Chapter1: The Comeback

39 1 0
                                    

JEAN'S P.O.V

" Keep calm Jean! Hahaha!" Natatawang sabi sa akin ni Rachel . Rachel DeVilla, ang aking cutie bestfriend pero super talkative. Psh. Naiinis na ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang kabahan. Kauuwi ko lang kasi galing sa Korea dahil nagkaroon kami ng bakasyon dito sa Pilipinas pero after a week or a month, babalik din kami.

"How can I keep calm kung tatawa tawa ka diyan?" Sabi ko at ipinikit ang aking mata. Si Rachel ang aking mabait na bestfriend, siya ang pinasundo ko dahil isusurprise ko sila. Actually,5 years na akong hindi nakakauwi dito dahil super busy kami sa pagmomodeling. Yes, I am a super model. After that day, naisip kong magpakalayo para makalimutan ko na siya, hanggang sa nakatanggap ako nang trabaho, and that's to ramp at the stage with full of confidence. Hindi ko alam kung paano ko iyon kinaya habang iniisip siya .

" Sorry, hahaha. Ikaw kasi eh, sinabi ko lang na andoon siya para ka nang binuhusan ng malamig na tubig." Sabi niya habang pinipigilang tumawa. Kainis.

" Hindi naman ako kinakabahan! Naiinis ako kasi tawa ka ng tawa diyan. Akala ko namiss mo ako eh, pero--" naputol yung sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap.

"Moshieee!!I miss you so much. Super excited akong sunduin ka sa airport, at ngayon, grabe! Ang hot mo na! Ang ganda ganda mo! From a maid to a queen? Wow, naiiyak ako promise." Sabi niya, moshie ang tawag niya sa akin pero minsan ko lang siyang tinatawag na ganon, And that's true. Naging maid ako. Naging maid ng bahay nila. Aaminin ko na mahirap talaga kami noon, ang pamilya ko noon ay sa probinsya. Nagkataon na lumuwas ako papuntang maynila para makahanap ng trabaho para sa pamilya ko. Pero ngayon, iba na. Ibang-iba .

"Yeah, I miss you too." Sabi ko rin.

" And Moshie girl, andoon lang naman siya sa bahay niyo dahil you know, parang kuya na ng kapatid mo. " Tama siya, yung kapatid kong si Hiro ang nakasama ko noong pagmamaid ko. 5 years old pa lang siya noon nang isinama ko siya sa Maynila. Iniwan namin sina nanay doon para hindi sila mahirapang magtrabaho sa bukid. Kaya nagsikap akong magtrabaho. Pero hindi ko inaasahang magiging close si Hiro at siya.

" Lagi ba siya doon para kay Hiro?" Hindi ko maiwasang matanong.

" Minsan lang, kapag may time siya pero mostly binibisita niya si Hiro pati na rin yung parents mo." Sagot niya. Realtalk, naguguluhan ako, bakit naman niya binibisita eh wala naman talagang pakialam yun.

"He's plastic." Tipid kong sabi sabay kuha ng phone ko.

"Nakamove on ka na?" Seryosong sabi niya at liningon ko siya.

"Sobra." Sabi ko sabay balik ulit ng tingin sa phone ko.

" Ow-kay. Pero merong hindi." Bulong niya kaya hindi ko na narinig.

"Oy, gising na! Nandito na tayo sa bahay niyo! No,mansion niyo pala!" Nagising ako dahil sa sigaw ni Rachel, inayos ko na ang sarili ko at bumaba na ng kotse. Tinulungan kami ni Kuya manong na ibaba ang mga gamit ko, medyo madami iyon pero okay lang. Pagkatapos umalis na si kuya manong at nandito pa rin kami ngbestfriend ko sa gate at nakatunganga lang sa akin.

" Is there something wrong?" Sabi ko at kinuha ang cutie hat at isinuot ito dahil grabe ang init.

"Wa..wala tara na nga sa loob at baka matunaw yung mga lalakeng taga kanto ang nakatingin sayo oh." Sabi niya at nagdoorbell na. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Pinagbuksan kami ni Aling Minda o Inay na sobrang gulat . Ang aking itinuturing na pangalawang nanay. Isa kasi siya sa nagbabantay sa bahay na ito at parang pamilya na namin siya. Kaya naman para siyang maiiyak nang makita ako.

" Diyosmio! Jean? Anak ikaw ba yan? Napakaganda mong bata ka!" Sabi niya at niyakap ako.

"Salamat po, namiss ko po kayo" sabi ko.

"Kailan ka ba nadating ha? Nagulat mo ako!"sabi niya at tinulungan kaming magbitbit ng gamit at sabay kaming pumasok.

"Kanina lang po inay." Sabi ko. Then, tumigil na kami sa malaking door ng mansion namin. Nakasara ito at akmang bubuksan ko na nang nagsalita si Rachel.

"Ah, moshie! A..andiyan siya ha! Don't for--"  I cut her.

