I remember the days we spent together
We're not enough

"Carl? A-anong ginagawa mo?" Nagtataka nga pala siya kung bakit ko siya niyakap. Di na ako sumagot. Ang yakap ko na lang ang magpaparamdam sa kanya ng kasagutan sa tanong niya.

And it used to feel like dreamin'
Except we always woke up

Ibinulong ko na sa kanyang tenga ang matagal ko nang gustong ipagsiwagan sa mundo. "I love you, Ron". Hindi siya nagsasalita. Siguro naiisip niyang nababaliw na ako. Yon naman ang totoo. Pagdating sa kanya, nababaliw ako.

"Veron!" Si Tita Lily yon. Tinatawag na siya. Lumayo na ako sa pagkakayakap kay Veron at sabay kaming napalingon. Kumaway si Veron sa mama niya at ngumiti kaya nagandahan na naman ako sa kanya.

Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up

Mami-miss kita, Ron. Sa oras na umuwi ka sa inyo, araw-araw kitang mami-miss at hahanap-hanapin.
Mami-miss ko lahat ng kakulitan naming dalawa, kung paano niya ako pinapatawa at pinapasaya. Pangako ko, sa oras na yumaman na ako, hahanapin ko siya at liligawan.

Sa likuran ni Veron, kita ng dalawang mata kong may dadaang lalaking nakasakay sa isang motor. Sa bilis ng pagpapaharurot nito ay mukhang mananagasa kaya ginilid ko agad si Veron. "Mag-iingat ka". Hinabol ko ng tingin ang lalaking naka-motor pero nakalayo na ito. "Loko mga 'yon a. Parang nananadya".

"Ano'ng oras na, bakit ginabi na kayo ng uwi?" Nakalapit na pala si Tita Lily sa amin. "Sige na, Carl. Uwi ka na sa inyo. Gabi na o", sabi niya pa sa'kin.

Ayoko pang iwan si Veron. "Sige na, Carl. Bukas na ulit", nakangiting paalam ni Veron kaya uuwi na ako gaya ng sabi niya.

Di pa sila nakakaalis pero may isa na namang motor ang dadaan. Gaya kanina, sobrang bilis din magpatakbo ng driver. Parang--

"Veron!" Hinila ko si Veron para maigilid siya pero nahuli ako.

"Bang!" isang putok ng bala ang umalingawngaw at nasundan pa ng isang putok.

"Veron! Anak!" sigaw ni Tita Lily para lapitan si Veron.

Yakap-yakap ko si Veron at di ako makapaniwalang gano'n lang 'yon kabilis. Dalawang putok pa ng bala ang narinig kong galing sa lalaking sakay ng motor. Nakaramdam ako ng hapdi sa likod ko pero ininda ko ito. Hanggang sa may isang lalaking sumulpot sa kung saan, hinabol niya rin ng putok ng baril ang dalawang lalaking naka-motor pero di ko na nakita kung naabutan niya ba o natamaan man lang. Walang sumbrero ang lalaking biglang sumulpot. Hindi ko maaninag kung siya ba ang lalaking nakamasid sa amin ni Veron lagi.

Sunud-sunod na putukan ng baril ang naririnig ko pero di ko pa rin binibitawan ang katawan ni Veron.
Para ring tinutusok ang katawan ko sa bawat putok ng baril pero wala lang 'yon sa akin. Niyakap ko si Veron para protektahan s'ya kahit pa, natamaan din siya.

"Anak!" Humahagulhol na si Tita Lily kaya binitawan ko na siya. Napaupo ako sa kalsada at tiningnan ang kamay ko. Dugo! Puro dugo ang kamay ko. Naluluha kong tiningnan si Veron na yakap-yakap ni Tita Lily. Kahit pawalan na ng malay si Veron, pilit niya pa ring inaabot sa'kin ang kanang kamay niya na para bang gusto akong hawakan.

Nagsimula nang magsulputan ang mga tao. Pinagtitinginan na kami. Humahapdi na rin ang likod ko at nang hawakan ko ang bandang tagiliran ko, may dugong tumutulo rin. Tinaas ko ang damit ko para tingnan. Puro dugo rin ang damit ko.

Pati sa likod kung saan ramdam kong humahapdi, hinawakan ko para kapain. Dumudugo rin ito. Nanghihina na ang katawan ko pero nagawa ko pang abutin ang kamay ni Veron na duguan din. Hagulhol at mga hikbi ni Tita Lily ang naririnig ko. Pati ang usyoso ng mga tao at bulung-bulungan, naririnig ko.

And every night I miss you,
I can just look up

Nahawakan ko ang kamay ni Veron. Malamig ito pero pilit ko siyang nginitian kahit pa nakapikit na s'ya.

Pakiusap, lumaban ka, mahal ko. Manatili kang buhay para sa'kin.

"Veron! Tulong! Tumawag kayo ng ambulansiya! Parang awa ninyo na!"

"Carl!" tawag pa ni Tita Lily sa pangalan ko pero unti-unti na akong nauubusan ng lakas, ng lakas na tumayo at lumaban.

"Carl, lumaban kayo ng anak ko!"

Napaluhod ako sa kalsada at taimtim na nagdasal. Kung ito na ang pahingang gusto ko, salamat Diyos pero pakiusap, buhayin ninyo ang babaing mahal ko.

And know that stars are holding you,
Holding you tonight✨🎶

Napahiga na ako sa kalsada. Pagod na ako. Pagod na ang katawan ko pero rinig pa rin ng tenga ko ang sigawan sa bahay namin. Para bang inuulit sa alaala ko ang mga nangyari.

"Napaka-batugan mong bata ka!"

"Talagang sasagot-sagot ka pa, ha?"

"Ayoko na sa inyo ma! Kung nandito lang si papa, di niya ako hahayaang mabugbog lang ng mas batugan pa sa'kin, yang asawa mo!"

Pumipikit-pikit na ang mga mata ko at pagdilat ko, nakita ko ang isang ngiting matagal ko nang hindi nakikita, ang ngiti ni papa. Nakalahad sa'kin ang kamay niya.

Napangiti ako saka muli kong tiningnan si Veron.

"Mahal kita, Veron".

Anak ng Puta Where stories live. Discover now