Bumuntong hininga siya saka agad na naglakad papunta sa faculty ng mga teacher. Hindi na bago sa kaniya ang pagtitinginan siya ng mga estudyante, hindi na rin bago sa kaniya ang mga babae na lumalapit at nagpapa-picture sa kaniya,

Matapos ang iilang pictures ay agad siyang umalis para pumunta sa faculty ng mga teachers. Nang makarating naman siya doon ay agad siyang nilapitan ng mga teacher,

"bakit hindi niyo po sinabi na pupunta pala kayo dito? edi sana ay naayos namin ang mga estudyante para sa pag welcome sa inyo" ani nung isang teacher habang nagpapatuloy sa paghawi ng buhok,

"there's no need to bother the children, I only came to talk to a certain person" deretsong sabi niya sa isang teacher, sumingit naman ang isa pa,

"si teacher Emily ba?" tanong nito, nangunot naman ang noo niya saka marahan na tumango,

"ahm, yeah?? that racer one" anito, halata namang nagulat ang mga teacher na iyon kapagkuwan ay sumagot din ang isa,

"may class pa siya at ang room niya ay nasa ika-walong room mula rito" ani nung isang guro, tumango naman siya saka agad na umalis.

Rinig niya pa ang mga bulong-bulongan ng mga guro hanggang sa makaalis siya, sinunod naman niya ang sinabi nung isang guro ngunit hindi pa man siya tuloyang nakarating sa room na iyon ay agad siyang napahinto sa paglakakad nang makakita ng isang babae na may dalang sobrang daming regalo,

Sa hulma pa lang ng katawan nito ay alam niya ng si Samantha iyon, agad naman siyang nagpigil ng tawa nang makita ang sitwasyon nito, panay ang tanggap nito ng mga regalo na mula sa mga studyante at in-a-arrange pa nito ang mga regalo na kulang nalang ay mahulog,

Sa isip niya ay nagbilang na siya ng limang segundo bago mahulog ang mga iyon at hindi nga siya nagkamali dahil hindi man lang siya napansin ni Samantha dahilan para mabunggo siya nito at mahulog ang mga regalong bitbit nito,

Napayuko naman agad si Samantha para pulotin ang mga nahulog na regalo, yumuko din siya saka kumuha ng isa sa mga iyon at iabot ito kay Samantha na gulat siyang pinag-angatan ng tingin,

"Edgar?"

















MABILIS pa sa alas kwatro siyang napatayo nang makompirma niyang si Edgar nga iyon. Tumayo din si Edgar saka agad na binalingan ang mga estudyanteng nanonood lang sa kanila,

"why don't you help out this teacher here instead of watching there?" tanong niya sa isang estudyante, nagulat naman siya dahil doon saka agad naman napataas ang dalawang kamay niya at sumenyas na wag na siyang tulongan,

Nagulat naman siya nang maging animong aso ang mga estudyante dahil sa mabilis na pagsunod sa utos ni Edgar,

Nang mapulot na ng mga estudyante ang mga regalong naibigay sa kaniya ay humarap ito sa kaniya at nagtanong kung saan ilalagay ang mga iyon,

"paki put nalang sa table ko" nakangiting sabi niya sa mga dalagang estudyante na siyang namulot sa nga regalo, tumango naman ang mga ito saka agad na umalis sa harap nila ni Edgar,

Magkakruss ang braso niyang hinarap si Edgar na seryoso siyang tiningnan, nakapamulsa pa ito, pinagkunotan niya ito ng noo sapagkat hindi niya maisip ang dahilan kung bakit naparoon ito,

"why ba kasi andito ka?" tanong niya kay Edgar,

"let's join that race" deretsong sabi nito, agad naman siyang napamaang sa gulat,

"what? are you out of your isip na ba?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaharap niya, hindi naman umimik si Edgar dahilan para malaman niyang seryoso ito sa sinabi,

Race for Love (Hacienda Sevida Series 4)Where stories live. Discover now