Kagat labing naupo ako sa tabi niya.

"Darren." agaw pansin nito sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "gamitin mo muna 'tong towel ko.." sabi niya.

Tatanongin ko pa lang sana kung para saan pero natahimik ako nang bigla niya 'yong ipatong sa hita ko upang magsilbing pangharang upang hindi makita ang nakalabas kong balat. Naka-uniform kasi ako.

Napangiti ako at umiwas ng tingin upang itago ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa niya. What a gentleman.

"Mayaman pala kayo!" usal ni Aaron sabay tawa.

Nasa harapan kami ngayon ng mataas at magarang gate ng bahay nila Silver. At mula rito ay tanaw namin ang malawak na harden nila at tatlong palapag na bahay.

Napakamot batuk naman si Silver bago tumango.

Napangiti ako, halata ang pagkahiya sa muka niya sa pag amin niya, siya pa ang nahiya. He's humble.

I grinned at Silver who's looking at me now with his shy look. Well, I'm happy to see this side of his.

Nakakahiya naman sa kaniya, anak mayaman pala siya pero pinahiga ko lang siya sa luma naming sofa! Tapos ay sinasama pa namin siya sa kalenderia. Pero hindi naman siya nagreklamo e. Isa pa nagpasalamat pa siya kaya satingin ko naman ay okay lang sa kaniya.

"Tara sa loob?"

Hindi ko maiwasan ang humanga sa nakikita ko habang naglalakad kami papasok ng bahay nila. Kung bahay nila Aaron ay malaki na para sa akin, mas doble ang laki nito.

"Wala ngang tao." rinig kong bulong ni Aaron. Bukod sa aming tatlo ay wala talagang tao.

Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng bahay nila. Napakunot ang noo ko nang wala man lang akong makitang litrato ng pamilya niya, litrato niya, o kahit isang litrato lang. Ang linis ng paligid at wala kang ibang makikita kundi mga vase at mga kasangkapan ng bahay lang.

Doon biglang bumalik sa akin ang mga sinabi niya noong lasing siya. Siguro... hindi maayos ang pamilya niya? I don't want to judge pero hindi naman malabo na ganoon nga.

Huminga ako ng malalim. Huwag ko na lang isipin 'yon. Siguro hihintayin ko na lang ang araw na masabi niya na...

"Tara sa kusina." yaya sa amin ni Silver at nagpatiunang naglakad. Sumunod naman kami.

"So? Anong kakainin natin? Sino magluluto? Wala kayong katulong?" sunod sunod na tanong ni Aaron nang nasa kusina na kami.

"Tell me want you want to eat and I'll cook it for you." sabi lang ni Silver habang inaalis ang necktie niya at pumunta sa harap ng ref.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, hindi lubos makapaniwala.

"Weh?!" I exclaimed. Umakto akong gulat na gulat para malunod ang kakaibang pakiramdam ko sa ginawa niya. He just removed his necktie in front of me and he look so fine.

"Yeah. Kadalasan ako lang ang tao rito kaya kailangan matoto akong magluto para may makain ako," he shrugged his shoulder.

Ang isang tao kapag ayaw niyang may malaman ka tungkol sa kaniya, nagkwekwento siya ng may halong katotohanan at kalokohan. In Silver case, he's telling the truth by the taste of lie. Alam mo 'yon? Iyong nagsasabi siya ng totoo pero may kasinungalingan?

Ano? Kadalasan lang bang walang tao rito? O araw araw?

I sighed. Should I ask him? Or not? Should I interrogate him?

I shook my head with that thoughts. Inabala ko sa ibang bagay ang sarili ko upang hindi na mag isip pa ng kung ano.

Namangha ako sa kalinisan at kagandahan ng kusina nila. Kumpleto ang mga gamit at muka pang mamahalin. I hate kitchen, hindi kasi ako marunong magluto, at kung may kaya man akong lutuin, hindi naman masarap. Siguro kung narito si Mama ay tuwang tuwa 'yon sa nakikita.

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now