Tumango siya na may halong ngiti sa narinig, "Kaya po 'yan 'Tay... Basta magising lang po si Nanay. Kakayanin natin." matapos sabay silang nagbalik tingin sa kaniyang ina. 

Kalahating oras ang nakalipas nagpasya siyang pauwiin muna ng bahay ang kaniyang ama para makapag pahinga na rin ito.

Agaran kaseng pumasok sa isipan niya ang nabanggit ni Linda pero nagbilin siya kay Linda na huwag iyon ipaalam sa kaniyang ama. Siya na lamang magbabantay sa kaniyang ina ngayung gabi. Bago ito tumalikod, inabot niya ang pera rito at kinuha naman nito.

Nakaupo siya sa gilid at nakatanglaw ng lisanin nang kaniyang ama ang hospital.

Lumipas ang ilang oras... Halos hating gabi na pero hindi pa rin siya makatulog. Samu't saring isipin ang nasa utak niya.

Saan kaya siya kukuha ng pandagdag sa perang hawak? Alam pa naman ng kaniyang ama bagong sahod siya. 

Bumuga na naman siya ng mabigat na paghinga. Daig pa niyang pasan ang langit, matapos paulit - ulit sa pag buga ng hininga. Kahit baliktarin niya ang araw at gabi wala siyang alam na pagkukunan ng pera, bukod na lang siguro sa kaniyang Untie Lita. Pero nakakahiya kung pati pera ay hihiramin niya rito, bukod sa ito na ang nag alaga sa kaniyang mga kapatid at nagpapakain may mga utang na rin siyang nakuha dito at hindi pa bayad. Idadag pa ang binanggit ni Linda sa kaniya.

Kusang napapisil siya sa palad ng inang nakapikit, "Nay, tulungan ninyo po ko. Sana makaya ko pa… Sana magising na po kayo... Sana marinig ako ng itaas at tulungan po niya tayo… " matapos sabihin iyon mabilis na nanubig ang dalawang mata niya at saka agaran bumagsak sa pisngi. Yun lang naman ang kaya niya, ang umiyak pag mabigat na ang pakiramdam.

"Ang daya po 'Nay... Nagsusumikap naman po ako sa buhay... Bakit hindi 'man lang umaangat ang buhay natin,  katulad ng iba? Wala naman po tayong tinapakan na tao o inirabyado... Bakit halos gumapang tayo sa hirap? Kasali ba ito sa buhay ng tao ang nagkukumahog sa hirap?" pumipiyok na katanungan niya sa ina. "Nay... Gising na po... Tulungan mo po ako." Hindi na niya nakayanan ang sakit, at ginawang dumukmo na lamang siya sa kamay nang Nanay niya. 

"Nay... Gising na po…" ulit na sabi niya. 

Sa pagdukmo niya, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa ganoong posisyon. Sa pagod at matinding pag iisip gawa na rin halos hating gabi na siya nakatulog kung kaya't langitngit lang ng pintuan ang nagpagising sa kaniya ng umaga. 

Bukas saradong iminulat niya ang kaniyang mata, pilit iminumulat dahil ramdam pa niya ang antok. 

"Pagkain po ng pasyente." masayang ulas ng bagong pasok na taga deliver ng pagkain sa hospital. 

Pilit na ngiti ang pinakawalan niya rito ng ilapag nito ang pagkain sa table, "Salamat..." maikling wika niya. 

Tumango ito at saka tumalikod na sa kaniya. 

Sinipat niya ang relong munurahin sa kaniyang kabilang pulsuhan. Mag aalas otso na pala ng unaga ng 'di niya namamalayan. 

Agaran pumasok sa isipan niya si Gernie, ngayon araw ang usapan nila.

Pasalamat na lang siya at dumating ito kahapon dala ang sinabi nitong a aplyan nila, tiyak naman siyang okay iyon at magugustuhan niya. Lalo malaking ang sahod.

Eksakto paglabas ng ngadala ng pagkain, papasok ang kaniyang ama. Sinalubong niya ito. 

"Magandang umaga po 'Tay." Bati niya rito ng makapasok na ito sa loob ng kuwarto. 

Gumanti din ito ng bati ngunit ang mukha ay may lungkot na nakabakas doon na hindi maikubli. 

"Kamusta po ang mga kapatid ko po 'Tay?" hindi na niya hinintay na banggitin nito ang mga kapatid niya, inunahan na niya ito. 

Umupo muna ito sa gilid ng kaniyang ina bago sumagot, "Okay naman... Nakiusap ako sa untie Lita mo na pasamantala munang pakibantayan ang mga kapatid mo."

Lumuwag ang paghinga ng marinig ang inulas nito, muli bumuka ulit ang labi nito. 

