CHAPTER 19

197 14 1
                                    

CHAPTER 19 |Sick|

Hindi ko alam pero parang may pumipitik sa gilid ng puso. Gusto ko siyang makita na hindi, gusto kong pumunta sa bahay nila na hindi. Curious ako kung anong klase ang bahay nila, may kaya ba sila o mayaman?

Ewan ko ba bakit ako nagkakaganito simula nang insidenting 'yon! Siguro ay dahil lang talaga 'to sa hiya at sa awkwardy ko sa kaniya.

Kasali ba sa hiya ang curiosity, Mae?
Aish! Ewan.

Hindi naman siya kapos sa buhay dahil alam kong hindi siya scholar sa Love Academy. Ang mahal kaya ng tuition sa school namin! Hindi pa ako nakakapunta sa kanila dahil hindi naman ako sumasama sa mga gala ni Kuya. Ito pa lang ang unang beses na makakapunta ako sa bahay ng barkada niya, at kina Jayda 'yon.

Tumigil kami sa tapat ng isang semi-bonggalo na bahay. Maninipis na wire lang ang gate nila kaya kitang-kita ang bahay nilang may pinturang blue. May maliit na terrace at naka-sliding door na itim ang bintana. Sa labas ay buhay na buhay ang mga halaman, lalo na ang mga orchids na hitik kung mamunga. Mahilig siguro ang Mama niya sa orchids? Sa gilid ng bahay nila ay agad kong nakita ang dalawang puno ng mangga na puno ng bunga, sa ilalim nito ay isang lumang duyan na gawa sa ratan.

Ngumiwi ang mukha ko nang ma-imagine silang dalawa ni, Nerrisa d'yan. Nagtatawanan habang nag-uusap ng mga experiences nila together, siguro ay ganoon ang ginagawa nila?

"Dito ka lang?" tanong ni Kuya sa'kin. Gustohin ko mang bumaba ay pinili ko na lang na manatili sa loob ng sasakyan. Nawala na 'ko sa mood.

"Bilisan mo lang ah," iritado kong ani.

"Sungit nito," inirapan ko lang si Kuya. Tinanaw ko siyang pumasok sa gate nila, Jayda, dahil bukas naman ito ay dumeritso na siya hanggang sa makapasok sa terrace. Kumatok siya nang ilang beses pero walang nagbubukas, nasaan na kaya ang lalaking 'yon? Hinihintay kong lumabas siya at pagbuksan si Kuya.

Nakita kong nabuksan ni Kuya Mike ang pinto nang walang nagbubukas, pumasok naman ang Kuya ko. Hindi ko alam kung may tao ba sa loob dahil wala naman akong naririnig mula rito.

I sighed, expected ko na magtatagal si Kuya nang ilang oras doon. Handa na akong aliwin ang sarili sa pag-ra-rant sa social media nang wala pang limang minuto ay lumabas na siya ng bahay. Nakakunot ang noo niya at mukhang nagmamadali.

"Laisle," bungad niya nang makalapit, hindi pa nakakasakay sa sasakyan niya.

"Bakit?" tinignan ko ang bahay bago binalik ang tingin sa kan'ya.

"Baba ka muna, bibili lang ako ng gamot." Kumunot ang noo ko, gamot?

"Bakit para saan?" Nagtataka man ay bumaba ako at umikot para makapunta sa side ni Kuya.

"Si, Jayda may lagnay. Hindi pa nakakainom ng gamot." Pakiramdam ko ay may kumirot sa puso ko, napatingin ako sa tahimik nilang bahay.

"Tignan mo muna siya, 'yung kwarto niya 'yung may pintong naka-sabit na gitara." Akmang sasakay na si Kuya Mike sa sasakyan pero pinigilan ko siya.

"Bakit ako? W-wala ba siyang kasama sa bahay?" kunot noong tanong ko. My brother sighed at me.

"Basta, d'yan ka muna. Mataas ang lagnat ng ugok, saglit lang." Hindi na lang ako nagtanong at hinayaan ang Kuya na sumakay, pinaandar niya ang makina bago bumaling sa'kin. Muli siyang bumuntong hininga at pumikit nang mariin, mukhang may nakalimotan siya. May binulong siya sa sarili pero hindi ko maintindihan.

"Elaisle, bantay lang huh?" napakunot ang noo ko, mukhang hirap na hirap siya nang sabihin 'yon. Hindi na lang ako sumagot at hinayaan siya na maka-alis.

It Started With An Accident Kiss (Love Academy Series 03)Where stories live. Discover now