"Nagpakatotoo lang ako. Ayokong umasa sa kung anong meron tayo ngayon."



Kumain muna kami sa Greenwich bago umuwi.



Hindi ko inaasahan na sa pag-uwi ko ay masisilayan ko ang mga magulang ni Jauncy at kasama pa ng mga ito si Jewell. They were sitting in the royal sofa with an unexplained faces. Napatingin ako kay Tito Jendy na masyadong seryoso ang mukha.



"I'm not liking this anymore. Magkalimutan na kayong dalawa," biglang wika ni Tito Jendy.



"Anong ginagawa niyo dito? And what do you mean, Pa?" nagtatakang tanong ni Jauncy.



Nanahimik lamang ako sa tabi ni Jauncy. Napayuko ako bigla. I felt a sudden awkward. Ito na ba ang oras para lumayas na sa mansyong 'to?



"You don't deserve a disgraceful fiancée," Tito Jendy said firmly.



Bigla akong napaangat ng ulo. Ano bang problema nila sa akin? Dahil lang ba sa Maserati? O dahil mas gusto nila si Jewell para kay Jauncy?



"Pa..."



"Nasisira ang pangalan natin dahil sa kanya, Jauncy! Hindi mo ba napanood ang video niya na kumakalat ngayon?" ani Tita Aida.



"What video?" singit ko.



Taas-noong lumapit sa akin si Jewell at kinuha ang cellphone niya at pinindot ang isang video sa YouTube. Sa simula pa lang ng video ay bigla akong nanghina. Dahan-dahan akong napaupo sa sahig at hindi na napigilan ang mapaiyak.



Parang gusto kong mahimatay sa hindi malamang nararamdaman. Hindi ko na sila pinansin habang tahimik na umiiyak.



"Seriously, Jewell? Bakit may ganyan 'yan?!"



"Ewan ko. Itanong mo 'yan sa kasama mo kung bakit nakahubad siya. And frankly speaking, hindi 'yan edit. Siyang-siya talaga ang nasa video," si Jewell.



"And so? Sinong may pakana nito? Kung siya nga naman 'yan, walang karapatan ang nag-upload ng video'ng 'yan."




"Anak, itigil niyo na kung anong meron sa inyo. Save yourself. Hindi ka ba natatakot na makakaapekto lamang ang pinagsamahan niyo kung anong meron sa'yo ngayon?"



"I don't care, Ma! Ano ba kayo? Bakit ang big deal sa inyo? Nasasaktan yung tao dahil diyan pero mas idiniin niyo pa? Hindi man lang ba kayo naawa? You should have defend her!"



Mas lumakas ang paghikbi ko dahil sa sinabi ni Jauncy. I don't know with them. Pakiramdam ko ay nasisiyahan pa sila sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ganito? Wala naman akong ginawang masama sa kanila para ganituhin lang ako.



"Defend? Totoo naman na siya ang nasa video," masungit na sagot ni Jewell.



"It's obvious that you're so happy that it happened to her, yes? And can't you think wisely? If totoo ngang siya 'yon, wala siyang kasalanan. Ang nag-upload ang dapat sisihin!"



Umiiyak na nag-impake ako. Sa kada pasok ko ng damit sa maleta ay binabalik naman ni Jauncy sa closet. Pagod ko siyang nilingon at sinamaan ng tingin.



"Pwede ba, Onse? Stop disturbing me! Hayaan mo akong umalis dahil ayokong i-down na naman ako ng mga magulang mo! Sabagay, nakalimutan ko palang Mozar pala kayo."



He sighed.



"I'm so sorry, Xierl. Pero kahit ikaw 'yon, wala kang kasalanan."



"Tanga ka ba? Wala naman talaga akong kasalanan! Bobo!"



"Bakit ka ba galit na galit sa akin? Pinagtanggol na nga kita kasi hindi mo naman talaga deserve ang nangyayari sa'yo ngayon. Look Xierl, let's talk about this. Basta-basta mo na lang ba akong iiwanan at tatakbuhan? Really?"



Naiinis na hinarap ko siya.



"Manliligaw lang kita. Kaya h'wag mo akong diktahan."



His jaw dropped. Dumilim ang kanyang mukha na halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hinayaan na rin naman niya ako at hindi na pinigilan.



Niyakap at hinalikan ko muna si Asher at Nibbles bago umalis. Siya rin naman ang bumili sa dalawang alaga namin kaya sa kanya na ang mga 'yon kahit ang hirap iwanan.



Pagdating ko sa amin ay pinagalitan pa ako ni Mommy dahil bakit daw sinugod siya ni Tita Aida. My parents were disappointed of me of how the engagement was cancelled. Hindi nga rin nila alam ang tungkol sa video. Wala talaga silang pakialam sa akin.



I needed them the most. But they just add the displeasure I felt right now. Kaya kay Aling Elda ko nailalabas ang tunay kong nararamdaman. Tahimik lamang itong nakikinig sa akin habang hinahagod ang likuran ko.



"Naiintindihan kita, hija. H'wag mo na lang pansinin ang opinyon ng iba. Ano ngayon kung nakita nila ang hubad mong katawan? Ano ba ang makukuha nila sa panlalait sa'yo?"



'Yon nga e. Pero habang patagal nang patagal ang oras ay padami nang padami ang viewers at comments sa video'ng 'yon. Hindi pa kasi na-i-delete at wala rin akong ideya kung sino ang nag-upload.



Pero alam kong may kinalaman si Geniel dito. Pinahiram ko sa kanya ang cellphone ko kaya paniguradong nakita niya ang video.



Hindi ko na alam kung ano ang dapat isipan. Kahit gusto kong mag-isip ng positibo pero naaapektuhan pa rin talaga ako sa pananaw ng ibang tao. Hindi ko na rin alam kung paano maging okay. Lahat ng parte ng katawan ko ay kitang-kita. May iba pa na ginawang memes ng karamihan. Sobrang nakaka-depressed.

Claiming the Opposite ✔Where stories live. Discover now