Chapter 22 : Water Sprite

Start from the beginning
                                    

Sobrang saya ko na nasa harap ko siya, ayoko mangyari ang masamang panaginip ko.

Habang tinititigan ko ang mukha niya, dun na naguumpisa bumuhos ang luha ko “Clyde…” niyakap ko siya ng mahigpit at patuloy parin ako sa pagiyak.

Naramdaman kong hinihimas niya ang aking likod. “Tahan na Alice, nandito na ako.”


“Huwag mo akong iwan, Clyde.” Bulong ko sa kanya, naramdaman kong itinigil niya ang paghimas sa likod ko at niyakap niya ako ng mahigpit.


“Sa pagkakaalam ko, Ako ang iiwan mo.” Bulong niya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at umiling ako sa kanya.   

Ngumiti siya sa akin, pinunasan niya ang luha ko at humalik sa aking noo.


“A-aray! Aray! Ang daming langgam!” nakita ko si Montblanc, pinapalo ang kanyang mga paa at kamay. Tumigil siya ng napansin niyang nakatingin kami sa kanila, ngumiti siya ng wagas. “Ang daming langgam, ang sweet niyo kasi.”


“Momont, huwag kang magulo! Hindi mo nakikita nanonood ako.” Nakita ko naman si Sha may kinakain na popcorn. Ano ito sine?     


“Magsitigil nga kayo!! Mga siraulo!!” binato sila ni Clyde ng unan.

Tumingin ako sa paligid, nandito parin pala kami sa lugar ng Morbuzakh. “Ano nangyari?”


“Wala kang bang naalala sa nangyari Alice?” tanong sa akin ni Monblanc.


“M-meron konti pero hindi ko maalala yung iba,” napansin ko wala yung iba “Si Prince Azera at si Ducan ang Morbuzakh?”


“Si Prince Azera, pumunta sa Hari at Reyna Nokama ipinaalam ang mga nangyari,” paliwanag sa akin ni Clyde.


“Si Ducan,” nagkatinginan sila. “Bakit ganyan ang mga kinikilos niyo, nasaan ang Morbuzakh.”  Tumayo ako agad at lumabas ng kwarto para hanapin ang Morbuzakh. Sa pagpunta ko sa silid ng portal, nagulat ako sa nakita ko.


“Hindi namin alam kung nasaan si Ginoong Ducan pagkatapos ng nangyari.”

Nabasag ang salamin ng portal, nagkalat ang mga piraso nito sa lugar. “Ano ba talaga ang nangyari!! Sabihin niyo sa akin.”


“Sa sobrang liwanag, hindi namin nakita ang talagang nangyari. Bigla nalang ito sumabog, laking pasasalamat namin at walang nangyari sayo pero pagkatapos ng nangyaring iyon hindi na namin nakita ang Morbuzakh.”

Nanlabot ako sa narinig ko, napaluhod ako ng di oras. “Ako ang may kasalanan nito, pinilit ko siyang buksan muli ang portal.” Kung nakinig lang ako sa kanya na hindi niya talaga kaya, hindi sana ito mangyayari. Napahawak ako sa mukha ko. “Kasalanan ko ito.”  

ALICE { o n  g o i n g ...}Where stories live. Discover now