"Layla, anak... Hindi ko na bili ang mga ibang gamot na kailangan ng Nanay mo." matamlay na wika nito. Hindi na s'ya nagulat sa sinabi ng kaniyang ama, expected na niyang kulang iyon.

Muli, tatapangan na lang ulit niya ang hiya kay Gernie. Oras na magkita sila nito mamaya, natitiyak naman niyang pauutangin ulit siya nito. 

"Tay... Huwag po kayong malungkot, hahanap po ako ng ibang kadaragdagan para mabili natin ang ibang gamot. Pangako po, mamaya po iaabot ko sa n'yo." sabay haplos niya sa likod nito. Iniangat naman ang ulo nito para lingunin siya. 

"Salamat Layla." malamlam na sabi nito habang malalim na nakatunghay ng tingin sa kaniyang ina.

"Tay... Aalis na po ako, baka po malate ako sa trabaho, doon na rin po ako maliligo." muling pagsisinungaling niya. 

Nilingon siya nito at tumango. "May tinapay pa po d'yan 'Tay, kainin na ho ninyo, kayo na rin po ang kumain ng pagkain bigay po ng hospital. S'ya po 'Tay, mauna na po ako. Kung ano po ang balita, tawagan po ninyo ako. Maaga din po akong babalik ngayong hapon." matapos inabot niya ang bagpack na nakalapag sa lamesa na laging dala ta mabilis na lumabas ng kuwarto.

Eksakto paglabas ng hospital dumeretsyo sya sa restoran na malapit sa pinagtagpuan nila kahapon, eksakto naandoon na si Gernie. Nakaupo ito at naghihintay sa kaniya ng mamataan niya. 

"Good morning! Kanina ka pa?" Gulat na tanong niya sa likuran nito. Mukhang hindi siya nito namalayan sa paglapit niya dahilan ang atensyon nito ay akupado ng tawagan ang dalawang mata. 

"Kararating lang din." mabilis na sagot nito ng lingunin siya nito. 

Umupo muna siya sa bakanteng upuan sa harapan nito bago magsalita. 

"Hindi pa 'ko naliligo. Baka nakakalimutan mo 'xung pangako mo kahapon." nakangisi niyang paalala sa kaibigan. 

Umismid ito habang nakatingin sa kaniya, mamaya't ngumiti din matapos nagbaba ng paningin at inalis ang pagkakahawak sa cellphone nito. Dumukot ito sa bag na alam naman niya kung ano. 

"Ito isuot mo!" Abot nito sa nakasupot, hindi mapigilang mapangiti siya, "Hindi ko na kasya 'yan at saiyo na lang. Pants 'yan at dalawang T-shirt, don't worry nag prepare na rin ako ng dalawang panty at isang bra. Binili ko 'yan nuong isang araw sa bangketa hindi ko naman kasya." Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya sa narinig, saka mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at mabilis na dinaluhan sa upuan nito at niyakap ito ng mahigpit. 

"Salamat talaga Gernie. Blessed talaga ako na isa ka sa naging kaibigan ko." yakap pa rin niya ito ng sabihin niya iyon. 

"Sige na... Sige na... Ang drama, para naman isang beses lang ito nangyare." at ng marinig niya iyon sabay kamot niya sa ulo. 

Hindi lang kase isang beses nito ginawa iyon, pag may ayaw na ito sa mga gamit sa kaniya talaga ang bagsak. Dati ay magkasing katawan lang sila nito ngunit itsurang nanaba ito ng kaunti.

"Nagkabalikan na kami ni David." masaya at kinikilig na wika nito na s'yang nagpaalis ng magandang ngiti niya. 

Jowa nito ang mokong na kababata namin nasi David. Bakit sa dinami - dami ng mga lalakeng manliligaw nito, bakit hindi nito makalimutan ang lalakeng iyon? G'wapo ito, ngunit sobrang manloloko! Ilan beses na ba niyang nakitang umiyak ang kaibigan? Hindi lang isa, dalawa at tatlo! Kundi maraming beses! Bukod sa manloloko ito sobrang hambog pa nito na akala mo naman siya na lang ang nag iisang lalake sa mundo! 

Hay! Paano ba niya pagsasabihan ang kaibigan? Tiyak iikot na naman ang dalawang mata nito pag pinagsabihan na naman niya. 

"Siya ang maghahatid sa 'tin. Okay lang ba?" 

Kusang umirap ang dalawang mata niya, "Ano pa nga ba? Wala naman ako pamasahe, eh!" dabog na sagot niya rito. 

To be continued.. 


My Boss' PUNISHMENT (Playboy Of The Year Series #4)Where stories live. Discover now