Inilagay ko ang dala-dala kong ice cream sa tabi ng urn niya dahil paborito niya itong pagkain nung nabubuhay pa siya. 

Kahit walong taon na ang kalipas mula ng iniwan niya ako ay sobrang masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya hanggang ngayon nandito pa din yung sakit na iniwan niya sa akin. 

Nakakapanghina kapag naaalala ko 'yung mga araw na nalaman kong nasama siya sa sunog sa resort nung kaarawan ko ngunit habang inaalala ko 'yun ay biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Marco sa akin.

"Hindi patay si Gianna dahil hindi siya ang babaeng nasunog." bigla ko nalang nasambit sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ito. Pagbukas na pagbukas ko palang ng cellphone ko ay tumambad na agad sa akin ang mga text at tawag ni Emily kaya agad ko itong tinawagan.

Mabilis na sinagot ni Emily ang tawag ko at kabado itong nagsalita.

"Lucio may problema tayo!" kinakabahang sambit niya sa akin.

"Anong problema?" galit na tanong ko sa kanya.

"Ang Bella! Binawi na nila ang investment nila dahil hindi nila nagustuhan ang trabaho natin," sambit niya sa akin.

"Ano!" gulat na tanong ko sa kanya.

"Ang mas lala pa dito 'yung mga nag invest sa atin na dala ng Bella ay binawi na din ang kanila dahil sa nalaman nilang umalis na ang Bella sa atin," paliwanag niya sa akin.

"Pupunta ako sa opisina. Mag tawag ka ng emergency meeting!" galit na sambit ko sa kanya.

"Sige! Dalian mo!" tugon niya.

Agad akong umalis sa sementeryo upang pumunta sa opisina dahil nagkaroon ng malaking problema ang aming kumpanya.

"Akala ko sila na ang sagot sa akin pero bakit parang inilulubog na naman nila ako sa kahirapan?" inis na tanong ko nalang sa sarili ko.

Madali akong nag paandar ng sasakyan ko upang mahabol ko ang Bella. Minuto lang ang inilaan ko sa pag mamaneho at madali akong tumungo sa meeting room namin para makipag usap sa mga stock holder namin.

Nakatayo ang lahat ng mga tauhan ko kaya madali ko silang pinaupo.

"Be seated." utos ko sa kanila.

Umupo ako sa upuan ko at huminga ako ng malalim sabay tanong sa kanila.

"Anong nangyari bakit pinull-out ng Bella ang investments nila?" galit na tanong ko sa kanila.

"Hindi daw sila na sa-satisfy sa trabaho natin," tugon ni Celine sa akin.

"Asan si Marga?" galit na sambit ko sa kanila.

"Yes po Sir Lucio?" takot na tugon niya sa akin.

"Ano bang problema sa department mo? Bakit hindi nagustuhan ng Bella ang trabaho niyo!" sigaw ko sa kanya.

"Maganda naman po ang mga shots natin sa mga products nila at ok naman po ang mga models natin nabigyan naman po ng katarungan ang kanilang mga produkto pero nagulat nalang po kami kanina na pinapu-pullout na nila yung mga products nila sa atin dahil lilipat na daw sila sa kabilang company," paliwanag niya sa akin.

"Asan ang address niyang Bella na 'yan at ako ang makikipag usap!" sigaw ko sa kanila sabay hagis ng mga papel sa harapan nila.

Agad na lumapit sa akin si Emily at iniabot ang business card ng Bella.

"Gumawa kayo ng report regarding sa incident ngayon tapos isend niyo sa akin ang mga litrato na nakuha niyo sa Bella. I need it today! Walang matutulog hangga't hindi niyo napapasa sa akin ang mga reports niyo!" galit na sambit ko sa kanila habang galit na galit na umalis sa harapan nila.

Padabog akong umalis sa harapan nilang lahat at tumungo ako sa address na nasa business card ng Bella.

Mabilis akong nag maneho at sinet ang sasakyan ko sa waze para mabilis akong makarating sa opisina ng Bella. Pagdating na pagdating ko doon ay agad akong sumugod sa loob upang sugurin ang may ari ng Bella ngunit sa reception palang ay naharangan na ako agad ng mga gwardiya.

"Ilabas niyo sa akin ang may ari ng Bella!" galit na sigaw ko sa kanila.

"Sir! Wala po dito ang may ari ng Bella," pamimigil nila sa akin.

"Babasagin ko bungo mo kapag di mo siya nilabas dito!" galit na sambit ko sa gwardiya.

Habang gumagawa ako ng eskandalo sa baba ay may babaeng biglang nagsalita.

"Ganito na ba ang tinatawag nilang Man of the year?" pang aasar na tanong niya sa akin.

Agad akong lumapit sa babae na 'yun ngunit pinigilan ako ng mga gwardiya.

"Ikaw ba si Bella? Ikaw ba 'yung nag pull-out ng investment sa company ko?" galit na tanong ko sa kanya.

"Napaka skwarter naman ng ugali ng isang Ceo na ito? Let's be formal Mr. Lucio Iglesias," nakataray na sambit niya sa akin.

"Putcha! Magiging formal pa ba ako nito kung ginaganito niyo ako? Without explanation aalis kayo?" galit na tanong ko sa kanya.

"Anytime pwede naming ipull-out ang investment namin sa kumpanya mo once na hindi namin nagustuhan ang trabaho niyo! And yes, Nakahanap na kami ng bagong company na mag tatrabaho para sa amin 'yung maayos at maganda kausap." sambit niya sa akin.

 Napaluhod ako sa harapan niya at ibinaba ang ego ko dahil kailangan ko sila sa kumpanya ko ngayon lalo na't bumabangon palang ako sa pagkakasadlak.

"Parang awa niyo na Bella bigyan mo pa kami ng kaunting pagkakataon para ipakita sayo ang meron ang kumpanya namin. Pakiusap!" pag mamakaawa ko sa kanya.

"I will give you a chance but this is your last chance so do it right or else you won't get any of our recommendations with our sister companies!" galit na sigaw niya sa akin.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko ng marinig ko ito. Ngumiti ako sa kanya at agad na nagpasalamat.

"I won't make you down Ms. Bella! We will sure you that we will give you the highest quality of the magazine!" masayang sambit ko sa kanya.

"Ok! We'll continue to discuss everything tomorrow and make sure you won't fail us." seryosong tugon niya sa akin.

Umalis na siya sa harap ko at umakyat na siya sa taas kaya agad akong umalis upang bumalik sa opisina ko.

Pagkaupo na pagkaupo ko sa sasakyan ko ay tinawagan ko agad si Emily upang tipunin muli ang mga trabahor namin sa kumpanya.

"Emily! Gather them at may sasabihin akong importanteng bagay," utos ko sa kanya.

"Ano 'yun?" tanong niya sa akin.

"Wag ng madaming tanong basta sundin mo ang inuutos ko! Within 30 minutes nandyan na ako. Ipahanda mo ako ng presentation sa ginawa niyong photoshoot ng Bella mamaya dahil madami akong tanong sa inyo!" galit na sambit ko sa kanya.

"Ok! Masusunod." tugon niya sa akin.

Pinatay ko na agad ang tawag ko sa kanya at madali akong nag maneho pabalik sa opisina upang idiscuss ang importanteng bagay sa kanila.

Nabawi ko ang Bella kaya ngayon kailangan naming makuha muli ang tiwala nila para manatili sila sa amin at hindi lumipat sa ibang kumpanya dahil ang Bella ang pinaka mainit na fashion company ngayon. Bella also known as fashion powerhouse.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora