CHAPTER 6

38 2 0
                                    


Madilim na paligid ang agad na sumalubong sa akin ng imulat ko ang mga mata ko.

"El!"sigaw ng boses ng kung sino. "El!" sigaw ulit nito. Agad kong sinundan ang boses na iyon at natagpuan ko ito sa isang hardin na puno ng makukulay na pulang rosas. Teka doon ito sa Academy. Inilibot ko ang paningin ko doon at napabuntog-hininga ng mapagtanong wala ako sa Academy.

Napalingon ako sa taas ng puno ng makarinig ako ng kaluskos doon. "Miss me My Iv?" tanong ng isang boses na napakapamilyar sa akin. Akmang lilingunin ko ang mukha noon ng bigla na lamang magbago ang lugar na kinatatayuan ko. Ngayon naman ay nasa harapan ako ng isang tarangkahan na bukas. Maglalakad na sana ako ng may marinig akong nag-uusap kaya agad akog nagtago sa likod ng pader.

"Wala pa rin kaming nakakalap na impormasyon tugkol sa nawawalang prinsesa kamahalan."saad ng isang kawal.

"Halughugin nyo lahat ng lugar kung kinakailangan, hindi sya maaaring mawala sa akin!"sigaw ng isang pamilyar na tinig.

"Masusunod kamahalan." Saka ito nagsialisan. Agad kong itinago ng Mabuti ang sarili ng dumaan sa pinagtataguan ko ang mga kawal. Nang makaalis na ang mga ito ay agad akong sumilip doon at Nakita ang isang lalaking nakatalikod sa akin. Pamilyar ang tindig nito sa akin, pati na rin ang buhok nito.

"My Iv. Please comeback to me. I can't live my life happily without you by my side." Saad nito sa pagod na boses. Nanatili pa itong nakatayo doon ng ilang minuto bago tuluyang Nawala sa paningin ko.

Agad kong inilibot ang aking paningin ko at napagtanto kong nasa isa akong silid. Napadako ang paningin ko sa gitna ng silid at Nakita ang isang lalaking nakakadena at sumisigaw na parang nawawala sa sarili. Nilapitan ko ito at akmang lalapit ng bigla na lamang itong humarap sa akin at sumigaw ng napakalakas. Gulat man ay hindi ko maiwasang magtaka ng tila kumalma ito ng dumako ang paningin nya sa mga mata ko.

"My Iv. Tawag nito na parang nanghihina." Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko. Anong nangyayari sa akin bakit nasasaktan ako sa nakikita ko. Lalapitan ko na sana sya ng bigla na lamang bumukas ang pintuan kasabay noon ay ang tila paghila sa akin.

"El!!!" malakas na sigaw ko ng imulat ko ang aking mga mata.

"No, no, no, no, I need to comeback, no." napahagulhol na lamang ako ng maalaala ko ang pangyayaring iyon. Panaginip lamang iyon pero bakit masyado akong nasasaktan sa nasaksihan ko? Agad kong pinahinahon ang sarili.

Damn it! Bakit ba napapanaginipan ko iyon, wala naman siguro iyong kinalaman sa akin pero bakit ako nasasaktan sa tuwig nagkakaroon ako ng panaginip na ganoon.

Malakas akong napabuntong-hininga saka umalis sa kama at nagtungo sa banyo para linisin ang sarili.

Kakapasok ko pa lang sa kusina ng may naamoy akong mabango. Sinundan ko ang amoy na iyon hanggang sa makita ko ang hubad na likod ni El na busy sa pagluluto. Ang sarap nitong tingnan, masyadong maganda sa paningin.

"Staring is rude woman." Agad akong napabalik sa ulirat ng marinig ang boses nito. Nagtugo na lamang ako sa ref upang itago ang pamumula ng mga pisngi ko. Ano ba naman yan Ivana, get back to your senses you dimwit! Lalo pa akong namula ng marinig ko syang tumatawa. Gosh nakakahiya.

"Hey, Ivana." Natatawa-tawa pa nitong tawag sa akin.

"A-Ano?" nauutal kong tanong.

"The food is ready. You can eat me now."

"Ok- WHAT?" gulantang kong saad dahil sa biro nyang hindi nakakatuwa. -tatawa-tawa naman itong humarap sa akin at ng makita ang matatalim kong titig ay sumeryoso ito but there is still the ghost of smile on his lips.

"Eat," naglakad ito papunta sa akin at hinawakan ako sa balikat at iginiya pa upo sa upuan na katabi lamang ng upuan nya. Hindi na ako nagsalita pa habang kumakain. Masarap ang pagkain pero halatang walang asin. Pagkatapos kumain ay nagpaalam ito sa akin na may pupuntahan sya. Hindi ko ito inintindi dahil hindi ko naman sya kaano-ano. What's the point of telling me anyway.

"S-stop. Stop please." Napalingon ako sa likod ng building ng marinig ko iyon. Naglakad ko patungo kung saan ko narinig ang boses na iyon at gulantang sa nasaksihan. Isang naka itim na lalaki na may yakap na babae, aalis na sana ako ng biglang tumingin sa akin ang babae at tila humihingi ng tulong kaya naman lalo pa akong lumapit. Sa paglapit kong iyon ay Nakita ko kung paano tumusok ang mga pangil ng lalaki sa leeg ng babae hanggang sa unti-unti itong nawalan ng buhay.

"A food but not that Delicious." Anito saka ibinato ang katawan ng babae, napasinghap ako dahil doon. Agad namang napalingon sa akin ang lalaki at lalo lamang akong natakot ng makita ang pulang mata nito.

"Well, well, well, another food to devour." Anito at sa isang-kisap mata ko ay nasa harapan ko na. Agad akong napa-atras ngunit agad nyang ipinulupot ang mga braso sa bewang ko.

"Hmmm, you smell so good." Anito sa nakakakilabot na boses. Tumindig ang balahibo ko ng dilaan nito ang leeg ko patungo sa balikat ko. Nagpumiglas ako pero lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak sa akin.

"Bi-bitawan mo A-ako!" mahinang sigaw ko sa kanya.

"No sweetheart you'll be my dessert for the day." Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa takot na nararamdaman.

"Look at you Crying like a baby. A delectable baby." And with that his fangs pierced my neck sipping my blood into it. Unti-unti ko ng nararamdaman ang panghihina ng bigla itong tumigil. Pagtingin ko dito ay nakabulagta na ito at pinupunasan ang labi. Napaluhod ako dahil tila nawalan ng lakas ang tuhod ko, agad namang may pumulupot na braso sa katawan ko.

"You okay?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Lauren na syang sumalo sa akin. Tumango lamang ako kahit na nahihilo na ako.

"I will kill you, you fucker." Agad akong naplingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"El." Mahinang bulong ko na tila narinig nya. Agad na lumambot ang emosyon sa mukha nya ng lumapat ang paningin nya sa kinaroroonan ko.

"Baby." Hindi ko Mabasa ang emosyon sa mukha nya pero napanatag ako dahil doon.

"A-a-aaacccckkkkk." Napalingon kami sa lalaki ng marinig namin ang boses na iyon na tila nahihirapan.

"A-anong nangyayari sa kanya Lauren?" tanong ko dito dahil unti-unti itong nagiging abo.

"That's what he gets for sipping someone's beloved." Saad ni El. Tatanungin ko pa sana sya ng bigla na lamang nandilim ang paningin ko.

"Ivana. Gising."

"Fuck."

"What happened?" anghuling mga tinig na narinig ko bago tuluyang nilamon ng dilim.

The Last Pure bloodWhere stories live. Discover now