Chapter 2: "Normal" Citizen

Start from the beginning
                                    

Nasa present days na kami. Wala na kami sa digmaan. He was supposed to learn his lessons sa previous decades pero parang hindi siya natuto kahit na kailan.

Mister Beckman is a good guy, really. He is a yes man. You need help, he will give you a hand without asking anything in return. Pero iyon ang isa sa inaayawan kong characteristics ng pagiging city hero. Parang inoobliga nila ang gaya niya na paglingkuran ang lahat just because he's "powerful" and stronger than anyone else living in this city—kasi nga hindi siya normal na nilalang.

Again and again, nasa present days na kami. And "normal" human is not as normal as they are supposed to be. And most of all, society, composed of humans with different perspectives and opinions, developed their doctrines with questionable contents and full of discriminating values gaya ng ginagawa nila sa mga gaya namin ni Izan.

Kapag kakaiba ka, automatically, people will mock you. Kukuwestiyunin ka nila, itatanong nila kung ano ka, saan ka nagmula, paano mo nagagawa ang mga nagagawa mo. At kapag wala kang mailatag na sagot, either they will dispose of you, they will study your specie, or they will treat you as a pet. Ang lagay kasi namin, hindi kami belong sa norm, so ano kami?

Nakalilipad kami, nakapagbabagong-anyo kami, nakagagawa kami ng imposibleng mga bagay na hindi nagagawa ng ordinaryong tao—at iyon ang problema. Sa isang society na pulos mga ordinaryong tao, kapag hindi ka normal, either you dominate them o they dominate you. Sa case ni Izan, pumayag siyang i-dominate siya ng mga tao para mabuhay siya nang malaya. Sa case ko, pumayag ako with special conditions. You listen to me or you die. Good news for me, some people are afraid of dying.

However, kakaibang halimaw ang mga tao, and you can't just kill someone just because you want to kill them. Psychopaths do that—and I'm not a pyscho. I just wanted to live peacefully kasi wala na akong ibang matitirhan at ganoon din si Izan.

And speaking of Izan na walang matirhan, alas-siyete na ng gabi siya nakabalik sa Guillen's at dalawang maleta lang ang dala niya na ikinagulat ko. Hindi naman sa umaasa akong sampu ang maletang dala niya kasi madalas siya dating lumabas sa TV, pero parang ganoon na nga. Hindi na rin siya mukhang boss gaya ng ayos niya kaninang tanghali pagdating niya sa unit ko.

He was wearing a black tee and stonewashed jeans. I told him to remove his black runners at ilagay na lang sa gilid ng pinto kasi ayoko ng putik sa sahig. Nakalugay rin ang buhok niya hindi gaya kaninang naka-pony tail pa. Hindi na siya mukhang Mister Beckman dahil hindi rin naman nagsusuot ng black earrings sa right ear ang isang superhero para magmukhang punk. Mukha lang siyang "normal" na lalaking naglilipat-bahay.

"Wala bang nakasunod sa 'yo?" tanong ko pagkasara ko ng pinto pagkatapos niyang pumasok.

"Bakit naman ako susundan?" tanong niya, at nakatunog ako ng kaunting pagkairita sa tono niya dahil sa tanong ko.

Tinapatan ko agad ang pagkairita niya. "Ang dami mong baliw na fans. Bakit hindi ako magtatanong?"

Wala siyang isinagot. Dumeretso siya sa kuwarto na katabi ng akin para ilagay ang mga gamit niya. May single bed doon—na tingin ko naman ay kasya siya kahit paano—at isang study table. May white curtain naman panakip sa sliding window. Wala akong ibang mailalaman doon at wala rin akong balak bumili. If he wanted to have a decent room, this room would suffice. Pero huwag sana siyang mag-expect ng kuwartong mala-hotel dahil hindi ko maibibigay iyon sa kanya.

"May meeting bukas sa city council, nakatanggap ka ng email?" tanong niya paglagay ng mga gamit niya sa gilid ng pinto.

"Yeah," sagot ko agad habang inoobserbahan ang kilos niyang parang nanunukat pa kung magbabago ang isip o hindi. "You know what, dapat kausapin mo talaga ang city council tungkol sa trabaho mo." Sumandal ako sa hamba ng pinto saka nagkrus ng mga braso. "Natanggal ka sa Finnigan's. Enough ba ang sahod mo as the city hero?"

"Ibinaba nila dati ang rate ko sa 500 dollars."

Sabay na tumaas ang mga kilay ko saka napapikit-pikit para alamin kung tama ba ang narinig ko. "500 dollars. Per mission?"

"Per month."

"What?" Oh, dear. I thought my ears heard something stupid. "Seryoso ba ang council diyan?"

"Affected din sila ng recession."

"That's bullshit, man! Recession has nothing to do with your job as the city hero!"

"Wala silang fund, Chill."

"As if I will buy that reason. May fund sila sa military equipments, sa 'yo, wala?" Tumayo na ako nang maayos saka nagpamaywang. "Kung ako sa 'yo, mag-quit ka na."

"Chillie."

He met my eyes with a hint of disappointment. I knew I was not the perfect person to talk about this issue kasi nga, kalaban niya ako sa trabaho—literal—but I hated the idea of underpaying him habang inoobliga nila siyang magtrabaho para sa city. Kung ako ngang gumagawa ng hindi maganda, nababayaran nang tama, siya pa kayang gumagawa ng mabuti?

Okay, let's say na trabaho niya bilang city hero iyon kasi nga "mabait" siyang hero at hindi naman talaga dapat naniningil ang superhero. But they were supposed to help him live as a person with basic needs! Damn the government, mga abusadong hangal.

"Anong time ka pupunta sa city council?" tanong ko na lang.

"Nine in the morning?"

"Then I'll try to go as early as eight. The council needs to have a little talk with me."


###

Cosmic Trouble at the Guillen's RooftopWhere stories live. Discover now