CHAPTER 31 - Santillan Household

Magsimula sa umpisa
                                    

 

 

 

 

“Oo, bakit? Bagay sayo lahat. Maganda ka eh.” Hiyang hiya na nga kaming mga mere mortals sayo.

 

 

 

 

“Oh, okay. Kukunin ko nalang parehas.” sagot niya sabay diretso na sa cashier para magbayad. Uh, para saan pa at pinapili niya ako?





One thousand years later…

 

 

 

Natapos din kami sa wakas! Nakasakay na nga kami ngayon sa kotse at hinahatid na ni Kuya sa amin. Pero, naiipit naman kami ngayon sa matinding traffic! Ganito talaga kasi kapag Christmas season eh. Ang dami kasing tao.





“Ugh, damn traffic! Gusto ko ng mahiga. I’m so tired.” reklamo pa ni Andrea. Tsk, hangtagal mo kasi inabot na tuloy tayo traffic.

 

 

 

Six thirty na siya natapos. Dumaan pa kasi ng book store para sa ireregalo niyang libro kay Ate Fiel tapos nag-isip pa kami ng gift naman para kay Franz. Buti nabanggit ko na mahilig sa make-up yung kaibigan ko na yun kaya nag ka idea siya kung anong bibilhin. Tapos, nag grocery din siya na sobrang dami. Saktong ang haba ng pila sa cashier, kaya ayun lalo kami natagalan. Pero okay lang, para naman pala sa dalawa niyang guard at kay Mang Robert yung pinamili niyang mga groceries. Pang noche Buena nila. Ganun daw kasi talaga yung ginagawa ng family niya tuwing mag papasko. Ang bait nga eh. Bumili din siya nung dadalhin niya sa bahay. Sabi ko nga hindi na kailangan eh, pero mapilit siya. Ayaw niya daw pumunta sa amin ng walang bitbit. Pumayag na ako kesa naman mag back out pa siya.

Nakita kong minamasahe niya yung batok niya. Naawa naman ako. Kahit na yung mga paa ko ang sumakit eh alam ko naman mas napagod siya kesa sa amin ni Kuya.


“Tulog ka muna Andy. Mamaya pa naman tayo eh.” sabi ko sabay patong ng ulo niya sa balikat ko.



“Hmm, okay.” mahina niyang tugon. Mukhang pagod na pagod talaga dahil maya maya lang, nakaidlip na siya pero bago pa man yun shinare niya na sa akin yung isang earphone na nakakabit sa cellphone niya.

Dahil, medyo slow at relaxing yung kanta, nakatulog na din ako.













“Ma'am Andrea.. Ma'am Chase. Andito na po tayo.” gising sa amin ni Kuya. Habang papungas pungas pa eh napasilip ako sa bintana ng kotse. Andito na nga kami..at quarter to eight na! Grabeng traffic yun ah.


Ginising ko na agad si Andrea na bang sarap pa rin ng tulog at may pakapit kapit pa sa braso ko. Bumaba na kami ng kotse at nag paalam na kay Kuya. Bago ito umalis inabot ni Andrea ang tatlong puting sobre. Christmas bonus siguro. Ang saya saya tuloy ng Kuya mo.

Niyaya ko na si Andrea, Lalakad pa kasi kami ng konti bago makarating sa mismong bahay namin. Sa may looban pa kasi yun. Medyo dikit dikit ang bahay dito sa street namin pero kahit ganun maayos naman ang mga tao dito. Kahit mahilig mag happy happy eh hindi naman magugulo. Pero, buti nalang at gabi na kung hindi baka pinag kaguluhan itong kasama ko. Baka akalain nila may napadpad na foreigner na artista eh. Headturner pa naman ang blonde niyang buhok. Makaagaw pansin.



QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon