ThirtyNine..

2.8K 52 2
                                    

"momy.. kamusta ka na po ?" matagal-tagal din kaming di nagkita.. nahahalata ko na sa mukha nya ang katandaan.. 

ngumiti lang sya sakin saka hinawakan ang kamay ko..

" anak.. maayos naman nakakaraos naman kami.. kami ng mga kapatid mo.. "

tinignan ko kung saan sya nakatingin.. mukang masaya talaga sila kahit ganito lang sila.. binalik ko uli ang tingin ko kay momy.. parang gusto ko nalang syang titigan ng matagal na matagal para di ko agad makalimutan ang mukha nya..

" anak.. ikaw kamusta ka na ? nag-asawa ka na ba ? ilan na ang apo ko ? pag pasensyahan mo na kung di na kita nabalikan.. namatay kasi ang tito--- uh.. oo nga pala anak----"

"alam ko na po ma"

pinigil ko ang sasabihin nya.. napayuko nalang sya saka tumingala sa kalangitan..

" mapapatawad mo kaya kami anak.. sa nagawa namin ni benjie.. naging makasarili kami at nagsama kami, iniwan kita.. alam ko anak at tanggap ko rin na di mo ako mapapatawad.. masyado kong minahal ang tito benjie mo.. ang totoo nyan ay nauna kaming nagkarelasyon ng tito mo.. nagkaanak kami non.. kinuha sya ng mama ni benjie at inilayo sakin.. ayaw sakin ng pamilya nya kaya nagkahiwalay kami, lumipas ang panahon nagkaroon kami ng kanya-kanyang buhay---- hay anak.. napakahabang kwento na sa panaginip ko lang saiyo naikukwento.. 

malungkot ang mukha nya pero nakangiti sya.. hindi ko malaman ang nararamdaman nya.. siguro dahil yon sa hindi nya ako kasamang lumaki.. 

" momy.. nagkaroon din ako ng asawa.. masyado lang din sigurong naging mabilis ang mga pangyayari- kaya nagkahiwalay din kami."

hinawakan nya ang kamay ko.. saka tumigin sakin.

bakit anak ? iniwan ka ba nya para sa ibang babae ?"

napayuko lang ako.. saka tumango..

" nakakahiya man ho.. pero OO.. iniwan nya ako para sumama sa anak ni tito----tito benjie.si bea."

napatingin sya sa mata ko..

" sinira nya ang buhay ko ma'-- nawalan ako ng anak ng dahil sakanya.. naging pulubi--- muntik ng mamatay--- buti nalang may mga magagandang puso parin na tumulong sakin.. " nagsimula ng magunahan sa pag agos ang mga luha ko..

" ginagawa nyang kanya ang lahat ng bagay na dapat sakin dahil kinuha nyo daw ang mga bagay na dapat sa mama nya.. ginagawa nyang miserable ang buhay ko dahil galit sya sainyo.. pati na kay tito benjie.. ngayon ko lang naintindihan ang lahat ma.. "

umiiling si momy na parang di makapaniwala..

naitakip nya rin ang kamay nya sa bibig nya..

" anak.. hindi---hindi dapat kayo nag aaway.. minabuti naming wag sabihin sainyo ni bea ang totoo dahil alam kong---alam namin na maaaring pag awayin ninyo yon.."

nagtaka naman ako sa sinasabi ny momy..

" ano ho'ng hindi namin dapat malaman..?"

patuloy ang pagpahid nya sa luha na patuloy sa pag agos nya sa mukha..

" anak.. mag-kapatid kayo ni bea.. sya ang anak ko na kinuha sakin ng mama ni benjie.."

AN:/ opppps.. sory po sa sobrang late update.. 

hihi bibitinin po dahil malapit na po ang ENDING. hihi :) vote po ayo para sa next update..

On My Bestfriend's BedWhere stories live. Discover now