Chapter 4: Ordinary

Start from the beginning
                                    

Countless deaths all over the world. We needed to lessen the casualties and ended up adding the figures because we were also trained to kill. You couldn't just file a petition not to annihilate each other and promote democracy while the oppressors had a different opinion about death and superiority. And after the treaties existed, nag-retire na kaming lahat. We achieved the accord we longed for. The world became peaceful as how it ought to be.

But that was sixty years ago. We were those super soldiers way back then. Pero ngayon?

Peace was never an option after all, and that was the reason why I became a city villainess.

The government needed to instill that fear of uncertainty and death sa mga tao para ma-manipulate nila ang lahat. Kapag pakiramdam ng tao, hindi na siya ligtas, maghahanap at maghahanap siya ng tagapagligtas.

Hindi madali ang transition kasi galing ako sa phase kung saan ginamit ako—kami—para magligtas ng buhay ng nakararami. At si Mystic ang sinisisi ng mga tao ngayon kung bakit hindi "peaceful" ang Hidden Sparks habang nagpapasalamat sila kay Mister Beckman na tagapagligtas ng buong siyudad.

Ironically, kahit existing si Mystic, hindi pa rin nagbabago ang opinyon ng mga investor na mag-invest dito sa city. Ewan ko na lang ngayon since on hold ang status ni Mister Beckman.

After the war, isa na lang kaming mga buhay na alaala ng masamang kahapon. At ngayon, wala na kaming ibang saysay kundi maging city attraction para sa mga business investor.

Wala nang ibang saysay ang kapangyarihan namin kundi for entertainment na lang.

Madaling mag-transform para sa akin. Kung tutuusin, kahit hindi na ako bumili ng damit, ayos lang. Unfortunately, nasa panahon na kami ngayon na hindi mahalaga kung kaya naming maging pusa at tao any time. Pinaiikot ang city (at ang mundo) ng pera. At kung hindi money-making machine ang pagiging pusa mo bilang special powers, useless ka pa rin. Nakalulungkot lang na isa ako sa nangangailangan ng pera gaya ng ibang nakatira sa siyudad kaya kailangan kong magtrabaho sa paraang alam ko. Pero mas nalulungkot ako for Izan kasi siya naman talaga ang apektado rito kahit pa makapangyarihan din siyang nilalang.

Nine in the morning ang scheduled meeting ni Izan sa head ng city council a.k.a. Vinnie, at nakuha ko pang maghintay sa katapat na food cart sa kanto ng Ember Street para hintayin siya. May ibang padaan-daan sa street na umuulan ng tuyong dahon mula sa katabi ko ring puno at wala pa namang nauupo sa tabi ng wooden bench kung saan ako nakatambay.

Madalas kaming magkita ni Mister Beckman sa bawat mission na ako ang kalaban niya, pero gaya ng sinabi ng vice mayor, mababakante na ako. Logically speaking, mababakante rin siya. Iniisip ko na agad ang budget niya para sa mga susunod na araw.

Ang rate ng service ko bilang city villain ay nasa 5,000 dollars. At dahil taxable income iyon since I was a part-time employee (na under the table nga lang ang transaction at labeled pa as a freelancer), mas mababa pa ang net pay ko kasi twenty percent ang deduction sa salary ko bilang kalaban ng bayan.

Imagine the idea na pati kalaban ng bayan, biktima rin ng tax. Ang tanga pakinggan, sa totoo lang. Pero sure naman akong hindi biktima ng taxable income si Izan since kapag mas mababa sa 750 dollars ang monthly salary (9,000 dollars for an annual income, arithmetically speaking), exempted ang mga empleyado sa kaltas.

Pero kahit pa. Mas mababa pa sa porsyento ng tax ko ang income ni Izan bilang city hero. Dalawang mission ko lang bilang Mystic ang annual income niya as a city hero, kulang pa nga ang accumulated income niya sa isang buwan ko lang. Underpaid na underpaid siya samantalang hindi naman siya inaasikaso nang maayos ng city council.

Isang oras na akong tambay sa Ember, nakatatlong vanilla ice cream na ako at ayoko nang magdagdag ng choco waffle kasi sisinukin na ako maya-maya kapag itinuloy ko pa ang pagkain ng may cocoa. Almost ten in the morning na siya nakalabas ng city hall, at mula sa malayo, kitang-kita ko ang disappointment sa mukha niya habang pinapagpag sa palad ang isang piraso ng papel.

Cosmic Trouble at the Guillen's RooftopWhere stories live. Discover now