Chapter 2

9 1 16
                                    

Mag iisang oras na akong parang tangang nag lalakad ng di alam kung saan patungo. Ang tanging dala lang ay ang sarili at ang dress na inutang ko. Ni cellphone at wallet hindi ko naalalang dalhin.

Nagugutom na din ako, palibhasa konti ang kinain ko ng lunch dahil sa pagmamadali para makapili ng dress. Hindi man lang ako nakapag merienda sa bahay pag uwi. At ngayon madilim na, hindi ko alam kung san ako mag didinner.

Parang gusto ko nang umuwi pero nahihiya ako kay ate dahil sa inasal ko kanina. At tsaka gusto kong maintindihan din naman nya ko at maisip nya ang point ko.

Hindi na din naman ito ang unang pagkakataon na napagtalunan namin ang tungkol dito. Pero ito ang unang pagkakataon na nag walk out, sumuway at hindi ako nakinig sa kanya.

Natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng bahay ni Jussel, ang manliligaw ko. Manliligaw ko ng mahigit tatlong buwan na. Balak ko na ngang sagutin eh, mabait kasi, gentleman at may sense of humor at palagi nyang sinasabi na ang ganda ko ano man ang suot ko. Pero syempre kailangan ko munang maipakilala kay ate.

Minsan na nya akong isinama dito sa kanila para ipakilala sa parents nya. Pagdating namin, wala ang mga ito. May lakad pala. Pero nahilo ang mommy nya habang nasa byahe kaya bumalik ng bahay. Kaya ayon naipakilala nya ko at hindi nasayang ang pagpunta ko dito.

Nakataas na ang kanang kamay ko sa ere pero hindi ko magawang pindutin ng tuluyan ang doorbell nila. Nahihiya kasi ako baka mamaya ang mama nya o papa nya pa ang makapag bukas sa akin. Baka sabihin ako pa talaga ang dumadayo sa lalaki, at tsaka gabi na din kasi.

Pero ok lang naman siguro? Manliligaw ko naman sya eh? Pero diba dapat ang lalaki yung aakyat ng ligaw sa babae? Dapat sya yung pupunta sa amin at hindi ako. Hay naku. Ano bang gagawin ko?

Mangutang na lang kaya ako sa kanya? Para may pangkain ako. Gutom na kasi talaga ko. Napabuntong hininga na lang ako sa problema ko.

Ang hirap kapag walang kaibigan noh? Tulad ko, wala akong mahingan ng tulong ngayon dahil wala akong kahit isang kaibigan.

Well, may isa naman sana akong bestfriend. Kung bestfriend mang masasabi. Mabait, maaasahan at palaban na tao. Si shane na high school bestfriend ko. Hanggang college magkasama kami dahil same school at same course ang kinuha namin. Solid talaga.

Kaso dahil sa isang lalaking pareho naming gusto, pero ako ang gusto, ayun nagkanda leche leche na ang aming pagkakaibigan. Simula nung manligaw sa akin si Jussel, hindi na din nya ko pinansin. Ilang beses ko syang inapproach pero wala deadma sya. Hinayaan ko na lang muna. Baka sakaling pag lipas ng araw o buwan, lumambot din ang puso at mamiss ako.

"Gielouanna?"

Halos atakihin ako sa puso sa gulat ng may biglang magsalita sa bandang itaas ng bahay nila. Ang mommy pala ni Jussel na nasa balkonahe ng kwarto nila ng asawa nya.

"Hi po tita, magandang gabi po."

"Sandali. Bababa ako." At tumalikod na sya. Siguro para mapuntahan na ako dito. Nasa second floor ang kwarto nila pero hindi naman kasi kalayuan ang gate sa mismong bahay kaya siguro nakilala nya agad ako nung nakita nyang may taong nakatayo dito.

"Gielouanna! Pasok ka muna. Bakit hindi ka tumatawag or nag do-door bell? Kung hindi pa ko lumabas para magpahangin hindi ko pa malalaman na andito ka pala." Dire diretsong sabi ni tita Josie habang binubuksan ang gate.

"N-naku tita, H-hindi na po ako papasok. Napadaan lang po talaga. May pinuntahan kasi ko dyan sa ahm malapit, naisipan ko lang na mag 'Hi' sana sa inyo. Kaso nung nandito na ko, bigla akong nahiya. Baka kasi nagpapahinga na kayo. Hehe." Pagsisinungaling ko pa. Huhu kaka guilty naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No More What IfsWhere stories live. Discover now