NP 03

149 37 135
                                    

KAHIT umaga na ako natulog ay nagising pa rin ako ng mayroong ngiti sa aking mga labi. Matapos kasi ang mga nangyari kagabi at ma-realize na si Dominguez pala ang nakasama ko sa elevator ay agad ko siyang ig-in-oogle.

Oo, google. Kahit ano'ng socmed websites hinanap ko, just to see that handsome guy.

Sa pagka-curious ko’y matapos makita ang mga link ng kaniyang social media accounts ay kaagad ko itong br-in-owse para lang ma-stalk at malaman kung saan man siyang lupalop nakatira o kung sino ang girlfriend niya.

Ang iba sa nakikita ko ay pawang shini-ship lamang siya sa kapuwa newscaster na nakasasama niya sa ABS-CBN, si Elani Ramos. Minsan sa FB niya, siya ang kasama niya ngunit madalas na selfies at daily habits niya ang naroroon.

Foods, guitars, and music.

Sa gandang pangalawakan ba namang ganda ng dalaga ay literal na mapagkakamalan ko silang mag-jowa. Hindi nga sila halatang reporters lang, eh. Mukha silang international models. Na isa pang rason kung bakit bagay na bagay sila.

KAKAHIGA ko lamang sa kama matapos kong labhan ang panyong ibinigay niya sa akin. Baka kasi regalo iyon ni Elani tapos ibibigay niya lang sa isang ‘tulad ko. Mapagkamalan pa akong third wheel nito.

Biglang pumasok sa aking isipan ang tanong tungkol sa anumang oras na. Napabaling ako sa wall clock na nasa kaliwa at napabuntonghininga nang malamang isang oras at kalahati pa ang natitira para sa meet up namin ng bestfriend ko.

I sighed and held the newly washed handkerchief of Salvador, displayed beside my phone. Buti na lamang at may drier na sadya rito. Hindi ako nahirapan pang isampay ito sa labas.

“Ibabalik ko pa kaya ‘to?” dahil sa tanong sa sarili’y agad akong napabangon ay napangiti.

“Ay, oo. Baka bigay ito ni Elani.”

Agad na lumukot ang aking mukha dahil sa sagot na nakuha ko mula sa sarili. May halo ring panghihinayang sapagkat sa tuwing tinitingnan ko ang bagay na ito, parang bumabalik at bumabalik ang memorya ng nangyari noong five years old ako. At ganoon din nang magdampi ang dulo ng aming mga daliri.

And it's odd. Ang weird.

Ay doon ay napagdesisyunan kong tumayo na upang ayusin ang mga damit ko na hanggang ngayon ay nasa maleta pa rin. Hindi ko kasi naayos kagabi. Bukod sa siya lamang ang nasa isipan ko ay inaagaw ng panyo ang atensyon ko. Nakatulog tuloy akong walang nagawang to-dos.

After organizing my clothes neatly, I went to the kitchen to cook. Kumuha na ako ng itlog sa tray. At habang nagluluto, I picked my phone up to call Melanie. Hindi naman tumagal ng ilang ring ay sinagot na niya ito.

"Hi ate! How's your stay in there?" bungad niya habang nililibot ang kaniyang mga mata sa background ko. While mixing the egg, ibinaba ko ang phone at isinandal ito sa tabi ng water jug.

“Tamang desisyon na pumunta ako rito. Ang saya, promise!”

"So, how was the travel earlier? Five hours mahigit din 'yon," aniya at biglang dumilim ang kanyang screen. Naglalakad siguro papuntang sala ang babaeng ito.

It was fine, nakita ko ang crush mo. Inabutan nga ako ng panyo, eh. Natatawa akong umiling at binuhay na ang electric stove. "It was fine, actually nabasa ako ng ulan."

Nang lumiwanag muli ang screen, ipinakita niya sa akin sila Uncle Zach at kung ano ang ginagawa nila ngayon.

"Paanong nabasa?! Hindi naman siguro butas ang bubong ng kotse para mabasa ka, unless bumaba ka roon at maglakad."

Kinawayan ko sila roon at hinayaan ang sariling ituon ang pansin sa nilulutong itlog, ignoring Melanie's scold towards me.

“Kalma, ayos naman na ako. Nakainom na rin ng gamot.”

Nagmamahal, Paraluman (Completed)Where stories live. Discover now