"President nga pala siya noh?" bulong ni Tris sakin at tumango na lamang ako.

Lumitaw na si James. Suot suot parin 'yung bra ko sa ulo niya at 'yung kapa niyang kurtina. Hindi siya nagkalagpas kay Asher dahil agad siyang hinatak nito. Nakakunot noong tinignan ni Asher 'yung bra sa ulo ng kaibigan niya bago niya 'to kinuha at tinignan ng mas malapitan. Tapos nilingon niya si James at hinampas 'yung dala dala niyang mga papel sa ulo nito.

"Aray naman!" reklamo nung loko.

Itinulak lamang siya ni Asher sa direksyon ng classroom nila, "Pasok. Bago kita ihulog sa hagdan."

"Sungit mo naman, friend."

Matalim na tinignan ni Asher si James, "PASOK."

"Yes, ma'am. Understood, ma'am!" mabilis siyang umiwas nung umamba nanaman si Asher para hampasin siya. Tapos ginawa niya 'yung pose ni Superman bago tumakbo palayo.

Sa paligid ko, tawa ng tawa ang mga kaibigan ko sa napanood. Pero ako, nanatiling nakatitig lamang kay Asher. Pakonti konti bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumingin si Asher sa classroom namin dahil nakatayo parin siya sa tapat nito. Agad agad na nagsi-iwas ng tingin ang mga kaklase ko at bumuntong hininga na lamang si Asher bago kunin 'yung cellphone niya at maglakad paalis. Naramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko sa bulsa kaya naman kinuha ko 'to para basahin 'yung bagong text na natanggap ko.

ASHER: I'm sorry

Tumalbog ang puso ko at hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Lahat ng galit ko ay agad na nawala dahil lang sa isang sorry niya. Pero hindi niya kailangang malaman 'yon.

ADRIANNA: neknek mo

ASHER: Hindi ko talaga alam

ADRIANNA: ok

ASHER: Wag ka na magalit pls

ADRIANNA: ok

ASHER: Galit ka pa?

ADRIANNA: oo

ASHER: Talaga?

ADRIANNA: oo nga!

ASHER: Eh bakit pala nakangiti ka? :D

Gulat na napatingin ulit ako sa bintana. At doon, nakita ko si Asher na naka silip sa may malapit sa pintuan. Napa awang ang bibig ko at naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Shit! Nakita niyang kinikilig ako!

ADRIANNA: Pakyu!

ASHER: Love you too :")

• • • • • • • • • •

"Beatrice! Dakdak ng dakdak!" sigaw ni Ma'am Adamos. "Pa-plasteran ko na 'yang bunganga mo!"

"May tinatanong lang naman Ma'am!" sagot naman ni Tris bago ngumuso. "Wala na bang freedom? Tao din naman Ma'am. Tao. THIS IS A DEMOCRATICー"

"Beatrice"

"Po?"

"Manahimik ka."

"Opo ma'am."

Tinakpan ko 'yung bibig ko para pigilan ang pagtawa. Nakita kong ganun din ang ginawa ng katabi ko. "Kulit noh?" sabi ko sakanya at naka ngiti siyang tumango tango. "Tignan mo, maya maya dadaldal ulit 'yan."

"Ganyan ba talaga siya ka..." halatang nag iisip siya ng tamang sasabihin kaya naman ako na ang sumagot para sakanya.

"Hyper? Baliw? Kalog?" sabi ko sakanya ng may ngiti sa labi. "Yes. Mula nung nag-transfer siya nung Grade Four kami, pangalan na niya ang bukambibig ng mga teacher."

"Matagal na talaga kayong magkakakilala noh?" tanong niya at tumango ako. "I wish I had friends like that."

"Meron naman ah?" sabi ko sakanya. "Hindi mo ba kami kino-consider na kaibigan?"

Nanlaki ang mata niya sa tanong ko at nakita ko ang pisngi niyang pakonti-konting nag pink. "No, uh.." tumaas ang kilay ko. "I didn't mean it like that. I do. A-Ano lang.. I mean. Friends na.. mula pagka kid?"

"Ah.."

"Aside from my cousins..." nagkibit balikat siya. "Wala na."

Tumaas ang kilay ko, "Kaya ba sobrang mahiyain mo at anti-social?"

"Anti-social? Ako?"

Nilakihan ko ang mga mata ko, "Sobra. Gosh, para kang tuod minsan."

"Tuod?" nangunot ang noo niya.

"Ah ano ba 'to sa english..." pumikit ako at nag isip. "Tuod.. uh.. Stump! Ayun!"

"Para akong... stump?"

"Wag na nga," pag-suko ko. "Mahirap i-explain ang mga tagalog idioms. Nabobobo akー"

"Adrian, Jared, kanina ko pa kayo tinititignan hindi parin talaga kayo titigil?"

Napatalon ako sa gulat nang mapansin ko si Ma'am Adamos na nakatayo na sa tabi ni Jared at nakapameywang.

"Sorry, ma'am." Sabay naming sagot nj Jared sakanya. Umismid si Ma'am at inirapan kami bago maglakad papunta sa harap.

Habang nakatalikod siya, nagkatinginan kami ni Jared at parehas na napatakip sa bibig para hindi marinig ang aming pagtawa.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now