Chapter 1

28 1 1
                                    

*knocks*



"Anak! Pakibukas ng pinto. Nagluluto lang ako dito. Baka ang tita mo na 'yan!" utos sa akin ni mama.


Mabilis akong bumaba ng hagdan para pagbuksan ng pinto si tita.





"Tita!" sigaw ko sabay yakap sa kanya. Matagal tagal na din siyang hindi nakakabisita sa amin.





"My niece! How's your school? Still a consistent honor student? " pagkakamusta niya sa akin.






"Okay lang naman tita, pasado pa din naman po palagi. " sagot ko sa kaniya.






"Well, that's excellent! I'm so proud of you!" tuwang tuwa na sambit niya. "Ate! " sigaw niya nang makita si mama.





"Amanda! Wow naman, paganda ng paganda, ah." Bati ni mama kay tita. Eto naman si tita, tuwang tuwa din.






"Oh, siya tara na. Nagluto ako ng fav niyong mag-tita. " Aya ni mama.






Nagkatinginan kami ni tita at napatili. Adobo!





Magkasundo kami ni tita since single pa siya at ang dalaga niya talaga mag-isip kahit 29 na siya and I'm 16.






Habang kumakain ay nagkekwentuhan kaming tatlo.






"So, how's life in Manila?" tanong ni mama kay tita.






"Good. Medyo stressful lang dahil sa employees. You should be helping me kaya. Actually you should be the one handling, e. Iniwan sa'yo ni kuya ang business." sagot niya. "Hanggang ngayon tuloy, single pa 'ko." pagpapaawa niya kay mama. Tumawa naman si mama.







"Sabi ko sa'yo, Amy. I'm not into business and stuff. Mas gusto ko ng tahimik na buhay dito sa probinsya. At alam mong bawal akong maghandle lalo na kung mabigatin." sabi niya habang tumatawa.






"Yeah, I have no choice. " sabi ni tita.






Our family owns a business. Si papa ang panganay na lalaki kaya sa kaniya ipinamana iyon but sadly, my dad died 3 years ago because of an accident. Na-ospital si mama noong mga panahong iyon dahil hindi kinaya ng puso niya. Bawal siyang mastress, magalit, or kahit anong malalang emosyon dahil may sakit siya sa puso. Mula din noong nangyari iyon ay lumipat na kami dito sa probinsya. Kaya naman ibinigay ni mama kay tita dahil siya ang sunod na kapatid.







"What about you, Brielle? Ano ba ang dream mo? " tanong naman ni tita sa'kin.





"Uhm, sa ngayon po tita, pinag-iisipan ko pong maging doctor. Pero gusto ko din pong maging singer. Sayang naman po kung hindi ko magagamit ang talento ko." sagot ko.





"Oh.." tumigil siya sa pag kain at hinarap ako. "That's nice, Bri! I support you. Pero ayaw mo ba maging part ng business natin? I'll help you naman, e." mahinanong tanong niya sa akin.





"Ayaw ko din po kasi mainvolve sa business tita. Ayaw ko din po ng mga ganun kasi maiistress lang ako. Gusto ko lang po mag-entertain at magpasaya ng mga tao. Atsaka gusto ko din po silang tulungan, lalo na si mommy. " sagot ko naman.





Napatango na lamang siya sa sagot ko.




"Manang mana anak mo sa'yo ate. " baling niya kay mama. Si mama naman ay nagkibit balikat na lamang.



Depth of the OceanWhere stories live. Discover now