" Don't worry I won't bite him, inay tara na po."  Seryoso kong sabi at pumasok na talaga kami.

Naabutan ko si mama at papa na parehong nanunuod ng teleserye, nang nakita nila ako ay para silang nakakita ng multo. Natawa ako sa reaksyon nila kaya agad ko silang nilapitan sa sofa at niyakap.

" Mama!! Papa!! Namiss ko po kayo!!" Tili ko at para akong bata kung kumilos sa harap nila ngayon,nakahawak ako sa leeg ni papa at nakapatong naman ako kay mama.

"A--anak? Anak ko!" Sabi ni inay at umiiyak siyang yumakap sa akin ganon din si papa.

"Kanina lang po ako dumating ma't pa, at balak ko po talaga kayong isurprise. At na surprise nga po talaga kayo! Hahaha!" Natatawang sabi ko habang silang dalawa ay nagte-tears of joy.

"Kaw talaga anak! Grabe, napakaganda mo na! limang taon! l..limang taon.." super iyak na talagang sabi ni mama.  Pati ako tuloy nadala at nakiiyak na. Yes,limang  taon ko silang naiahon, ang bilis talaga ng panahon at mataas kasi naman talaga lagi ang kinikita ko kaya mayaman na kami. Pero nasa mabuti ko naman silang inaalagaan. I love them so much.

" Ma, tama na po ang iyak, masisira yung eyeliner ko oh,huhuhu. " sabi ko at umupo na ng maayos. Samantalang sina inay at Rachel malapit ng maiyak sa drama naming tatlo.

" Kumusta ka naman doon anak? Mabuti ba ang lagay mo don?" Tanong ni papa. Umupo na rin si Rachel sa tabi ko at kumuha naman si inay ng makakain daw namin.

"Naku tito, wag niyo na pong itanong dahil halata naman po sa itsura niya oh, ang sexy eh! Tinalbugan na si Jennifer Lopez! Hahaha!" Sabat ni Rachel kaya sinamaan ko lang ng tingin at ibinaling ulit kay papa.

"Ah opo pa, okay lang po ako doon. Masaya ako at.." napatigil ako dahil hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Ano, nakamove on ganon? Eh, hindi nga nila alam na may something kami noon ni Justin. Yes, he's Justin Asshole and stupid. Psh.

"Nakamove on tito! Kasi po dati--araaay!!" Binatukan ko na itong babaeng ito, masyadong madaldal!

" Move on? Iyon ba yung magkasintahan na kinalimutan ang pagmamahalan nila, ganon ba iyon anak? Teka, may boypren ka na na sinaktan ka! Sino yon ha! Sino!" Sabi ni papa na parang napaparanoid, tapos tumawa lang si rachel samantalang mukha kaming seryosong tatlo dito. Wala pa rin talagang nagbago sa pamilya ko lalo na sa ugali at kilos pero hindi lang halata kasi nagbago din naman ang lahat.

"Pa! Wala po! Move on po sa buhay ganon! Wag po kayong makinig sa babaeng to dahil madaldal talaga yan eh. I lab yu pa!hehe. "Lambing ko kay papa at tumawa si mama.

"Pero babalik ka pa ba doon? Anak, dito ka nalang, may kaya na tayo. At salamat ng marami ha, napakabuti mong anak." Sabi ni mama na umiyak na naman.  Bipolar talaga si mama, tatawa tawa tapos iiyak?

"Ma, para sa inyo naman po iyon eh, at babalik po parin ako, kasi nagbakasyon lang po ako ngayon dito sa Pilipinas eh, mama, papa, kapag alam kong hindi na talaga tayo mahirap, uuwi na po ako dito. At feel ko nga ma, baka sa susunod na taon talagang uuwi na ako dahil pareho kayong business man and woman." Sabi ko, meron kasi kaming pinanghahawakang business dito. Tulad ng parlor icecream, funtime sa taas ng mall,tapos pagawaaan ng t-shirt tapos may iba pa na hindi ko alam dahil sila naman ang humahawak kaya sobrang saya ko.

"Oo na, teka lang anak ha at iihi lang ako! I love you anak! Wait lang." Sabi ni mama na halatang naiihi na talaga. Sakto namang dala na ni inay yung tray na may lamang cookies na brown at juice tapos umalis ulit at maglilinis pa daw. Si rachel naman kumain na, kaya nagkuwentuhan lang kami at dumating ulit si mama.

" Anak, nakalimutan ko palang sabihin na may bisita tayo! Aakyatin ko lang sila at nga pala anak, ang gwapo na ng kapatid mong si Hiro! Saglit ulit." At umakyat si mama na tuwang-tuwa. Saglit akong natigilan, tiningnan ko si papa na nakangiti sa akin..

Kung alam lang nila na yung lalakeng bisita nila ang nanakit sa anak nila.....kung alam niyo lang po....

I Hate HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon