“Patawad sa lahat, alam kong galit ka sa akin. Hindi ko man napapakita o naipaparamdam sa ‘yo pero sobrang proud ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni dad.

Ang saya-saya ko! Ang sarap sa pakiramdam na marinig iyon sa ama mo na proud siya sa ‘yo. Ang sarap-sarap, akala ko ay hindi ko na iyon maririnig sa kaniya. Akala ko ay habang buhay akong magagalit sa kaniya.

“Sorry kung lagi akong galit sa ‘yo at ikaw ang napagbubuntongan ko ng galit, sorry anak. Hindi ko man lang naisip na nasasaktan ka, na nasasaktan ang anak ko,” mahinang sabi ni daddy.

“Siguro kung napapanood mo ‘to, wala na ako dito sa mundo.” Ngumiti si dad pagkatapos ay yumuko. Ilang saglit siyang hindi nagsalita pagkatapos ay tumingin ulit sa camera.

Humahagulgol na ako, hindi ko na kaya. Masyado ng masakit ang video, hindi ko akalain na gumawa pa si dad ng ganito kahit na nahihirapan na siya. Hindi ko man lang nayakap si dad sa huli niyang sandali, hindi ko man lang nasabi na okay na ako. Na hindi na ako galit sa kaniya at napatawad ko na siya.

“Mahal na mahal ko kayo, sorry at tinago ko ang lahat ng ito sa ‘yo. Sana ay mawala na ang galit diyan sa puso mo, anak ko. Mahal na mahal k ng daddy mo, tandaan mo ‘yan. Hindi man ako naging mabuting ama sa ‘yo at hindi na ako makakabawi dahil nanghihina na din ako, pero lagi mong tatandaan na. Proud na proud ako sa ‘yo Naih,” nakangiti pa ding sabi ni daddy.

“Okay na nak, siguradohin mong mapapanood niya ‘to ah. Lagot ka sa akin kapag hindi ‘to napanood ng anak ko,” banta ni dad kay Zymon. Akala niya siguro ay pinatay na ni Zymon ang camera.

Nakita ko ang paglapit ni Zymon kay dad.

“Grabe ka naman pa, wag kang mag-alala. Ako pong bahala, mapapanood ‘to ng asawa ko.” Natawa si daddy sa sinabi ni Zymon.

“Anong asawa? Hindi mo pa nga pinapakasalan si Naih. Asawa agad? Pakasalan mo muna anak ko,” ani daddy. Si Zymon naman ang natawa sa sinabi ni dad.

“After 5 years siguro pa, galit pa po ang anak niyo sa akin,” sambit ni Zymon.

“Ang tagal, wala na ako niyan. ‘Di ko na makikita mga apo ko,” biro ni daddy. Pagkatapos ay namatay na ang camera.

Tinabonan ko ang bibig ko dahil sa pag-iyak. Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak, inaalala ang bawat mga salitang sinabi ni dad sa akin. Hindi ko alam na may sakit siya, parehas nung kay mommy.

Ang marinig kay dad na mahal niya ako, na proud siya sa akin at tawagin akong anak ay ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Hindi ko man iyon narinig ng personal, ramdam ko naman na totoo iyon.

Niyakap ako ni Zymon dahil patuloy pa din ang pag-iyak ko. Pakiramdam ko ay wala iyong katapusan. Sobrang sakit pa din sa akin na malamang wala na si dad.

“Pa, nandito na po ang anak niyo,” sabi ni Zymon sa puntod ni daddy. Hiniling ko kay Zymon na samahan ako kung saan nakalibing si dad kaya nandito kami ngayon.

Nilapag ko ang bulaklak sa kaniyang lapida at naupo. Gano’n din ang ginawa ni Zymon.

“Dad…I miss you, iniwan niyo na ako ni mommy. Magkasama na kayong dalawa, hindi man lang tayo nagkausap ng maayos. A-Ang sakit-sakit l-lang na h-hindi tayo nagkausap ng maayos, miss na miss ko na kayo ni m-mommy.” Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa aking mata. Hindi talaga ako nauubosan ng luha.

