Chapter 17

2 0 0
                                    

5.1 Fear of Love

"Oh? Maligo kana. Bilisan mo. Ihahatid ka ni Kuya sa Ateneo."

Kinusot ko yung dalawa kong mata tsaka bumangon sa higaan.

"Tapos na yung midterm exam namin ngayon. Kailangan ko pang magpaenroll bago pumasok sa mga susunod ko pang klase."

"Kami rin naman. So.., okay kana ba? Kumusta naman yung pakiramdam mo ngayon?"

"Medyo okay naman na. Kailangan ko rin kasing sumali sa mga paligsahan ngayon sa campus. I rather choose to be include on dance competition."

"Ikaw? Are you a dancer? Paano ka makakasali sa mga contest na yan e di 'ba? Mahina yung puso mo? May heart complication ka?"

"Sus. E para naman yon sa magiging experience ko. Kung hindi ako makakasali ngayong taon, sayang yung opportunity."

"Pero mas sayang naman yung buhay mo kung ilalagay mo lang sa halanganin."


"Okay na 'yon, atleast nakasayaw naman akong namatay."

"Oh, ano? Sabay na ba tayong papasok o sasamahan muna kitang magenroll? Nasiraan kasi ako ng motor at ipapaayos ko pa yon sa Sabado kaya sasabay lang din ako kay Kuya."



Bumangon ako at naligo nang mabilis. Nakakahiya naman kasi kala Chase. Ako na nga lang nakitulog sa kanila tapos paghihintayin ko pa sila ng matagal.



"Sinabi ko na kay Felix na sa amin ka nakitulog kagabi. Hindi naman galit yung Kuya mo. Sinabi ko sa kanila na may kapatid akong magdo-doctor kaya may tiwala naman sila sa amin kahit papaano."

Tumango-tango lang ako at napaisip.

"Sure ka bang sasali ka talaga sa dance contest na yon?" pangungulit na usisa ni Chase.




"Oo nga. Sasalihan ko yon." napakamot ako sa inis sabay baba sa kotse ni Donny.


"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa ginawang tulong naming magkapatid sa 'yo?"


"Ah, kailangan ko pa bang magpasalamat? Unang-una, hindi ako nagaya ng sleepover. Pero salamat na rin. Magpapaenroll na muna ako?"



"Samahan na kita." bigla niyang hinawakan yung kamay ko.



"Kaya ko na. Hindi naman ako bata para magpasama pa sa 'yo."




"Iba ba yung kabang nararamdaman mo sa tuwing nagkakasama tayo? Ang lamig kasi ng palad mo. Halatang kabado ka." sa gigil ko ay marahas kong binitawan yung kamay ko na nakakabit sa kamay niya.




"Syempre.., galit ako! H-hindi ako kinakabahan 'no!"




"Hindi ba dapat, kapag galit ang isang tao ay lalong nagiinit ang palad? Rinig na rinig dito yung heart beat mo."





"Kaya nga! E baka ikaw lang yung nanlalamig yung palad diyan?"



"Hindi ako kinakabahan. Ikaw 'yon. Sabihin mo nga.., naiilang ka pa rin ba sa halik na nangyari dati?"



"H-hindi! Bakit ako maiilang? Ho-hoy! Boy! Lalaki ako, matigas ang puso ko. Fanboy ako ni Dean. A-ano ngayon?"





"O sige.., ikaw na.., lalaki ka di 'ba? Probably you secretly hitting on me? No words can describe kung papaano mo ako hinahangaan ng palihim."



"Si Dean ka ba?"

"Maybe, I'm not Dean but I can make you fall inlove just a simple stare." tinitigan niya ako ng seryoso at hindi naman ako makailag sa titig niya.


When The Two Men Falling In Love | Beyond The BoundariesWhere stories live. Discover now