Kumunot ang noo ko. "Persephone? Iyong babae kanina, si Persephone na girlfriend mo?" pagkukumpirma ko.

Umigting ang kaniyang panga. "Finally see where I'm coming from?"

Tinignan ko siya nang maigi. Kaya ba gusto niya na magtago ako at isama si Azul, bilang paghihiganti roon?

"Ang babae pala na 'yon 'yung ipinagkasundo sa kaniya no'ng bata pa sila..."

Nabahiran ng galit ang mga mata niya. Bigla ay naitikom ko ang bibig sa kaba. Nakakatakot naman ang lalake na 'to. Umiwas siya ng tingin at tumitig na sa tinatahak ng sasakyan. Mukhang nagalit ko nga siya.

Hinalikan ko sa buhok ang himbing kong anak. Iyon pala ang kasama ng Papa mo kanina, Azul. Ang ganda-ganda at mukhang elegante. Iyon 'yung sinabi sa akin kahapon ni Poseidon na kaibigan niya.

Dapat ba akong maniwala roon gayong magkasama sila sa iisang lugar? Nadako ang tingin ko kay Hades na tuwid na tuwid ang upo sa harap. Ganiyan kagwapong lalake nagseselos din sa kanila kaya siguro hindi naman masama ang nararamdaman ko?

At nagseselos ba talaga ako sa kanila o natatakot lang akong itapon na lang niya ako bigla isang araw?

Mahaba ang biyahe kaya mahaba ang panahon para mag-isip. Hindi ako makatulog dahil gising pa man ako'y pakiramdam ko, binabangungot na ako. Natatakot pa rin ako kahit nasa akin na ang anak ko.

Paano kung hindi ko siya nabawi? Muntik na. Muntikan na talaga dahil wala akong maalala. Gusto kong saktan ang sarili dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko.

Nag-stop over kami sa isang restaurant para kumain ng dinner. Wala akong gana kumain habang sina Azul, Hades, at ang driver ay maraming kinain. Nang bumalik sa biyahe ay nakatulog din maya-maya si Azul habang ako naman ay tulala sa mga dinaraanan ng van.

Lumalalim na ang gabi at lumalala na rin ang lamig. Inilipat ko si Azul sa kandungan ko. Ipinaharap ko siya sa akin habang ang magkabila niyang mga paa ay nasa magkabilang gilid ko rin. Pinahiga ko ang mukha niya sa dibdib ko saka ko ipinalibot ang kunot sa amin at niyakap ko siya nang mahigpit.

Hinalikan ko siya sa noo bago ko ipinikit ang mga mata, nagbabaka-sakali na makatulog na.

Naalimpungatan ako na nakahinto na ang sasakyan. Dahan-dahan akong nagmulat at halos mabigla pa nang maramdaman na may nakahiga sa may dibdib ko. Sinulyapan ko ang anak ko na tulog na tulog pa rin. Napangiti ako saka hinaplos ang makapal niyang buhok.

Napakaantukin ng baby namin.

Sumulyap ako sa bintana at doon nakita si Hades. Nasa labas siya at sa harap niya ay si Poseidon na masamang-masama ang tingin sa kaniya. Nasa parking area kami na maliwanag kaya hindi ko alam kung anong oras na ba talaga. Pakiramdam ko ay madaling-araw na.

Ibinaba ko ang kumot at ibinaba ko nang bahagya ang bintana para marinig sila.

"Where is Salacia, Hades? Where did you fucking bring my girlfriend?" mariin niyang saad.

"Fuck off, Poseidon. Stop talking to Persephone."

Lalong nagalit ang mukha ni Poseidon nang hindi siya sinagot ni Hades. Akma niya ng susugurin ang lalake nang mapatingin siya sa direksyon ko. Natigilan siya sa gagawin at dali-daling humakbang palapit sa sasakyan saka binuksan ang pinto.

"Salacia!" aniya pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

Pagod ko siyang nginitian. Kunot ang noo niya na tinitigan ako at dahan-dahang bumaba ang tingin sa batang nakayakap sa akin, nakasubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Who is he?" tanong niya.

"Azul..." paos kong sagot.

Napatango siya. "You're nephew that you told me. So you got him, huh?" aniya saka ngumiti. Pansin ko agad ang pagod sa kaniyang mukha.

Lord Series #2: DrownedWhere stories live. Discover now