“Pero w-wag po k-kayong mag-alala, maayos na po a-ako. Nandito naman p-po si Zymon p-para samahan ako,” naramdaman ko ang kamay ni Zymon sa bewang ko.

“Pa, tinupad ko na po ang hiling niyo. Wag po kayong mag-alala, ako pong bahala sa anak niyo. Hinding-hindi ko po siya pababayaan, mahal na mahal ko ‘to eh.” Napangiti ako sa sinabi ni Zymon. Bago umalis ay nagsindi kami ng kandila para kay dad.

Sumakay na kami sa kaniyang sasakyan at pina-andar na niya ‘to. Last week na nga pala ng July ngayon at malapit ng magbirthday ang mokong na ‘to. Nag-iisip pa ako ng ireregalo sa kaniya.

Binuksan ko ang bintana ng kotse niya, para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi ko pa nakakausap ng maayos si Mitsuki pero okay na ako sa kaniya. Kapatid ko siya at sinabi naman na sa akin ni Zymon na mabait si Mitsuki ako lang talaga ang nag-iisip ng masama sa kaniya.

Papunta nga kami ngayon sa birthday ni Ashianna. 4th birthday niya ngayon at mabuti na lang nakabili na kami ng regalo ni Zymon sa kaniya. Huminto ang sasakyan ni Zymon sa bahay ni Lester. Simula nang malaman ni Lester na may anak sila ni Mitsuki ay dito na niya pinatira ang mag-ina niya. Tuwang-tuwa naman si Ashianna dahil kompleto na sila.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Zymon, ngumiti ako sa kaniya at bumaba naman ang kaniyang kamay sa bewang ko. Nang makapasok ay nakita na agad namin sila Jaica. Nagkukwentohan sila ngayon.

“Ayan na sila,” ani Troy na unang nakapansin sa amin ni Zymon.

May mga imbitadong mga bata na kaibigan ni Ashianna at nagpalaro pa sila. Nakaupo lang kami habang tumitingin-tingin sa mga batang nasisiyahan sa mga palaro.

“Pakarga kay Macklaine,” sabi ko kay Sandra. Dahan-dahan kong kinuha si Macklaine sa kaniya. Ang ganda-ganda talaga ng inaanak ko. Hindi naman umiyak si Macklaine habang karga ko. Ngumiti pa nga ito sa akin, tuwang-tuwa tuloy ako.

“Mukhang gusto na ni Naih’ng magkababy ah,” asar ni Jaica.

“Oo nga Zymon, tingnan mo,” dagdag pa ni Troy. Ang mga ‘to, nang-aasar pa talaga. Sinamaan ko lang sila ng tingin at binaling muli ang tingin kay baby Macklaine na mahimbing na natutulog.

“Mamaya, subokan namin,” nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Zymon. Gago ‘to. Nilingon ko siya at ngumisi lang naman siya sa akin, naghiyawan naman ang mga kasama namin sa mesa.

Nagtagal pa kami kila Lester dahil nag-usap kami ni Mitsuki. Naging maayos naman ang pag-uusap namin. Hinayaan kami ni Lester at Zymon na mag-usap na dalawa. Mabait nga talaga si Mitsuki, akala ko talaga ay may gusto siya kay Zymon dati pero si Lester naman pala talaga ang gusto niya.

“Bibigay ko sana sa ‘yo ‘to nung nagkita tayo sa bakery mo kaya lang, nawalan ako ng lakas ng loob.” Napatingin ako kay Zymon nang sabihin niya iyon. Nauna kaming lumabas at tanging buwan ang nagbibigay ng liwanag sa amin ngayon.

Pinakita niya sa akin ang hugis pusong kwintas. May nakaukit pa doong lyrics ng kanta na ‘Ikaw lang ang s’yang inibig, Ikaw lang ang iibigin.’

Ikinabit niya iyon sa akin, pagkatapos ay humarap ako sa kaniya.

“Thank you,” I mouthed. He smiled at me, he held my chin ang gave me a long and passionate kiss.

“Hanggang ngayon ikaw pa din, ikaw lang naman talaga,” he said between the kiss.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Where stories live. Discover now