SIXTEEN


Lintik na Adam yon! Nilowbat ang cellphone ko. Hindi lang pala basta nilowbatt, empty pa talaga at wala akong choice kundi magpabili sa kanya ng bago.

De, joke lang. Wala akong choice kundi magcharge and when I turned it on, tumambad sa akin ang two messages ni Adam.

Take note. Two messages. Lang.

Una, sabi niya, sayang naman daw, akala niya free ako. Ang pangalawa ay katulad ng una. Double sent lang. Kelan pa siya natutong magdouble sent?

Ang mga missed calls ay hindi galing kay Adam. Galing ito sa nanay ko.

Shit! May emergency kaya? Bakit ang daming missed calls ni Mama? I called her back.

"Hello Ma", bungad ko.

"Iha, kanina ka pa namin tinatawagan pero mukhang busy ka, hindi mo kasi sinasagot", sabi ni Mama.

"Ma, bakit po? Ano pong nangyari? Okay lang po ba kayo dyan?" may tinig ng pag-aalala ang boses ko.

"Oo naman. Okay na okay kami dito. May good news ako sayo!"

Nakahinga ako ng maluwag. "Ano po yon?" Napalitan ng galak ang tono ng boses ko.

"Ang kapatid mong si Ian, top 1 sa klase niya!"

Masayang masaya ako sa narinig ko. Si Ian ang nag-iisa kong kapatid. Sampung taon ang tanda ko sa kanya. Labing isa na siya ngayon. Grade 6. Hindi din namin inakala na magkakaroon pa ako ng kapatid pero pagkatapos nga ng sampung taon pagkapanganak sa akin, biniyayaan ulit sina Mama ng isang anghel.

Simula ng magaral si Ian, palagi siyang may honor. Kanino pa ba naman magmamana? Eh di syempre sa Ate.

"Mabuti naman po kung ganon. Gusto ko po siyang makausap."

"Naku, nasa labas, inutusan ko kasi", sabi ni Mama.

"Ganon po ba? Pakisabi na lang, may premyo po siya sa akin and keep it up."

Pagkatapos naming magkwentuhan ng konti, nagpaalam na din sila at sinabing magpahinga na daw ako.

**

"May duty ka ba ngayon?" walang anu-ano'y tanong ni Ella sa akin habang nagsusulat ako sa loob ng classroom.

Duty? Alam din ni Ella yon?!

Oh my!

"Ella??"

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Tinatanong ko lang naman kung may duty ka. Ako kasi, oo."

May duty siya?! May boyfriend ba siya ngayon? Pero sabagay, bakit ako, wala din naman akong boyfriend pero dumuduty. Hahaha.

"Wala", sagot ko. "Galit galitan kasi ako kay Adam eh."

Tumaas ang isang kilay niya. "Ano namang kinalaman ni Adam sa trabaho mo?"

Sh*t! Ibang duty pala yung sinasabi niya. Akala ko naman kasi..

"Ah eh, ano kasi. Magkaaway kasi kami ni Adam kaya baka magusap kami. Wala, wala akong trabaho ngayon. Oo tama, kasi may iniutos lang sa akin ngayong araw. May idadaan lang ako dun sa isang branch natin."

Yung huli kong sinabi, totoo yun. Wala akong trabaho kasi may iniutos lang sa akin.

"Ah ganun ba? Kaya pala. So magbabati na kayo ni Adam, ganun?" tanong niya at nakahalumbaba pa sa desk niya.

EX with Benefits (COMPLETED)Mga Kuwentong Mamahalin Mo