Chapter 11

1 0 0
                                    

3.3 Change yourself.


"Jusmiyo! Saan kana naman ba pupunta?" bigla akong napalingon sa nagsalita. Si Kuya Chakri na may hawak na walis tambo.



"May practice game lang sa park tsaka may oral rehearsal kami. Alam mo naman, sobrang busy ko na this week."



"Siguraduhin mong mahalaga iyang pupuntahan mo, ha? Ayoko ng niloloko lang ako. Parehas kayo ni Felix, parehong tamad!"





"Kuya naman.., mahalaga iyon syempre usapang grades na ang pinaguusapan."




"Kaya pala nakatres ka lang. Pagbutihin mo naman sa susunod na sem."



Pagpunta ko ng pinto ay nagbubunganga pa rin itong si Kuya. Bakit ko pa sasayangin yung pagkakataon na makakasama ko si Dèan mamayang gabi?



-------------

Ilang minuto lang ang biyahe papuntang mall. Magkikita kami ni Chase para samahan akong mamili ng mga damit na dapat kong isoot sa tuwing may mga lakad o kaya kung papasok sa campus.





"Ang tagal mo naman. Tara na?" hinatak niya yung kamay ko papuntang loob ng mall.



"Grabe ka makahigit. Jowa mo ba ako?"



"Hindi. Nandito tayo para baguhin yung itsura mo, hindi para lumandi sa 'yo. So.., back to our topic, first step, magpapatingin tayo sa ophthalmologist. Palalagyan natin ng grado yung contact lens."





"Seryoso ka ba riyan?!" tinanguan lamang niya ako at hinigit papuntang optimal clinic.




Nang makapagpacheck-up na ako sa mata ay binigyan nila ako ng contact lenses at isang malaking eye contact solution.




Ngumiti akong lumabas sa clinic at dahan-dahang lumapit kay Chase na natulala sa akin. He stares at me blankly. Walang kabuhay-buhay na titig.



"Hindi ba ang sabi ko sa 'yo, remove this thing. Itago mo sa bahay niyo 'to tapos yung contact lens na ang isosoot mo simula mamayang gabi."






"Tapos paguwi mo mamaya right after we buy everything you need, magparequest ka sa dentist mo kung pwedeng ipaalis pansamantala yung braces mo."





"Pwede ba 'yon?" curious kong tanong.



"Malamang, pwede. Saglit lang naman. Isang gabi para makangiti ka man lang kay Dèan."



Naglakad-lakad kaming dalawa at tumingin-tingin ng mga damit na isosoot kong pamorma.




"Kung bibili ka ng mga damit at pants. Magpasama ka sa akin para alam mo kung ano yung mga damit na fitted sa 'yo. May sense of fashion ako kaya marami akong alam na pormahan."





"Oh, hetong, mustard na damit tapos.., ipartner mo sa creamy yellow pants. Tapos kung may sapatos ka namang puti, ayon nalang isoot mo mamaya. Huwag mo ng itatuck-in, pakiusap lang."



Nang matapos niya akong pilian ng mga damit at pants ay binili ko na 'yon.






"Hayan, oh?! Ang ayos mong tignan. Iwasan mo na rin ang paglalagay ng paha sa pants mo. Kung maluwag naman, ipagarterize mo nalang. Huwag mo ng itatuck-in yung damit mo, ha? Baduy talagang tignan."




"Sa Watson naman tayo mamili. Mga skin care products with mild ingredients lang ang gagamitin mo sa mukha at katawan mo." hinila niya ako patungong Watson.





When The Two Men Falling In Love | Beyond The BoundariesWhere stories live. Discover now