Maraming nagreact at nag share, pati na din comments. Binasa ko ang ilan sa mga comments.

Desiree Ramos
Halaaaa! Omooooo, congrats huhu!!😭♥️

Jovi Marie Gonzales
Omg!! Congrats po!!😭❤️❤️

Sheena Dela Cruz Repato
Hoooyyyyyy! Congrats!❤️❤️

Hazel Anne Malapo
Yeyyyy! Congrats!!❤️

Ellaine Pulanco Baroman
Omg! Congrats to the both of you!!!😍❤️

Chelsie Tadeo
Yeyyyy! Congrats!❤️❤️

Hannie Mae Abucay
Huhu! Congrats po!!😭😭♥️

Agatha Bianca Zuen
OMG! Congrattsssss!!!❤️

Julianne
Congrats po!!!♥️

Troy Salazar
Inggit ako.😼

Caelus Salazar
Inggit ako. (2)

Zymon Salazar
Troy Caelus kawawa HAHAHAHAHAHAHA.

Troy Salazar
Zymon tangina mo. Sasabihan ko si Naih na bawiin ‘yung yes niya.😾😾

Maraming nagreply sa comment na iyon ni Troy. Umiling ako at tinago na ang cellphone ko.

Napatingin na ako sa labas dahil huminto na ang sasakyan. Nasa bakery na pala kami. Inalalayan ako ni Zymon na bumaba at sumalubong sa amin sila Elle na todo ang ngiti. Pumasok na kaming lahat sa loob.

“Congrats ma’am!” ani Elle at niyakap ako.

“Thank you,” sabi ko at ngumiti sa kaniya at kumalas sa pagkakayakap. May mga pagkain na sa mesa namin at kumislap ang mata ko nang makita ang red velvet cake.

“Gago, hinay-hinay naman.” Natatawang sabi ni Chelsie sa akin. Malapit na kasing maubos ang red velvet na cake dahil sa akin. Umiling lang si Zymon at tumingin sa akin.

“Hayaan mo na, ganiyan din naman ako nung pinagbubuntis ko ang kambal. Kaya lang fries naman ‘yung akin,” sabi ni Sandra habang nakangiti.

Hindi ko na sila pinansin at nagpokus sa pagkain ko. Hindi ko alam pero sobrang nagutom ako, kumain naman kami kanina ni Zymon bago pumunta sa OB pero gutom pa din talaga ako. Nakita ko lang ang red velvet cake ay nagutom na agad ako.

Tumingin ako kay Zymon na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin. Ngumiti siya sa akin.

“I love you,” he mouthed.

Nagising ako nang makaramdam ng gutom. Tiningnan ko ang wall clock namin at nakitang alas dos pa ng umaga. Binaling ko ang tingin sa katabi kong mahimbing ang tulog. Wala siyang suot na pang-itaas dahil sanay siyang gano’n matulog.

“Love,” tawag ko at tinapik ng mahina ang kaniyang balikat. Nagugutom talaga ako eh.

“Hmmm,” aniya. Tinapik ko muli ang kaniyang balikat kaya nagmulat siya ng mata at agad na nagtanong.

“Bakit? May masakit ba?” Tarantang tanong niya. Tumawa ako at umiling sa kaniya.

“Nagugutom ako,” sabi ko. Napaupo siya at inalalayan din akong umupo.

“What do you want?” medyo paos na tanong niya.

“Grapes,” sabi ko. Gusto ko talagang kumain ng ubas ngayon.

“Okay, hintayin mo ako.” Hinalikan niya muna ang pisngi ko bago tumayo at lumabas sa kwarto.

Dahan-dahan akong tumayo para sundan si Zymon. Nagugutom na talaga ako at gusto ko ng kumain ng ubas. Nakita kong naghahanap pa siya ng ubas sa ref. Parang wala naman ata kaming ubas na nabili eh.

“Wala tayong ubas, love,” ani Zymon at tumingin sa akin. Humaba ang nguso ko sa narinig. Hindi ko alam pero humapdi ang mata ko. Gusto ko ng ubas!

“What the fuck?” Gulat na sabi ni Zymon at dali-daling lumapit sa akin.

“Gusto ko ng ubas.” Umiiyak na sabi ko sa lalaki. Tumango-tango siya at inalo ako.

“Okay, okay,” aniya at inalalayan muna akong makaupo sa sofa. Kinuha niya ang cellphone niya at may tumawagan.

Hindi ko na lag iyon pinansin. Nagugutom talaga ako, feeling ko kaya kong ubosin lahat ng ubas na makita ko ngayon.

“Saan tayo?” Takang tanong ko kay Zymon dahil kinuha niya ang susi ng kaniyang sasakyan.

“Kay Chelsie, may ubas daw siya do’n,” ani Zymon. Napangiti ako sa narinig at dali-daling tumayo. Agad namang lumapit sa akin si Zymon para alalayan ako. Pinagsuot niya ako ng jacket at tinabonan niya din ang ulo ko nang makalabas kami sa bahay.

Pinagbuksan ko lang kay Zymon ang bintana ng kotse para matingnan ko ang labas. May ilan pa kaming mga motor at sasakyan na nakakasalubong. Siguro ay galing iyon sa bar o baka papunta pa lang sa mga bar.

Namiss ko tuloy magbar, kaya lang ay hindi muna ako pwede dahil kapag papasok ako doon ay nasusuka na ako. Makaamoy nga lang ng beer ay nasusuka na ako. Kaya hindi na din muna umiinom si Zymon dahil sa akin at lagi pang nakabantay sa akin dahil baka kung mapaano daw ako.

Huminto ang sasakyan sa malaking bahay. Inalalayan ako ni Zymon na makababa at sumalubong naman sa amin si Chelsie na nakangiti ngayon. Mukhang exited na makita kami.

“Hi girl!” aniya at niyakap ako. Niyakap ko din siya at pumasok na kami sa loob.

Naupo na kami sa sofa at pumunta na muna si Chelsie sa kusina para kumuha ng ubas. Naupo sa tabi ko si Zymon habang hinihintay namin si Chelsie.

“Here oh. Naku mabuti na lang at marami akong nabili kaninang ubas at tumawag si Zymon tapos nalaman kong nagc-crave ka niyan,” ani Chelsie at naupo na din.

Agad kong kinuha ang ubas na nasa plato at kinain na iyon. Nakatingin lang sa akin si Zymon habang kumakain ako.

“Ang cute mo girl HAHAHAHA,” ani Chelsie at tumawa. Hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa pagkain. Naibsan ang gutom ko at gusto ko na lang na matulog ngayon.

Kumuha ng tubig si Zymon at pinainom ako. Hinilig ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at hinawakan ang tiyan ko. Ini-imagine na nandito sila mommy. Kung nandito sila at nakikita na ganito kami ni Zymon ay sigurado akong sobrang saya nila para sa amin. Lalo na si mommy.

Kung nasaan man sila ay alam kong masaya sila para sa amin. Hindi naman nila kami pababayaan ay sigurado akong nakabantay pa din sila at nakamasid sa amin. Pinalis ko ang luha ko na dumaloy sa aking pisngi.

Sinilip ni Zymon ang mukha ko at nagulat nang makitang umiiyak ako. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.

“I love you,” sabi ko. Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

“I love you more, my love,” he whispered.

Masaya akong nagkabalikan kami, masaya ako na nagkaayos kaming dalawa at ito na nga malapit na kaming ikasal at magkakababy na din kami.

Kahit anong mangyari, hindi na kami masisira. I will fight for our love, we will fight for our love.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now