Prologue

220 4 1
                                    

A/N:

(Credits to the owner of the photo)

Hi! Bago magsimula ang story gusto ko muna mag-thank you sa family ko, sa friends ko at especially kay God dahil may part sila sa story na to.

If ever na feeling mo story ng buhay mo to,(dahil I'm sure na pwede kayong maka-relate) coincidence lang po yun! Hahaha!

Sana suportahan niyo ang U.I.L hanggang sa last chapter. :)

~~~

2 years ago...

"Okay class, magpapalit na tayo ng seating arrangement for this 3rd quarter." Sabi ni Ma'am Guillermo, ang adviser namin.

Syempre karamihan sa mga classmate ko, ayun nagcelebrate, sawang-sawa na daw kase sila sa pagmu-mukha ng katabi nila. Pero ako, eto, kinakabahan. Kinakabahan ako dahil konti lang sa mga classmate ko ang ka-close ko. Malaki ang chance na matabi ako sa stranger.

"Bago kayo magsaya, gusto ko munang malaman niyo na itatabi ko kayo sa classmate niyo na hindi niyo ka-close." Sabi ni ma'am. "Kaya, get ready at tumayo na kayo diyan sa kinauupuan niyo at ayusin ang chairs. By 2's sa dalawang gilid at by 4's naman sa gitna." Dagdag pa na utos ni ma'am.

Matapos namin ayusin ang chairs, isa-isa na kaming pinapaupo sa bago naming assigned seats.

"Vincent!..." tawag sakin ni Ma'am.

"Yes po?" Tanong ko.

"Doon ka umupo sa tabi ni Shailene." Sabay duro ni ma'am sa available chair na katabi ni Shailene.

Pumunta na ako sa tapat ng upuan pero bago ako umupo, nakatingin sakin si Shailene. Nagkatitigan pa kami at medyo kinabahan na ko dahil unang-una, hindi ko siya ka-close, pangalawa, tingin palang niya pamatay na. "Ma'am! Pwede po bang ----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang umepal silang lahat. Mga bastos naman oh.

"UMUPO KA NALANG!" Sabay-sabay na sabi ng classmates ko at pati ni ma'am.

"Okay." Sabay upo ko.

"Uhmm. Hi?" Bati ko kay Shailene or "Shai" for short. I just tried to brake the awkward silence between us.

"Hi" bati din niya sakin nang hindi manlang tumitingin sakin. Tss.

Umalis na si ma'am pagkatapos niyang ayusin ang seating arrangement at pagkatapos niyang mag announce ng ilang reminders. Ilang segundo lang, pumasok na ang sunod na teacher namin.

Pinakuha kami ng teacher namin ng one whole sheet of paper dahil may seatwork daw kami sa previous lesson namin. And as usual, wala ako nun. Tumingin ako sa paligid hanggang sa mapatingin ako kay Shai. Ang kapal ng intermediate pad niya ha! Alam ma dis!

Pumilas ng isang papel si Shai at inoffer sakin. Siguro nahalata niya na wala akong papel. Kinuha ko na yung papel at dahil mabait ako, nakalimutan ko mag-thank you.

Natapos ang buong araw with 7 subjects at limang subject ang kinailangan ng papel. Syempre, hingi ako ng hingi kay Shai lalo na nung Math.

Nakalipas ang ilang araw na magkatabi kami ni Shai at naging magka-close na kami. Pakiramdam ko, nag-accomplish ako sa isang madugong mission. Magkasama kami sa galaan, punta don,punta dito, alis dyan at ang pagiging bwisitor ang role namin sa iba naming classmate, para kaming sugod bahay gang pero dalawa lang kami. Edi wow! Magkasama kami sa kulitan at harutan. At nangyari ang lahat ng yun ng dahil sa paghingi-hingi ko ng papel.

P.S. naubos yung makapal na intermediate pad niya.

Tama nga na ang lahat ay nagsisimula sa paghingi ng papel este maliliit na bagay. Ang malalaki ay nagsisimula sa maliliit, parang height ko lang. Malay niyo? Nang dahil sa paghingi-hingi ko ng papel eh may mabuong something diba?

"Vincent! Punta tayo sa 7-11?" Aya sakin ni Shailene.

"Sige ba! Tatanggi pa ba ko? Tara na!"

"Sira! May isang subject pa tayo!" Natatawang sabi niya

"Sabi ko nga eh"

Nung uwian, tumuloy na kami at otw to 7-11.

Otw, nang malapit na kami sa isang tulay, may nakita kaming *poop* sa daan!

"Ahhh!" Natili si Shai at napahawak sakin nang muntik na siyang matapak sa *poop*

"HAHAHAHA! Kung nakita mo lang ang sarili mo matatawa ka!" Natatawang sabi ko.

"Salbahe!" Natatawa din niyang sabi.

Napansin ko lang, yung *poop* black and white ang kulay at tinuro ko kay Shai. Sumang ayon pa siya natawa pa. Abnormal daw. -_-

Nasa 7-11 na kami at dumiretso sa may freezer ng ice creams. Kumuha ako ng ice cream na black and white at ganun din siya.

"Gaya gaya..." sabi ko sa kanya

"Bakit bawal? Gusto ko to i-try kase bago lang siya" sabi niya habang pinagmamasdan yung papel(balot) ng ice cream.

"Paano mo naman nalaman na bago yan?" Tanong ko.

"Ayan oh! May nakalagay "NEW"! " iniharap niya sakin yung ice cream at may nakalagay nga na new. "Kita mo? Kita mo na?" Dagdag niya.

"Chill ka lang! Init ng ulo... May tuldok kalang eh" mahinang sabi ko pero alam ko na narinig niya yun.

Nag-bayad na kami at lumabas na ng 7-11 at pabalik na kami ng school, ihahatid ko lang siya sa service niya. Habang naglalakad kami at habang kina-kain yung ice cream, naalala ko yung *poop* tapos kakulay pa nung ice cream namin.

Napansin ko na naalala din ni Shai yun dahil nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa ice cream at nagkatitigan kami.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Tanong ko.

"O-Oo" sabi niya.

"Wag na nga natin isipin yun at enjoyin nalang natin tong ice cream! Sa ibang way nalang tayo dumaan papunta sa school." At sumang-ayon siya sa sabi ko.

Unexpectedly in LoveWhere stories live. Discover now