Sampu

30 1 0
                                    


Tahimik silang lahat na magkakaharap at sa kanilang gilid ay ang mesa ng Guidance Counselor na si Ms. Cy. Si Ms. Cy ay nakasuot ng itim na salamin na maya't mayang bumababa dahil walang makapitan sa ilong, nakapusod ang itim na itim nitong buhok at naghihintay rin kung may magsasalita ba pero walang nagsasalita. Pinapakiramdaman lang nilang lahat ang sunod na mangyayari. Maririnig sa loob ang tunog ng aircon na tanging nagpapalamig  sa nararamdamang init ng ulo ni Veron at ni Ms. Cy.

Tahimik lang din si Veron na nakayuko, tinitingnan ang sahig at nag-iisip kung ano'ng parusang ibibigay sa kanya, sa kanila.

"Sabihin ninyo", panimula ni Ms. Cy. Sa pinanggalingang eskuwelahan nito, kilala siya bilang walang pinapalampas na kaso o gulo ng mga estudyante. Sinadya man o hindi, kung sinu-sino ang nandoon sa gulong 'yon, may parusa silang lahat. 39 anyos na ito pero kung pakikinggan ang pangalan niya, mukha pa siyang bata. Isa pa, nag-resign na kasi ang dating guidance counselor nila at ang pumalit ay si Ms. Cy.

"Nasaan ang mga magulang ninyo?" Isa-isa silang tiningnan nito. Si Carl na katabi ni Veron ay napapatingin din kina Drew. Nagkaroon ng pasa sa labi si Drew kaya may band aid ito. Di naman ganoon kahalatang napag-initan ang mukha niya. Napalakas kasi yata ang mga ginawa ni Veron sa kanya kahapon.

"Wala po", magalang na sagot ni Adril.

"Ano'ng wala?" galit na tanong nito. Hinampas nito nang malakas sa mesa ang hawak na record book kung saan nakalista ang mga pangalan nilang lima : Carl, Veron, Drew, Shaun, Adril at ang ginawa nilang gulo, pati na rin ang date at uri ng parusang ipapagawa sa kanila.

Mahinang ibinulong ni Shaun kay Drew na ", Bakit siya na nandito? Nasaan na si Mr. Paul?" Ang tinutukoy niya ay si Ms. Cy. Si Mr. Paul ang dating guidance counselor ng kanilang school na nag-resign na.

"Hindi ko rin alam. Wag mo nga ako kausapin. Masakit panga ko", reklamo ni Drew sa kanya kaya tatahimik na siya pero narinig pala ni Ms. Cy ang pagbubulungan ng dalawa.

"Hindi kayo tatahimik?" patanong na sigaw ng babae.

Nanahimik na lang ang dalawa dahil sa lakas ng sigaw ng babaing 'to. Nakakatakot kalabanin. Parang isang leong bigla na lang aatake.

"Inuulit ko ang tanong ko, sabi ko kahapon sa inyo, dalhin ninyo mga magulang ninyo rito. Nasaan na?"

"Nasa trabaho po si mama", walang buhay na sagot ni Veron.

"Wala pong tao sa bahay", pagdadahilan lang din ni Carl. Ayaw lang niya guluhin ang kanyang ina sa bahay. Ang kanyang amain, ni minsan ay di naman pumunta sa eskuwelahan niya.

"May business po na inaasikaso parents ko", paliwanag din ni Drew.

"Gano'n din po mga magulang ko. May business din", sagot naman ni Shaun. Ginaya na lang din siya ni Shaun.

Ang natira na lang ay si Adril. Tiningnan siya ni Ms. Cy habang hinihintay ang sagot niya. Matatalim ang mga titig niya sa kanya kaya naman nakigaya na lang din siya.

"May business din po", kinakabahan niyang nasabi.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo. Nasaan mga magulang mo?" tanong nito kay Adril.

"Ah", napakamot na lang siya sa batok habang nag-iisip, "Hindi ko po nadala", lang ang nabigkas niya.

Bumuga ng hangin si Ms. Cy sa pagiging pilosopo ng binata. Napailing-iling naman sina Drew at Shaun sa kanilang kaibigan na may pagka-aning-aning.

"Alam ninyo ba kung ano ang ginawa ninyo?"

Hindi sila lahat sumasagot sa tanong nito. Alam naman nila, bakit kailangan pa sabihin.

Anak ng Puta Where stories live. Discover now