Entry #4: Bataan

180 3 3
                                    

"Anak, kamusta kayo ng nobyo mo ngayon?" tanong ni mama sa akin habang naghihiwa kami ng mga sangkap para sa lulutuing pagkain para sa mga darating na bisita ngayong araw.

"Wala na po kami ma."

"Sayang naman anak ang nasimulan niyo."

"Mama, hindi ko po binilang ang araw o tagal ng naging relasyon namin ni Kevin. Ang tanging nasa isip ko lang po no'ng kami pa'y--"

Natigil ako sa aking pagsasalita ng may biglang kumalabog sa pintuan ng aming bahay. Agad namang iniwanan ni mama ang kanyang ginagawa at tumungo sa sala.

"Inoah!!" Sigaw ni mama.

Sa pagsigaw na 'yon ni mama, binitawan ko ang hawak kong kutsilyo at tumakbo patungo sa sala. At sa aking pagdating, nakahandusay na katawan ni Kevin ang nakita ko sa sahig. Duguan at punit-punit ang kanyang damit.

"Anong nangyari sa kanya mama." Natatarantang tanong ko.

"Hindi ko alam! Bakit ako ang tinatanong mo!" Sigaw ni mama.

Pinagtulungan naming buhatin ni mama si Kevin at inihiga sa kanape. Napansin kong sa kaliwang braso ang tama ng dati kong nobyo. "Inoah.. kumuha ka ng tubig at ilagay mo sa batya! Kumuha ka na rin ng malinis na tela!" Utos ni mama sa akin.

Agad kong sinunod ang iniutos ni mama sa akin. Pagkakuha'y patakbo akong bumalik sa sala kung saan naroon sila mama at Kevin. Pinunasan naman agad ni mama ang sugat ni Kevin at binendahan ng malinis na tela.

"Anong nangyari sa'yo Kevin?" tanong ko sa dati kong nobyo ng magkamalay ito.

"Patawarin mo ako Inoah. Nagpabulag ako sa ganda ng katawan at mukha ni Charisse."

Iba ang isinagot ni Kevin sa tanong ko. Ibig niyang sabihin, na kaya niya ako iniwan ay dahil sa mas maganda si Charisse sa akin at naibigay nito ang gusto niya.

"Napatawad na kita Kevin. Pero hindi ibig sabihin ay magkakabalikan tayong muli."

"Parang awa mo na Inoah. Alam mo namang wala na akong mapupuntahan pang iba. Mahal na mahal kita Inoah! At alam kong mahal mo pa rin ako!"

"Oo Kevin. Mahal pa rin kita. Pero wala na kong tiwala sa'yo, wala ni kititing na respeto pa ang natitira, simula ng mahuli ko kayo ni Charisse na naghahalikan sa isang parke."

"Nadala lang ako ng tukso Inoah."

"Umalis ka na Kevin."

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka bumabalik sa akin Inoah."

"Hindi na ako babalik kailanman sa'yo Kevin. Tulad ng sinabi ko kanina. Wala na akong tiwala at respeto sa'yo. Napatunayan ko rin na, hindi minamadali ang pagpasok sa isang relasyon. Marami pang darating sa atin Kevin. Seryosohin mo na lang si Charisse. Tutal bagay naman kayo."

"Hindi ko siya mahal Inoah! Ikaw ang mahal ko!"

"Naaawa ako sa'yo Kevin. Para kang namamalimos ng pagmamahal. Kung nakapagpigil ka lang sana.. eh 'di sana, tayo pa. 'Di sana, hindi ka mukhang kawawa ngayon."

"Inoah!!"

Nagmamakaawa si Kevin na balikan ko siya. Pero buo na ang aking pasya, hindi na ako kailanman magpapaloko pa sa gaya niyang mapusok. Naramdaman ko rin na hindi tunay na pag-ibig ang kanyang hanap. Mabuti na lang at hindi ko isinuko ang bataan sa kanya ng basta-basta. Dahil kung nangyari 'yon, malaking pagsisisi ang isip ko'y hindi mawawala.

Nabigla ako ng magsalita si mama pagkalabas ni Kevin. "Tama ang naging desisyon mo anak." Sambit ni mama. Kanina pa pala siya nakikinig sa usapan namin ni Kevin. At masaya siya sa naging desisyon ko, na hindi na muling makipagbalikan pa sa lalaking iba ang motibo. At sa paglabas ni Kevin. Bumuhos ang matinding emosyon na kanina ko pa kinikimkim sa puso ko. Mahal na mahal ko si Kevin, pero nabawasan 'yon simula ng magpatukso siya sa pinsan ko.

Mga Kwentong Failed-IbigWhere stories live. Discover now