Entry #1: Putcha!

370 4 2
                                    

NAKITA KO SIYA isang maulang gabi sa isang waiting-shed habang nag-aabang ako ng masasakyang jeep. Doon nagtagpo ang landas namin. Gabing maulan-ulan din ang mga mata ko, dahil sa pag-iwan sa'kin ng girlfriend ko. Siya, sinabayan ang ulang yun sa pagluha ng kanyang mga mata.

Naramdaman ko ang sakit na kanyang dinadala. Nakita ko sa kanya ang imahe ng isang babaeng puno ng pagdurusa. Nakatingin lang siya sa kawalan. Animo'y nakatayo't gising na walang malay – tulala siya.

"M-Miss?" ako, nang mapansin kong nauulanan ang balikat niya.

Nilingon niya ako saglit with blank expression – totally walang emosyon ang mukha. Napalunok nalang ako at napahiya. Sana pala di ko nalang siya pinansin. Kamut-ulo kong nabulong sa sarili ko.

Tapos bigla nalang siyang tumawid ng kalsada. Mas malakas na ang ulan nun at may mga mga sasakyang dumaraan. Kaya naman nag-alala ako.

"Haist!" yun nalang ang nasabi ko. Lumingon-lingon kasi ako pero walang ibang taong nandun kundi ako lang. Pa'no kung mapa'no siya? Di ako lang ang pwedeng sumaklolo sa kanya. Medyo takot pa naman ako sa dugo.

Hanggang sa...

Nahablot ko siya. Ang bilis ng mga pangyayari – buti't nailigtas ko siya. Malapit na siyang masagasaan ng jeep. Napaupo kami sa gilid ng kalsada habang patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan at yakap ko siya.

SUNOD NA EKSENA, di ko na matandaan kung anong nangyari? Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Di ko alam kung paano nagkayayaan? Basta nasa Sogo Hotel nalang kami.

Kapwa kami basang-basa ng ulan. Nakaupo kami sa gilid ng magkabilaang kama. Naghihintayan ng gagawin ng bawat isa.

"Maliligo lang ako." Biglang sabi niya.

"O-Okay." Sagot ko. Napapalunok nalang ako at di makatingin sa kanya. Sobra ang kaba ko nun. Pero siya parang relax lang. Tapos tumuloy na siya sa banyo.

Halos 15 minutes siya sa loob ng banyo. Tapos paglabas niya, nakatapis nalang siya ng tuwalya. Doon ko napagmasdan na napakaganda niya pala. Di hamak na mas maganda siya ng ilang ulit sa ex ko – sa putcha kong ex na nang-iwan sa'kin sa buwan pa naman ng Buwan ng mga Puso! Pero kita parin ang lungkot sa mukha niya, kahit pa nakangiti siya.

At talagang napatulala ako sa magandang ngiti niya kahit pa alam kong sad smile yun.

Ano kaya ang pinagdadaanang mabigat ng ganitong kagandang babae? Yun ang nabulong ko sa sarili ko.

"Maligo kana." Sabi niya na pumukaw sa diwa ko.

"Hah? A- O-Oo..." mabilis ang pagtayo ko at agad akong pumasok sa banyo.

Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. First time kong maranasan yun. Ang sumama sa hotel sa babaeng di ko pa alam ang pangalan. Napapakrus ako sa kaba. Nakakatawa lang na parang ako pa yung sobrang kaba talaga. Parang babagsak ang mga tuhod ko.

Kung todo kuskos ko ng katawan ko para malinis. At syempre si ano – si alam niyo na, talagang sinabon ko ng maayos. Talagang nilinis ko.

Pagkatapos kong maligo at makapagpatuyo, humarap ako sa salamin. Tiningnan ang bawat angulo ko kung gwapong-gwapo ba? Nag-toothbrush ng tatlong beses at inamoy-amoy ang hininga ko. Nag-stretching at push up pa ako. At huminga ng malalim para matanggal ng konti ang kaba bago lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko umiiyak siya. Talagang nagulat ako sa lakas ng iyak niya. Na para bang pinilit ko siyang pumunta dito sa hotel at gawin namin yung ginagawa ng mag-asawa. Nawindang talaga ako sa reaksyon niya. She really freaks me out! Baka may makarinig pa at pasukin kami dito at bugbugin pa ako. Baka isipin rapist ako at makasuhan pa ako ng rape. Putcha naman!

Mga Kwentong Failed-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon