Chapter 4

6 1 0
                                    

Para akong nanlalambot nang makabalik sa room. Nagpaalam na agad ako kay Tyler ng sabihin niya 'yon at hindi na hinintay ang kasunod. Nagdahilan na lang ako na malapit na ulit ang klase ko. First time kong magka-crush sa school, puro korean actors kasi ang mga crush ko, tapos mab-broken lang ako.





Nakatulala lang ako habang nakaupo sa bandang likod ng room namin. Masyado akong napre-occupied dahilan ng hindi pagbati sa teacher ko nang dumating siya sa room.





Bumalik lang ako sa sa pagkatao nang tawagin ako ni Stella. Paglingon ko ay nakita kong ang lahat ay nakatayo para batiin si sir at ako lamang ang tanging nakaupo.





"Are you not feeling well, Feria?" tanong ng teacher ko.






"Hindi po sir, okay lang po ako. Sorry po." pagpapaumanhin ko.




"Bakit ka pala naka-civilian? Hindi ka ba aware na bawal 'yan?" kalmadong pero seryosong tanong ni sir. Napakagat ako sa labi dahil sa hiya.





"Sorry po, sir." lalo akong napayuko.





"May insidente po kasing nangyari kanina, sir. Hindi po sadyang nabangga siya at natapunan ng bagong-lutong soup kaya nabasa ang uniform niya. Pumunta din po siya sa clinic dahil napaso ang kanang braso niya." singit bigla ni Keegan. Napatango tango naman ang teacher.





"Okay, I'll let it pass for now. Pero next time be aware na bawal magsuot ng ganiyan, okay? Iwasan mo na lang na makita ka ng principal." aniya. Tumugon naman ako at pinaupo niya na din kami.



Tinignan ko si Keegan at nang magtama ang tingin namin ay pinasalamatan ko siya. Nag-thumbs up naman siya at tinaas taas ang kilay.





Nagsimulang magdiscuss si Sir Alferez tungkol sa bago naming topic sa math. Pilit kong nilalabanan ang antok at gumawa na lang ng notes. Nakakaantok talaga pag after lunch, tapos ganito pa ang subject. Nagrerecite na lang din ako para makafocus ako sa topic.





Puro discussion lang hanggang sa mag-uwian. Hindi pa din sila nagbigay ng activities or assignments.



"Uy, Bri! Wala namang urgent na gagawin, kain na tayo sa labas. Hindi ka pumayag last time, eh." sabi sa akin ni Stella.





"Sige, tara." sagot ko naman. Pagkakataon ko na din ito para makapag-explore dito sa Manila, kahit sa siyudad lang.





Nag-antay kami ng masasakyan na e-jeep. Maluwag at walang masyadong tao ang nasakyan namin. Na-amaze naman ako dahil first time kong makasakay dito.





"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa dalawa.



"Sa Master Buffalo." sagot naman ni Ash. "Nagugutom na ako."



"Malayo ba iyon?" tanong ko ulit.



"Medyo. Sa Sta. Mesa. Bale sasakay pa tayo ng isang jeep." sagot ulit niya. Mukhang malayo nga. Baka maligaw ako. "'Wag ka mag-alala, Bri. Babalik ulit tayo sa tapat ng univ para mula doon ay alam mo na ang daan pauwi." tumango na lang ako.



Nang makaparada ang e-jeep ay bumaba na kami at naghintay na ulit ng panibago. Maya maya ay nakarating na kami sa M.B.

"Nice, kaunti lang ang pila ngayon. May swerte ata si Bri, e." natutuwang sambit ni Stella.



Pumila kami saglit sa waiting at nakahanap din agad ng table. Pinapili kami sa menu at nag-order na si Ashlee. 'Yung classic lang ang pinili ko at mild ang spicy level.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jun 27, 2022 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Depth of the OceanHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin