CHAPTER 21

198 13 6
                                    

CHAPTER 21 |Apology|

Tahimik lang kaming dalawa, hindi ko alam pero  nangangatog ang mga binti ko. Hindi rin ako komportable maglakad gayong alam kong nasa likuran ko siya at nakasunod.

Pagdating sa garden ay sinadya kong pinili ang malayong parte ng upuan para walang makakita sa'min. Ayaw ko namang pag-chismisan kami no! Nauna akong umupo, agad namang sumunod si, Jayda. Mukha na siyang walang sakit ngayon kompara kahapon. Kagaya ng nakasanayan kong makita sa kanya, sukbit niya pa rin ang itim na backpack sa likod. Na-curious tuloy ako kung ano ang laman no'n?

Hindi ko alam ang unang sasabihin, umiwas ako ng tingin sa kanya at nag-isip kung ano nga ba ang tamang salita na gagamitin.

Wait, diba siya ang nagsabing may gusto siyang sabihin? Kaya siya dapat ang unang magtanong! Pero mukhang walang plano 'tong isa. Tinignan ko siya at halos mapatalon ako sa gulat ng magtama ang mata naming dalawa. Pakiramdam ko ay may tumalon sa puso ko.

"A-ano, ang g-gusto mong sabihin?" Sa loob ko ay gusto kong pagalitan ang sarili, bakit ba ako nauutal? Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Chill Mae, si, Jayda lang 'yan. Umayos ng upo si, Jayda bago nagsalita.

"Ano, gusto kong magpasalamat sa kahapon. Salamat sa pagpunta... at sa pag-alaga." Bahagyang kumunot ang noo ko, bawat bitaw niya ng salita ay nag-iinit ang pisngi ko.

"Salamat din sa oras na binigay mo ngayon. Pasensya ka na kung naabala kita kahapon at ngayon." Dahan-dahan akong umiling sa kanya. I wasted time, yes, pero hindi ko naman inisip na abala siya.

"Nothing big deal," seryusong sabi ko. Pagkatapos no'n ay pareho kaming natahimik dalawa. Sobrang awkward ng katahimikan, pakiramdam ko ay may dumaan na santo sa pagitan namin.

"Kamusta na ang lagay mo?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi, gusto kong pigilan ang sarili na magtanong kaya lang wala na! Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko, gano'n ba nakakagulat 'yon?

"Ayos na ako, salamat talaga sa'yo, sa inyo ni, Mike." Tumango lang ako sa kanya. Mabuti kung ganoon. Muli kaming natahimik dalawa, ayokong maramdam 'yung awkward na katahimikan na 'yon kaya nagsalita ako.

"Kung wala ka ng sasabihin, mauuna na ako sa'yo." Akma na akong tatayo ng magsalita siya.

"Saglit lang, Laisle, may sasabihin sana ako." Natigilan ako at dahan dahan na bumalik sa pagkakaupo. I sighed.

"Ano 'yon?"

"Tungkol sa nangyari noon," pakiramdam ko ay agad na nagkaroon ng karera sa dibdib ko. Isang banggit niya lang ng salitang noon, alam ko na kaagad ang tinutukoy niya. Oh, not this please! Matagal ko na 'tong iniwasan at pilit na kinalimotan.

"Tungkol sa aksidenteng paghalik ko sa'yo," walang pakundangan niyang sinabi. Pakiramdam ko ay sasabog ang pisngi ko sa inig nito. Ramdam ko ito hanggang batok papunta sa likod ng tenga. Bumibigat ang paghinga ko, at this moment gusto ko na lang na bumuka ang lupa o 'di kaya ay tumakbo sa harap niya. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin! Ito yata ang unang beses na natameme ako sa isang tao. O gosh! This is not me!

"Jayda..." pangalan niya lang ang nakaya kong sambitin.

"Pasensya na roon, dapat ay nag-ingat ako. Alam kong 'yon ang rason kung bakit mo ako iniiwasan. Pasensya na kung kailangan mong umiwas, pasensya na kung kailangan mong makaramdam ng awkwardness sa tuwing nasa inyo ako o kapag nakikita mo 'ko. I'm sorry for bothering you." That left me dumb founded! Napanganga ako at mas lalong hindi malaman kung ano ang sasabihin ko.

