Chapter 3

5 1 1
                                    

Matapos ang pangyayaring iyon ay sinubukan kong gawing kumportable ang sarili na kasama sila. Magkasama kami tuwing break at vacant time ganoon din sa tuwing kakain. Umaga rin kahapon na kung saan ay hinintay nila ako sa labas ng university at sabay-sabay kaming pumasok.

So far, sa ilang araw na kasama ko sila ay wala naman naging problema. But of course since I am new, hindi maiwasang paulit-ulit akong tanungin ni Jenina --iyong tahimik sa grupo-- kung kumportable ba ako na kasama sila at wala akong ibang nagiging sagot kundi ang ngitian siya at tumango.

When it comes to friendship, alam ko na ang layo ko sa mga tipo ni Alexa ngunit sinusubukan ko namang makibagay at makisabay. Yung grupo ni Alexa ay yung tipong kilala ng halos kalahati ng campus o hindi kaya kilala sa buong college building at gaya ni Jenina, hindi ako gano'ng klaseng estudyante. Palaisipan pa rin sa akin bakit ginusto akong maging kaibigan ni Alexa. I tried to asked Jenina about it but she just shrugged her shoulders. Hindi ko na rin siya kinulit matapos 'yon dahil inaamin ko na sa kanilang lima ay mas komportable ako na katabi siya sa tuwing magkakasama kami.

Sa kaunting oras pa lamang na nakakasama ko sila ay napag-alaman ko na magpinsan sila ni Alexa at magkasama na sila simula grade school hanggang sa nagcollege. Iyon ang naging dahilan para bitawan ko ang tanong kung bakit sa grupo ni Alexa siya sumasama kahit na halata na magkaiba ang personality nila.

To be honest, it's hard... but in order to survive this journey, alam ko na kailangan ko ng makakasama.

Pasimple akong bumuga ng hangin nang pinindot ko ang remote at lumabas ang huling slide ng presentation namin ni Timea. Finally, it's over! Pasimple kong nilingon ang katabi ko at nakita na tila wala lang sa kanya ang nangyari. Malaki ang ngiti nito sa mga kaklase namin ganoon din kay Doc. Gutierez.

How could she do that?

Binalik ko ang tingin sa harapan nang mapansin na mula sa pagkakaupo ay tumayo si Doc. Humalukipkip siya habang nasa huling slide namin ang mata bago niya dahan-dahan na tinignan kami ni Timea.

"So, any question?" sambit nito na ikinagulat naming lahat. Inilipat niya rin ang tingin sa mga kaklase namin.

Really? Question? Kung hindi lang ako kinakabahan ng husto ay baka natawa na 'ko sa kanya. Ano kaya ang itatanong kung background lang naman ng students ang ipinresenta.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa loob ng silid bago siya tumango at muling nagsalita.

"Okay good! Very well presented, Ms. Denovan and Ms. Mendoza."

"Thank you, Doc." magkasabay na sambit namin ni Timea bago kami umalis sa harapan.

Inabot ko rin ang remote sa susunod na magpi-present bago dumiretso sa upuan.

"Let's go out to lunch, my treat!" masiglang sabi ni Timea.

Ngumiti ako sa kanya bago tumango. It's a successful presentation after all.

Natapos ang oras ng klase na limang pairs lamang ang nakapagpresent. Nakangiti ako habang palapit sa harapan kung saan ay inaayos ni Alexa at Jenina ang projector dahil sila ang huling nagpresent. Magpapaalam lang ako na hindi muna ako makakasabay sa kanila ngayong lunch.

"Chantria, congrats!" bati ng isa sa mga lalaking kaklase ko.

Ngumiti lang ako sa kanya bago ko hinarap si Alexa at Jenina.

"Lex, Jen, congrats." bati ko sa dalawa. Tinulungan ko rin sila sa ginagawa.

Saglit na nag-angat ng tingin si Alexa at hindi ko agad nabasa ang unang naging reaskyon niya kaya kinunotan ko siya ng noo ngunit kalaunan ay ngumiti rin naman ito bago nagpatuloy sa ginagawa. What was that?

Afraid of Everyone's EyesWhere stories live. Discover now