Pangiti-ngiti akong binasa ito ng bigla kong naalala ang mga sinabi ko kay Emily kani-kanilang lang. 

Tinawagan ko si Marco upang humingi ng tulong sa kanya sa pag hahanap kay Gianna. Nag ring ang kanyang cellphone at ilang sandali lang ay sinagot na niya ito agad.

"Ooh? Lucio? Kamusta?" tanong niya agad sa akin.

"Tulungan mo akong hanapin si Gianna. Gusto ko ng makita ang asawa ko," pakiusap ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala dahil bago ko palang ikinuwento sayo ang nangyari kay Gianna ay pinapa trace ko na siya dahil alam kong matutuwa ka kapag nalaman natin na buhay talaga si Gianna," masayang sambit niya sa akin.

"Salamat Marco! Mabuti nalang na nandyan ka kung hindi. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nauubusan na ako ng pag-asa na makita siya," malungkot na sambit ko sa kanya.

"Stay put ka lang diyan! Makikita mo din ang asawa mo Lucio. Tsaka pala gusto mo bang ma-meet ang girlfriend ko? Madami kang malalaman na impormasyon sa kanya kay Gianna," sambit niya sa akin.

"Sige magkita tayo mamaya pagkatapos ng trabaho ko dito," sambit ko sa kanya.

"Sige. Susunduin ko nalang siya at magkita nalang tayo sa mall para doon natin pag-usapan 'to," tugon niya sa akin.

"Sige aasahan ko 'yan." masayang tugon ko sa kanya.

Ibinaba ko na ang tawag ko sa kanya at binuksan ko ang laptop ko upang aralin ang presentation na ginawa ni Marga kanina. 

Pailing-iling akong tinitingnan ang mga litrato na pinadala niya sa akin na kuha nila mismo sa Bella.

"Maganda naman at kalidad ang mga litrato na ito pero bakit hindi nagustuhan ng Bella?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko lang ito ng tiningnan ng bigla may tumawag sa akin.

Sinagot ko agad ang tawag sa cellphone ko at tinanong kung sino ito dahil unknown number ito.

"Hello?" tanong ko sa kanya.

"Hello Mr. Iglesias!" bati niya sa akin.

"Sino po ito?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na ito na ang huling pagkakataon niyo para ayusin ang kapalpakan ng kumpanya mo. Bukas na bukas kailangan ayos na ang lahat para sa bago naming produkto at may mga mangilan-ngilan kaming kaibigan na dadalhin diyan para makisaya sa ating photoshoot bukas. Kung ano ito o sino? Bukas mo nalang malalaman," seryosong sambit niya sa akin.

"Si-ge." putol na tugon ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong pinaplano ng Bella sa kumpanya ko pero kahit ano pa ito ay kakayanin namin ang kanilang pagsubok sa amin para lang sa matagal ko ng iningatan na kumpanya ko.

Pagkatapos ng isang tawag sa akin ng Bella ay tumunog muli ang cellphone ko at sa pagtingin ko dito ay may iniwang mensahe sa akin si Marco.

"Century Mall 5:00 pm." text niya sa akin.

Tumingin ako sa relo ko sa dingding at nakita kong may dalawang oras pa para mag alas singko kaya lumabas ako sa opisina ko at pumunta ako sa production team.

Pagkababa na pagkababa ko palang ng elevator ay tumambad na agad sa akin ang mainit na klima dito sa baba kaya agad kong tinawag si Marga at tinanong.

"Ganito ba talaga kainit dito?" iritableng tanong ko sa kanya.

"Opo Sir Lucio. Mainit po talaga dito dahil wala po kaming aircon," malungkot na tugon niya sa akin.

"Ok hintayin mo at ipapa-installan ko ng aircon dito ngayon din," tugon ko sa kanya.

"Huh? Maraming salamat po Sir Lucio!" masayang sambit niya sa akin.

Lumakad ako papunta sa photoshoot area at nakita ko ang mga nag gagandanhang mga model namin doon.

"Gusto ko 'yung mga model mo ayusan niyo ng maayos bukas dahil may bagong produktong ipapagamit ang Bella sa atin," utos ko kay Marga.

"Sige po Sir Lucio," tugon niya sa akin.

"Asan ang mga make up artist niyo dito?" tanong ko sa kanya.

"Teka po at tatawagin ko lang." tugon niya sa akin.

Umalis sa harap ko si Marga at tumungo siya sa bandang gilid upang tawagin ang make up artist namin.

"Dalawa lang?" tanong ko sa kanya.

"Opo Sir Lucio nag bawas po tayo ng mga empleyado nung nakaraan kasi po ano," tugon niya sa akin.

"Ano? Na bankrupt ganun? Mag hire ka ng tatlong artist ngayong araw gusto ko magagaling para sa kinabukasang photoshoot natin," utos ko sa kanya.

"Masusunod po." tugon niya sa akin.

Umalis ako sa harapan niya at naglakad-lakad ako sa paligid ng makita kong ok na ang lahat ay umalis na ako agad sa production department dahil sa mainit na klima dito.

Pawis na pawis akong pumasok sa elevator at agad ko itong sinara ngunit sa pindot ko dito ay bigla muli itong bumukas at pumasok ang isang pamilyar na babae.

Ngumiti siya sa akin at napatingin ako sa kanya ng matalim.

"Dimple! Remember?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Aaah... Oo! Bakit?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Kamusta ka? Bakit hindi mo na ako tinatawagan?" tanong niya muli sa akin.

Napapa iling lang ako sa kanya at napapaisip kung anong sinasabi niya.

"Bakit naman kita tatawagan?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba?" tanong niya sa akin.

"Ang alin?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Yung ginawa nating dalawa?" nakangiting sambit niya sa akin.

"Anong ginawa nating dalawa?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Sa kotse mo! Hinalikan mo ako at inaya mo akong maging babae mo pero hindi ako pumayag nun kasi asawa ka ng bestfriend ko pero ngayon handa na akong papasukin ka sa buhay ko Lucio," sambit niya sa akin sabay lapit sa akin.

"Wag!" sigaw ko sa kanya sabay hawi sa kanya. , "If may nagawa man akong kakaiba sayo kalimutan mong lahat 'yun dahil si Gianna lang ang mahal ko," sambit ko sa kanya.

"Hindi mo mahal si Gianna Lucio dahil simula't sapul ay ginamit mo lang siya para mapabalik si Celine sa buhay mo," mataray na sambit niya sa akin.

"Nagkakamali ka diyan Dimple. Sige na bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sa kanya sabay alis.

Bumaba ako sa parking area upang sumakay sa kotse ko ngunit sumunod si Dimple sa akin sa parking area at hinila ako sa gilid upang pag hahalikan sa aking labi.

Pinilit ko siyang hawiin papalayo sa akin ay pabalik-balik pa rin siya sa akin. Habang nagkakaroon kami ng iringan ni Dimple ay dumating si Celine at pinag sasampal niya sa pisngi si Dimple. Pinigilan ko agad si Celine sa ginagawa niya kay Dimple dahil kailangan ko si Dimple kinabukasan.

"Anong ginagawa mo Celine?" galit na tanong ko sa kanya.

"Napakalanding babae kasi nitong si Dimple at talagang tinatalo mo pa ako?" galit na tanong niya kay Dimple.

"Wala namang kayo Celine kaya pwedeng maging kaming dalawa!" sigaw ni Dimple sa kanya.

"Tumigil kayong dalawa! Walang sinuman sa inyo ang makakapalit sa puso ko kay Gianna!" sigaw ko sa kanila.

"Gianna na naman?" galit na tanong ni Celine sa akin. , "Patay na si Gianna! Bakit hindi mo nalang patahimikin ang kaluluwa niya!" sigaw niya sa akin.

"Hindi pa patay si Gianna! at papatunayan ko ito sa inyong lahat!" galit na sigaw ko sa kanya.

Madali akong umalis sa harap nilang dalawa at sumakay ako sa kotse ko. Binuksan ko ang engine nito at pinaandar ko papalayo sa kanilang dalawa.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now