Chapter 2

10 1 0
                                    


"Brielle. Brielle Stephanie. " sagot ko naman.





"Ang ganda naman ng pangalan mo." pagbati niya sabay ngiti. Nginitian ko din naman siya pabalik.




"Kakalipat mo lang dito, ano? Ngayon lang kita nakita, e. "





Tumango naman ako bilang sagot. Ikinwento ko din sa kanya ang tungkol sa paglipat ko dito, at sa condo ako ni tita tumitigil. Nagkwento din siya tungkol sa sarili niya. Sa loob ng isang araw, nagkaroon ako ng kaibigan at marami agad akong nalaman tungkol sa kaniya.






Pagkatapos naming magkwentuhan, bumaba na kami at ginuide niya ako sa building namin at pinunta sa iba't ibang parte ng building. Natuwa naman ako dahil napakaganda ng mga lugar na pinupuntahan namin.






Tumungo kami sa garden at sa likod noon ay mayroong isang malaking punong nakatayo magisa. Dinala niya ako sa ilalim noon at pinaupo sa isang telang nakalatag.




"Ito ang favorite spot ko." aniya. "Wala kasing masyadong mga taong nagpupunta dito. I can do whatever I want when I am here. " pagkukwento niya.






Nagustuhan ko din naman ang lugar sapagkat napaka peaceful niya. Wala din kahit anong ingay at tanging ang mga ibon lamang na humuhuni ang aking naririnig.




"Pwede ka ding pumunta dito kung kelan mo gusto. Kung gusto mo ng katahimikan, pwede kang tumambay dito. " pag-aalok niya.




"Oo nga, ang sarap ngang manatili dito. Ano naman ang ginagawa mo 'pag nandito ka?" tanong ko.




"Usually nagda-drawing. Tapos minsan gumagawa din ng stories. " sagot niya. Na-amaze naman ako.



"Wow, gumagawa ka ng story? Ilan na ang nagawa mo?" namamanghang tanong ko.




"More than 10 siguro? Pero 'yung iba kasi 'di ko natatapos. Apat lang ata ang natapos ko. "

"Published? "





"Hindi. Nakatago lang sa laptop ko. " aniya at mahinang tumawa.






Gusto kong makita ang mga gawa niya ngunit nakakahiyang magtanong. Pati ang mga drawing!




"Ano-ano na din ang mga naguhit mo? " pagpapatuloy ko sa pagtanong.



"Mga bagay na nagustuhan ko. Mga scenes and views, gano'n. Lagi ko ding naguguhit ang lugar na 'to." tumtango-tango naman ako habang nakikinig.




"Gusto mo makita?" bigla naman akong napangiti.




Agad akong tumango. Nacu-curious din kasi ako sa mga gawa niya.



"Nice. Maganda 'yon syempre ako ang may gawa, e. Joke. Sige, dadalhin ko bukas. Kita ulit tayo dito. Mga 3pm? " aniya at ngumiti. Sumang-ayon naman ako.




Magkasama kaming bumalik sa building dahil same floor lang naman kami. Hinatid niya ako sa harap ng unit namin dahil mas malapit iyon sa elevator.




"Nice meeting you, Brielle." pagpapaalam niya at ngumiti.




"It's nice meeting you, too."




Nabored ako sa loob ng bahay kaya naman ay nakipag- video call na lang ako kay mama.




"Hi ma, kamusta po diyan?" bati ko.




"Okay lang naman, anak. Naghahanda na kami ng pinsan mo sa pagtulog. Ikaw, kamusta? Maayos ba para sa'yo diyan sa Manila?"




"Opo. Pero naga-adjust pa din. May naging kaibigan din po ako kanina. Tyler po ang pangalan." kwento ko.




Depth of the OceanWhere stories live. Discover now