Chapter 2

4 0 0
                                    

1.2 Football Game

"Saan kana naman pupunta? Palagi kana lang nakaalis!" Umilag ako sa mga binabatong gamit ni Kuya.

"May practice game lang malapit sa building. O siya, kuya! Babye na!" I let out my tounge gesture tsaka madaling nilisan yung condo.

"Oh? Ano? Hindi na ako pinapatawag ng mga profs mo. Ang galing ha? Ano bang ginawa mo?" tanong ni ate Celine nang makasakay na ako sa loob ng kotse.

"Syempre naman! Malaking alas kaya si Kuya Felix. Simula nang dumating siya sa unit e hindi na kami nagaaway ni kuya Chakri." nakatingin lang si ate Celine at nakangiti.

"Mabuti naman at nagkabati na kayong magkabati. Alam mo, susundin mo palagi si Kuya Chakri mo para hindi ka niya pinapagalitan, ha?"

-------

Bumaba na ako sa harap ng campus. Hinihintay ko pa kasi si Chase para iabot niya kay Donny itong box na chocolate na may lamang sulat sa loob.

Gusto ko siyang bigyan ng matatamis ng tsokolate para hindi siya nagsusungit sa 'kin. Malay mo doon, maging mabait na siya sa mga tao. Kinulang lang yata sa matatamis.

"Ah, Chase?" unti-unti siyang bumaba sa kanyang motor.

"Oh, bakit? Mayroon ka bang maagang klase? Bakit ang aga-aga mo akong sinalubong?" nagtataka niyang tanong sabay yakap sa helmet.

"Gusto ko sanang bigyan si Donny nito. Nasabi mo na ba sa kanya na may laro kaming mamayang gabi sa open field?"

"Ay, oo. I already told it to him. Antayin mo raw sila mamaya. Walang sinabi kong anong oras pero sure naman akong makakapunta yon."

"Wow! Mukhang masarap 'to, ha?" nangingiti niyang saad.

"Oo, I baked it for several hours. Madaming palpak pero naging perfect taste naman eventually. Pakibigay nga pala sa kanya, yan. May effort yan."

"May gusto ka ba sa Kuya ko?" agad akong umiling. "Wala naman 'no. Gusto ko lang bigyan para mawala yung galit niya sa tao. Isa pa, malaking tulong yan para naman sumaya siya kahit papaano."

"Ganon na ba kalungkot yung buhay ni Kuya para bigyan mo ng maraming chocolates. No worries! I will give it to him. Ang sarap mo naman palang magbaked kung ganon. Ikaw palang unang nagbigay sa kanya ng ganyan. I mean... ng gifts. Wala pang tinatanggap si Kuya na kahit anong regalo e. Sana ito, matanggap niya."

Ngumiti ako at nagpaalam sa kanya.

"Sabay na tayong maglakad, we're same hallway lang naman. Ano bang course mo?" hinabol niya ako at hingal na hingal na nilapitan ako.

"I.T, bakit? Tsaka sabihin mo sa Kuya mo, pakibawasan 'ka mo pagiging masungit. Pumapangit siya e. At, bago tayo maghiwalay, anong course niya?"

"Major in Film. 3rd year na 'yon tsaka pagraduweyt na next year. Bakit mo naitanong? Magpapashift ka ba?" sinagi niya yung tagiliran ko na siyang kinangiti ko.

"Ay! Hindi 'no. Okay na 'ko sa I.T, sige mauuna na ako sa 'yo." tumatakbo akong pumunta sa room ko.

---------

"Sigurado ka bang makikipaglaro si Donny sa 'yo e, sa pagkakaalam ko ay dakilang mayabang 'yon plus playboy. Daming kinama hindi man lang binibihisan. Iniwan nang hubaran amp."

"Huwag naman kayong ganiyan! Oo, mayabang si Donny pero hindi naman siya maruming lalaki gaya ng iniisip n'yo. Tignan mo nga, tinanggap niya yung binigay ko sa kanya." palihim akong ngumingiti para hindi mapansin ng mga kaibigan ko.

"Kailan ka pa naging concern sa taong yon e halos ipagkanulo mo sa sobrang salbahe. O, ayan na pala!" nagturuan sila at nagbulungan.

"A-anong g-ginagawa m-mo rito–"

When The Two Men Falling In Love | Beyond The BoundariesWhere stories live. Discover now