"Hey," marahan nitong sabi habang nakangiti bago ako nilampasan. "Good morning, you're early."

Muli kong inayos ang pagkakayakap sa libro bago humakbang nang hindi sila nililingon.

Kung ito ang gusto niya, gagawin ko basta hindi lang ako masangkot sa gulo na mayroon sila. I still can't understand but what else can I do? Wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa kanila at kung ano ba talaga ang totoo. Except for one thing... this time, I know that it's not about me, all of this has nothing to do with me.

Naglakad ako patungo sa kabilang bahagi at agad na nilapag sa malawak na mesa ang libro nang makitang malinis ito at walang ibang tao.

Ano ba ang mayroon kay Timea at pare-pareho nilang gusto na layuan ko ito? May pakiramdam ako na ang lahat ng ito ay tungkoI sa kanya. I am not her best friend and I am not close to her. Oo, at minsan kaming nagsama at naging maayos naman iyon ngunit lahat ng 'yon ay dahil lang sa presentation. Sa pagkakaalala ko ay huli kaming nagsama sa cafeteria ng university para i-celebrate ang successful presentation na kung saan din ay nangyari ang sagutan nila.

Bumuntong hininga ako at minasahe ang sentido bago sinimulang buklatin ang libro. Kinuha ko ang notes na nasa bag at tinignan iyon 'tsaka ako patuloy na naghanap ng mga related na topic sa libro. I also jot down every important topic at nang mangalay ay 'tsaka ko lang binitawan ang ballpen na hawak. I rested my back on the backrest of the library chair as I close my eyes and heave a deep sigh. Nanatili akong ganoon ng ilang minuto bago muling dumilat at umayos nang upo 'tsaka inisa-isang niligpit ang mga gamit sa lamesa nang biglang may nagsalita.

"I'm sorry..." simula niya 'tsaka ko narinig ang pagbuga niya nang mabigat na hininga. "Pasensya na talaga, h'wag mo na lang pansinin si Egon,"

Tumayo muna ako bago ko siya dahan-dahang hinarap. Hindi na rin ako nagtaka nang makita ko muli ang ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang sasagutin kaya ginala ko ang mata ko sa paligid. Ilang segundo ang lumipas at hindi ko na magawang ibalik ang tingin sa kanya.

"Wala na siya rito, umalis na." she said, taking a step forward kaya bigla akong napaatras na bahagya niyang ikinagulat.

Napatingin ako sa kanya. "Tim-"

"No," She snorted. "I mean... i-it's okay, Chantria. Pa-pagpasensyahan mo na talaga 'yon,"

Wala pa rin akong mahanap na tamang salita kaya tumango na lamang ako sa kanya bago muling humarap sa lamesa at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

I didn't mean to be rude to her. Ni hind ko sinasadya ang mapaatras nang tangkain niya akong lapitan dahil ako mismo ay nabibigla pa rin sa mga kaganapan. Honestly, I don't know what and how to react.

Pinakiramdaman ko lang siya nang mapansin na nakatayo pa rin siya roon at tila walang balak na umalis. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy. I then zippered my bag before I carried the book. I was ready to leave when she spoke again.

"Okay ka lang ba?"

Humigpit ang hawak ko sa libro sa narinig na tanong. Mula sa lamesa ay nag-angat ako ng tingin sa kanya at sa wakas nakahanap din ng maisasagot.

Ngumiti ako. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Tim, and yes I'm fine."

Nilampasan ko na siya matapos no'n dahil unti-unti na rin dumadami ang tao sa loob. Ibinalik ko muna ang libro sa kinalalagyan nito 'tsaka diretsong naglakad na hindi nililingon ang pinanggalingan hanggang sa tuluyan na akong makalabas doon.

I can feel my heart beating so fast kaya huminto muna ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib.

Maayos naman ang inakto ko hindi ba? Wala namang masama sa pinakita ko at maayos ko rin siyang sinagot maliban nga lang sa pag-atras ko nang lalapit sana siya.

Afraid of Everyone's EyesWhere stories live. Discover now