Chapter 22 : Water Sprite

Start from the beginning
                                    


“Wala kang kasalanan Alice,” lumuhod si Clyde sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko. “May dahilan kung bakit yon nangyari, huwag mong sisihin ang sarili mo.”


“Patay na ba siya, Clyde?” maluhaluha kong sinabi. “--Sisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama.”


“Hindi Alice, hinigop siya ng portal kaya siya biglang nawala. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, hindi mo ginusto ang mga nangyari. Ipagdasal natin na walang masamang mangyari sa Morbuzakh.”  

=====

Malungkot parin ako ng makabalik kami sa kaharian ng Nokama. Iniisip ko parin na sana nasa magandang kalagayan ang Morbuzakh.


“Alice!” napalingon ako sa tumawag sa akin. “Ayos ka na ba? wala bang masakit sayo?” Tanong sa akin ni Prince Azera. Umiling lang ako sa kanya.


“Nasabi ko na kay Amang Hari tungkol sa nangyari. Malungkot sila sa pagkawala ng Morbuzakh, Nagpadala sila ng kawal sa buong lugar ng Nokama baka sakaling mahanap nila ang Morbuzakh. Ipinaalam narin nila sa ibang kaharian tungkol sa Morbuzakh. Hinihinatay nalang namin ang balita.” napansin ni Prince Azera na hindi ako umiimik “Huwag kang magalala Alice, mahahanap din natin ang Morbuzakh. Makakauwi ka rin sa mundo mo.”


“Salamat Prince Azera… p-pwede bang maglibot sa palasyo niyo” paalam ko sa kanya.


“Sige, Sasamahan kita.”   


“Hindi na, gusto kong mapagisa. Hanapin niyo nalang ako kapag dalawang oras na ang nakakalipas.” tumungo siya sa akin. Nagumpisa na akong maglakad at iniwan sila.

Gusto kong tanggalin ang sama ng loob sa sarili ko, hindi ko parin kasi maalis sa isipan ko na ako ang dahilan na pagkawala sa Morbuzakh. Kasalanan ko, kaya siya nawala. Siya nalang ang nagiisang Morbuzakh na pinangangalagaan ng Hari at Reyna. Naglaho din katulad sa ibang Morbuzakh.  

Sa bigat ng nararamdaman ko, huminga ako ng malalim.

Nawala yung process ng breathing ko dahil may tumalsik na konting tubig sa katawan ko. Umaambon ba?

Nandito kasi ako sa garden at nakaupo. Sa harap ko may isang maliit na pond. Napansin kong may gumagalaw sa tubig kaya gumapang ako at hindi ako nagdalawang isip na tignan ito.

Sa pagtingin ko rito biglang may tumalsik na tubig sa mukha ko. Ilang sandali nakarinig ako ng mahinang pagtawa. “Sino yan?” tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. Sa muli kong tingin sa tubig bumungad sa akin ang isang nilalang. Sa sobrang gulat ko napalayo ako sa pond.

Tumatalon siya sa tubig na parang isda. Teka? Isda ba yun?

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now