I heard a loud scream. Then a cry. A cry of fear and anger. 

There was silence before there was a deafening noise of hysteria. A loud wail of grief echoed in the fields. Someone has been killed.

Nanginig ang buong katawan ko sa matinding takot. May tinamaan ng bala ang pagpapaputok ng baril. 

Ang tanging nakikita ko na lang ay ang galit at iyakan ng mga magsasaka bago sa wakas, natagpuan ko ang biktima. A middle-aged man has been shot on his stomach. Pinagtulungan nila iyong buhatin. Kitang kita ko ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang tiyan at ang paghagulhol at pagkataranta ng mga bumubuhat sa kaniya at ng iba pang mga nakapalibot rito.

But it wasn't the end. They were merciless. The police fired shots again. Someone else has been shot.

"Tama na! Wala kayong awa!" I heard another weep from the oppressed until everything went black--I fainted in fear.

"Zhalia, mabuti at gising ka na," Si Lyon at Ida ang bumungad sa akin sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito o kung sino'ng nagdala sa akin. Basta sa muling pagmulat ng mga mata ko, bumuhos agad ang mga luha ko. Nakikita at naririnig ko pa rin ang lahat. Hindi ako makapaniwala. Para iyong masamang panaginip.

"Shh.. Lia, it's okay, it's okay.." Niyakap ako ni Lyon.

Pumiglas ako rito at naitulak ito sa labis na galit. Pumasok ang dalawang doktor at pinalabas muna sina Lyon. Paulit-ulit nila akong pinapakalma ngunit nang hindi gumana ay tinurukan na nila ako ng gamot. The tranquilizer made me drowsy and induced calmness. 

Our family doctor did a physical exam on me. Then the psychiatrist asked me questions.

"Zhalia, can you tell me what you saw earlier? In the riot?" She asked while clutching on my patient's chart.

Hindi ko nagawang sumagot. Natulala na lang ako sa kawalan. Nang walang nakuhang reaksyon o sagot sa akin ang psychiatrist ay iniwan ako nito upang kausapin si Minerva. 

Kinagabihan, matapos ang halos buong araw na pagtulog, tinungo ko ang opisina ni Auntie Martina. Sa sobrang galit ko, hindi na ako nagpadalos dalos.

"You killed a person," Namumuhi kong bungad rito.

Tita's face paled in shock. 

"Hija, hindi mo alam ang sinasabi mo. Bumalik ka na sa kwarto. Ipapatawag ko si Doktora Alvarez--"

"You killed a person!" 

Napabuga ng hininga ang Auntie, tinitipon na lang ang huling lubid ng pasensiya.

Walang mapagsidlan ang sukdulan kong pagkamuhi rito. Kung tama ang alaala ko, may isa pang magsasaka ang natamaan ng bala ngunit doon na ako nawalan ng malay.

"The farmer is in the hospital, Zhalia. Hindi pa ito patay."

"How about the other one who's been shot?"

Tita frowned deeply.

"No one else has been shot. Ang isang iyon ay insidente lamang. Saka hindi kasalanan ng mga pulis, hindi sila ang unang nagpaputok ng baril."

"What?" Hindi makapaniwala kong bulalalas.

"May dalang baril ang mga magsasaka, hija. Natagpuan iyon sa mga dala nilang armas--"

"Liar!"

Tita's eyes widened but bit her lip and collected her calmness.

"It's true. Sila ang naunang nagpaputok."

I was there. I was there in the first day of protest. I was there when the riot happened. I saw it crystal clear, the farmers had no guns with them! Wala na nga silang makain, saan pa sila kukuha ng perang pambili ng baril? They only had poster signs, sticks made of wood, stones, and water to shield themselves from the tear gas. 

(La Mémoire #1) NOSTALGIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon