuha ko lang. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako dahil ilang linggo na rin kaming hindi nag-uusap at nagtatanguan lang kapag nagkikita. I mean- ako lang ang tumatango dahil siya ay todo ngiti kapag nagkakasalubong kami sa daan o kahit sa loob ng classroom.

"Doon ka sa kabila,"

Halos mabitawan ko ang librong yakap nang may bumulong sa likod ko. Natataranta akong humarap sa kanya at napaatras sa gulat.

"Humanap ka ng ibang table, h'wag kung nasaan siya," dugtong niya.

Hindi pa ako nakakarecover sa gulat dahil ramdam ko pa ang bilis ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang bahagyang pag-atras ng upuan, senyales na may tumayo mula sa pagkakaupo.

Hindi ako lumingon at nanatiling na kay Egon ang mga mata ko. Mula sa akin ay inilipat nito ang tingin niya sa taong katatayo lang sa likod. Ang kaninang seryoso at mapanganib na mga mata ay biglang pumungay. His face suddenly softened as he looked at Timea.

Afraid of Everyone's EyesWhere stories live. Discover now