Bakit siya ang nagso-sorry sa pagiging sobrang sensitive ko? Why does he have to say sorry about what I'm feelin'. In the first place, ako ang dapat na manghingi ng tawad kasi iniwasan ko siya. He tried to talk to me a lot of times pero ilang beses ko rin siyang ni-neglect at hindi pinansin. I should be the one saying sorry. Masyadong big deal sa 'kin ang kiss, aksidente lang naman 'yon. Bakit nga ba big deal sa'yo 'yon, Mae?

With all my past actions, hindi ko na alam ang isasagot o kung kaya ko bang sagotin ito.

"Salamat," tanging nasabi ko kay, Jayda ng ihatid niya ako sa room namin. He insisted kaya para patunayan na hindi ko siya iniiwasan, hinayaan ko siyang ihatid ako.

Tulala ako pagpasok ng room, ni hindi ko nga pinansin ang dalawang kaibigan na excited na naghihintay ng chika. Sa loob ko ay parang may nagsilab, hindi ko alam kung ano 'yon. Pero pakiramdam ko ay sa paglipas ng panahon, ngayon lang naging ganito ang puso ko. It's like I was kiss by a blue fire on my heart.

Jayda, his eyes and smile are amazing. He's strong and independent. He loves music, and sure music loves him too. He's not the boy you will easily fall, but when you fall, it's hard. I just thought of that, sa unang pagkakataon sa buhay ko, nagdalawang isip ako kung totoo nga ba ang gano'ng klase ng pag-ibig.

"Ano nililigawan ka na ba?" Kumunot ang noo ko sa binungad sa 'kin ni, Lian.

"May pa hatid pa," si, Rose sabay baling sa pinto namin.

"Mae! Jusmeyo, it's time para may sagotin ka na sa mga manliligaw mo! Jayda seems kind, I want him for you!" Excited na ani, Lian. Umirap ako at umupo sa upuan ko.

"Gusto mo si, Jayda para sa 'kin?" tanong ko kay, Lian. Excited naman na tumango-tango ang isa.

"Super!"

"Gusto ko ba siya?" Tinaasan ko siya ng kilay, sumimangot naman kaagad ang jsa.

"Eh, ikaw gusto ba niya?" biglang ani, Rose.

"Boom! Savage!" humagalpak ng tawa si, Lian. Natahimik ako sa tanong ni, Rose. Biro lang naman iyon pero naapektuhan ako. Hindi ko alam kung bakit, I suddenly thought of the girl he's been with. Si, Nerrisa.

"Haha, kidding. Baka nga, gusto ka no'n." si, Rose ng nakitang natahimik ako.

"Gusto ka non! Positive, 1,120%" segunda ni, Lian. "Rose, pustahan tayo, tataya ako ng piso kapag nanligaw si, Jayda kay, Mae."

"Piso lang?!" angil ni, Rose. "How about 1,000?" I chuckled. Nagkamot naman ng ulo si, Lian.

"Sana all, mayaman. Sige sa 'yo, 1,000 sa 'kin piso," ani Lian.

"Diba, parang lugi ako roon?" tanong ni, Rose.

"Pinagpustahan niyo pa ako! Tigilan niyo nga 'yan! By the way, nasaan 'yung pagkain ko?"

"Hindi ka pa kumakain?" tanong sa 'kin ni, Rose.

"Hindi pa, sa garden kami nag-usap, walang tindahan doon."

"Sana all, garden. Akala namin kakain kayo kaya hindi ka na namin binilhan," tumingin si, Lian sa wristwatch niya. "Tara, cafeteria tayo. May oras pa."

"Elaisle, may naghahanap sa 'yo!" sigaw ng kaklase ko. Agad akong napabaling sa bintana at deritsong nagtama ang mga mata namin ni, Jayda.

"Hala, ano 'yan?" mahinang bulong ni, Rose. Nang-asar pa ang mga kaibigan ko kaya inirapan ko sila. Binantaan ko silang tumahimik bago pinuntahan si, Jayda. Pati mga kaklase ko ay malisyosa na rin ang tinginan sa 'kin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya paglabas. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag ng i-abot niya sa 'kin 'yon.

"Ah, binilhan na kita ng pagkain. Hindi ka pa kumakain diba?" Jusme! Hulog ka ng langit!


Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now